Napamulat ako ng aking mata dahil sa sinag ng araw at dahil sa ingay na naririnig ko..tinignan ko kung saan nanggaling ang ingay at nakita ko si nanay na nag lalagay ng pinggan sa lamesa...
Nakita kong may nakalagay na kumot sa akin at napangiti ako dahil alam ko kung sino ang nag lagay nito..ito ay ang aking dalawang kapatid...
"Nay..nasan si itay??"...tanong ko nang makabangon ako...
"Nako anak maaga silang umuwi sa probinsiya..ang himbing ng tulog mo kaya di na kami nag abalang gisingin ka"...sagot ni inay at nalungkot ako...
Tumayo na ako at pumunta sa banyo para ayusin ang sarili ko..ang aga pero ang lungkot ko dahil hindi ako nakapag paalam kay itay at sa dalawa kong kapatid...
"Yanna!!..bilisan mo at lumabas kana dahil kakain na tayo!!"...sigaw ni inay kaya nag madali naman ako...
Nakita kong naka upo na si inay kaya umupo narin ako para makisalo...
"Anung ulam natin??"...tanong ko...
"May natirang manok kagabe..pina init ko nalang"...sagot ni nanay at nag umpisa narin akong kumain...
Habang kumakain naka nanonood kami ng balita sa television at nakaka awa ang mga taong na apektohan ng bagyo...
"Nakaka awa ang nangyari sa kanila anak..kawawa ang mga mag sasaka dahil ang kanilang pananim nasira at mga mangingisda hindi naka punta sa laot dahil sa lakas ng hangin at hampas ng alon"...saad ni inay at napa tango naman ako...
"Nay what if tumulong ako??..tutal medyo malaki rin naman napanalunan ko..kahit konti lang sana maka tulong ako"...saad ko at nakita ko na napangiti si inay...
"Napalaki ka talaga namin ng tatay mo ng mabuti"...saad niya...
Nag patuloy lang kami sa pag kain at napag desisyonan ko na bumili ng mga delata, bigas at iba pa para ipapamahagi sa nasalanta ng bagyo kahit ito ay maliit na tulong...
Nagpupumilit pa sanang sumama ni inay pero hindi ko siya pinayagan dahil ayaw ko siyang mapagod..ako ang nanalo sa aming dalawa kaya aalis na ako ngayon para makapag pamahagi bukas...
"Nay alis na po ako!!..mag ingat po kayo dito!!"...sigaw ko...
"Ikaw ang mag ingat anak!!"...narinig kong sigaw niya nang isara ko ang pinto...
Palabas na ako sa Richmond hotel nang tumunog ang aking cellphone kaya tumigil muna ako para tingnan kung sino...
Pagtingin ko sa aking cellphone ay unknown number ang nag text kaya napag desisyonan kong basahin kung anu ang laman...
Nagulat ako dahil galing ito kay Mr. Escoffier at na alala ko na susunduin niya ako ngayon at ang laman ng text niya ay malapit na siya sa hotel...
Nireplayan ko siyang hindi ko siya masasamahan dahil may gagawin ako...
Pumunta na ako sa gilid ng kalsada para mag hintay ng masasakyan nang may tumigil sa gilid kong Lamborghini Veneno na black and white ang kulay...
Alam kong Lamborghini Veneno ito dahil mahilig ang dalawa kong kapatid sa mga uri ng sasakyan kaya minsan alam ko kung anung klase ito dahil sa kanilang dalawa...
Biglang bumaba ang bintana ng sasakyan sa may driver seat at napatulala ako sa nakita ko...
Isang lalaki na naka sunglass at naka gray fitted shirt..ang gwapo niyang tignan at ngayon ko lang nakita ang buhok niyang kulay brown...
Napamura ako sa aking isipan nang bumaba siya sa sasakyan niya at dahil nga fit ang tshirt niya ay bakat na bakat ang biceps niya...
"Love the view??"...sabi niya habang may ngisi sa labi...
"Panget mo"...pagsisinungaling ko kahit para siyang anghel na bumaba galing sa lngit...
"Panget pero makatingin ka parang ginagahasa mo na ako sa utak mo"...sabi niya at hindi parin nawawala ang ngisi niya sa kaniyang labi...
Lumakad ako palayo sa kaniya para makalayo dahil namumula na ang aking pisngi ngunit sinundan niya ako...
