Special Chapter College days. Tantiya ko nasa tatlong kilometro na lang ay mararating ko na ang finish line ngunit napasulyap ako sa kaliwa nang mahagip ng gilid ng mga mata ko si Drew. Tangina mukhang mauunahan pa nga ako ng gago. Napatiim bagang ako nang laktawan niya ko. Kampante lamang ang takbo ko dahil akala ko malayo na ang agwat naming dalawa. Shutangina! Nasan na ba si Thirdy at Ian. Kailangan naming manalo dito dahil mapapatay kami ng mga Tatay namin kapag nalaman na pinatalo namin ang mga bigay nilang big bikes ngunit higit sa lahat ay ang katakot-takot na kantiyaw na aabutin naming tatlo sa University bukas. Nabuhayan ako ng loob ng mahabol ko si Drew. Napangisi pa ko ng biglang nagsisulputan sina Thirdy at Ian sa magkabilang gilid ni Drew upang i-corner ito. I took my chan