"Anu ba kailangan mo??"...tanong ko sa kaniya dahil naka sunod siya sakin...
"Ikaw"...maikli niyang sagot...
"Anung kailangan mo sa akin??"...tanong ko...
"Tulong mo"...sagot niya at napatigil naman ako...
"Anung nakain ng isang George Austin Escoffier sa isang katulad ko at nanghihingi pa ng tulong??"...natatawa kong saad...
"The truth is I need you to help me sa pamamahagi ng tulong para sa nasalanta ng bagyo..alam naman ng lahat na hindi lang ako gwapo matulungin din akong tao"...sabi niya sabay kindat...
"Ang rason din kung bakit nasabi ko sayo na hindi ako makakasama ay dahil bibili ako ng mga delata para ipamahagi sa nasalanta ng bagyo..tutal malaki rin naman ang napanalunan ko"...pag aamin ko...
"Isa lang ang gusto natin kaya sumama kana sakin..tulungan mo kaming mamahagi..sasama ka o sasama ka??"...sabi niya habang nakangiti na parang bata...
"Sige"...saad ko...
Lumakad na kami papunta sa kaniyang sasakyan at parang na hiya akong sumakay..ikaw kaya ang sumakay sa isang Lamborghini..marami rami pang panalo sa cooking contest ang magagawa ko para lang mapantayan ang presyo nito...
Masasabi ko na gentleman din itong si Austin dahil pinagbuksan niya ako ng pinto para maka pasok...
Pagbukas palang ay napapikit ako dahil sa bango ng kaniyang sasakyan...
"Huwag kang mag alala wala nang mga underwear dyan..nilinis ko para sayo"...saad niya habang nasa likod ko ang mukha niya...
Pumasok na ako at sinara naman niya ang pinto..inamoy ko ulit at ang bango nito..ang sarap lang nito sa ilong...
Pumasok na siya sa loob at akala ko ay mag uumpisa na siyang buhayin ang makina ngunit siya ay nakatitig lang sa akin...
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit na parang hahalikan niya ako kaya napa pikit ako...
Hinintay kong halikan niya ako ngunit napamulat ako ng makarinig ako ng tunog ng pag click..nakita ko na kinabit niya pala ang seatbelt sa akin...
"Whahahahahaha..bakit parang nadismaya ka??"...natatawa niyang saad at nainis naman ako...
"Huwag kang medyo malapit sa akin..di tayo close..kakakilala lang natin sa isat isa..ayy correction di pa pala tayo magka kilala"...mataray kong saad...
"Edi mag papakilala ako..my name is George Austin Escoffier..mayaman..matalino..mabait..pinapantasya ng mga babae..kinakatakutang food critic..at isa pa ako lang ang nag iisa at walang katulad sa kagwapohan..eh ikaw??..parlami di te??"...saad niya at hindi ko naintindihan ung last niyang sinabi...
"Well I am Trianna Beatrice Gusteau..maganda..sexy..hindi katalinuhan..ma diskarte..at higit sa lahat masarap..masarap mag luto"...saad ko...
"So tutal magkakilala na tayo..shall we go na??"...tanong niya kaya tumango naman ako...
Nag umpisa nang umandar ang sasakyan niya at binaybay namin ang daan...
*AUSTIN'S POV*
Medyo malayo layo pa at matagal ang biyahe namin kaya napag desisyonan kong paandarin ang kanta at makinig para hindi naman boring ang biyahe namin...
Nag umpisa na ang kanta at isa sa mga kanta ni Lewis Capaldi ang unang tumunog..alam ko ang lyrics ng kanta at isa siya sa mga paborito kong kanta kaya sumabay ako sa pag kanta...
"I fell by the wayside like everyone else
I hate you, I hate you, I hate you, but I was just kidding myself
Our every moment, I start to replace
'Cause now that they're gone, all I hear are the words that I needed to say"...pakikisabay ko sa kanta...
"When you hurt under the surface
Like troubled water running cold
Well, time can heal, but this won't"...kakanta pa sana ako ngunit biglang sumingit siya..kaya nakikinig lang ako sa kaniya...
"So, before you go
Was there something I could've said to make your heart beat better?
If only I'd have known you had a storm to weather"...pakikisabay niya rin at shet ang ganda ng boses niya...
"So, before you go
Was there something I could've said to make it all stop hurting?
It kills me how your mind can make you feel so worthless
So, before you go"...ako naman ang kumanta at siya ay nakikinig lang habang nakatingin sa bintana...
"Was never the right time, whenever you called
Went little by little by little until there was nothing at all
Our every moment, I start to replay
But all I can think about is seeing that look on your face"...dugtong ko...
"When you hurt under the surface
Like troubled water running cold
Well, some can heal, but this won't"...siya naman ang sumingit at putik parang may anghel akong kasama na kumakanta...
"So, before you go
Was there something I could've said to make your heart beat better?
If only I'd have known you had a storm to weather
So, before you go
Was there something I could've said to make it all stop hurting?
It kills me how your mind can make you feel so worthless
So, before you go"...sabay naming dalawa sa pag kanta...
"Would we be better off by now
If I'd have let my walls come down?
Maybe, I guess we'll never know
You know, you know"...tumigil siya kaya ako ang kumanta...
"Before you go
Was there something I could've said to make your heart beat better?
If only I'd have known you had a storm to weather
So, before you go
Was there something I could've said to make it all stop hurting?
It kills me how your mind can make you feel so worthless
So, before you go"...sabay ulit naming dalawa at napatawa kaming dalawa ng matapos ang kanta...
"Feel na feel mo ang pag kanta ah..may pinaghuhugutan??"...tanong niya...
"Wala naman..pero ikaw nga feel na feel mo rin at isa pa ang ganda ng boses mo..shet parang may anghel na kumakanta sa aking tenga"...saad ko...
*TRIANNA'S POV*
Shet ang ganda ng boses niya at habang kumakanta siya ay napapangiti lang ako habang tumitingin sa bintana...
"Hindi naman maganda boses ko ah..mas maganda pa nga ang boses mo"...saad ko dahil sinabi niyang maganda boses ko kahit hindi naman at napatawa naman siya...
"At isa pa magkatunog kayo ni Michael Pangilinan..ang sexy ng boses mo..siguro marami kanang babae dahil sa boses mo"...panunudyo ko...
"Sa iyo ko lang to sasabihin..huwag mo sana ipag kalat"...saad niya habang nakatingin sa daan...
"Sige..hindi ko ipag sasabi na nakabuntis ka at may sampu kang anak sa ibat ibang babae"...saad ko...
"Whahhahahahahaha!!!..ang lawak ng isip mo..pero hindi yan..sa atin lang to ha..huwag mong ipagkalat na virgin pa ako"...sabi niya at napatigil ako sa pag hinga...
Alam kong ang oa ng reaction ko pero hindi kapanipaniwala na virgin pa ang isang George Austin...
"Wahahhahahahaha bakit ganiyan ang mukha mo??..hindi ba kapanipaniwala??"...saad niya na naka tingin sa akin...
"Oo hindi talaga kapanipaniwala..maygad!!..isang George Austin na maka laglag panty ang kagwapuhan virgin pa??"...di makapaniwalang saad ko...
"Whahahahahahah!!..so sinasabi mo na gwapo ako??"...sabi niya habang may ngisi sa mga labi...
"Eh sa totoo namang gwapo ko ah"...saad ko dahil ang gwapo naman talaga niya...
"Sorry di kasi ako tumitingin sa salamin..pero sige dahil sinabi mo na gwapo ako..may makukuha kang premyo sa akin"...sabi niya sabay kindat...
Di na ako nag salita dahil baka bawiin niya ang premyo..nag babasakali ako baka bigyan niya ko ng pera..dahil pag pera ang bibigay niya ay sigurado hahanapan ko siya ng jowa...
✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Nakikinig lang ako sa kanta at tumitingin sa mga palayan na naka dapa dahil sa lakas ng hangin..nakakaawa tignan dahil may mga mag sasaka na di alam kung anu ang gagawin sa baha...
Dahil sa baha nalulunod ang kanilang mga pananim...
"Hey..wag mong tignan ang mga pananim kung nalulungkot ka..pumapanget ka..sakin kalang tumingin baka sakaling sumaya ka"...saad niya kaya napatingin ako sa kaniya...
"Kung sa daan ka kaya tumingin..baka maka iwas pa tayo na mahulog sa bangin"...pambasag ko sa kaniya...
Tumagilid ako at binalik ang tingin sa palayan at narinig ko naman ang pag tawa niya...
Ilang oras pa nag daan at hindi parin kami naka rating sa kung saan man ang punta namin...
"Tatagal paba tayo??"...tanong ko dahil gutom na ako...
"Huh??..kailan paba naging tayo??"...nag tataka niyang tanong...
"Tado!!..tinatanong ko kung tatagal tayo doon sa pamamahagi ng pagkain dahil nagugutom na ako at dahil mag isa lang si inay sa hotel"...sabi ko sa kaniya...
"Ayy ganun ba??..bakit hindi mo sinabi na nagugutom kana??..may nadaanan tayo kaninang convenience store sana naka tigil muna tayo..pero hayaan mo..hahanap ako ng makakainan"...saad niya at ngumiti naman ako...
✒✒✒✒✒✒✒✒✒
"Alam mo nakakainis ka!!..marami na tayong nadaanang kainan pero kahit ni isa hindi ka manlang tumigil!!"...pag mamaktol ko...
"Hindi ko kasalanan kung ayaw kong kumain sa mga ganyang kainan"...pag iinarte niya...
Hindi ko na siya pinansin at tumingin nalang ako sa bintana..naiinis ako sa kaniya dahil ang damin nang kainan ang nadaanan namin at hindi siya tumigil kahit sinabi ko na tumigil siya...
Ano pabaang aasahan ko sa isang food critic..talagang mapili sa kinakain at dapat pasado sa kaniyang panlasa...
"Akong bahala..tiis tiis lang..malapit narin naman tayo sa pupuntahan natin..doon nalang tayo kakain"...sabi niya pero hindi ko siya pinansin...
Napag desisyonan kong matulog nalang para mawala ang inis ko sa lalaking eto..pinikit ko na ang aking mata at nag umpisa na akong lamunin ng dilim...
*AUSTIN'S POV*
Nakarating na kami at hindi parin kami kumakain..napag desiyonan ko kasing ako nalang ang mag luluto ng pagkain para sigurado ako kung malinis ba ito o hindi...
"Tumayo kana dahil nandito na tayo"...sabi ko ngunit wala akong nakuhang sagot sa kaniya...
Tinignan ko siya at nakita kong mahimbing ang tulog niya..kaya napag isipan kong hindi naang siya gisingin...
Gigisingin ko nalang siya kapag kakain na kaming dalawa...
Binuksan ko ng konte lahat ng bintana at lumabas na ako sa sasakyan para tumulong sa pamimigay ng mga ayuda...
Papasok palang ako at natutuwa ako sa mga reaction ng mga nadadaanan ko dahil kahit maliit lang ang nakuha nila ay masaya parin sila...
Pag pasok ko ay marami rami pa ang mga taong naka pila at hindi pa nabibigyan..mabuti nalang marami rin akong taong binayaran para tumulong...
Nakita ako ni Mr. Lopez na siyang mayor dito at nilapitan niya ako na may ngiti sa labi...
"Mr. Escoffier mabuti at naka rating ka"...bati niya sa akin at ngumiti naman ako...
"Kamusta na ang pamimigay ng mga relief goods??"...tanong ko...
"So far wala pa namang problema..hindi pa naman nag kulang ung mga relief goods..hindi rin nag aagawan ang mga tao kaya matiwasay ang pamimigay"...saad niya...
"Mr. Mayor pwedi ba humingi ng pabor??"...nahihiya kong tanong sa kaniya...
"Oo naman Mr. Escoffier..anu ba ang gusto mo??"...saad naman niya...
"Gusto ko sanang mag luto dahil gutom na ako at gusto ko sanang hiramin ang kusina ng bahay niyo"...saad ko...
"Huwag kanang mag abalang mag luto..papalutuan nalang kita kay Jason"...sabi niya...
"Ako nalang po ang mag luluto hihiram lang ako ng kusina mo at kung anu nalang ang makikita kong mga lulutuin..may kasama po kasi ako sa sasakyan at nagugutom din siya"...saad ko sabay kamot ng ulo...
"Ayy hindi mo sinabi na kasama mo pala ang girlfriend mo..sige papasamahan nalang kita kay Jason sa bahay"...saad niya na may mapanudyong tingin...
"Jason!!!..samahan mo nga itong si Mr. Austin sa bahay..ituro mo sa kaniya kung nasaan ang kusina!!"...saad niya...
May lumapit sa aking lalaki na medyo bata sa akin at tumango naman ako para sabihing mauna siya...
Nag umpisa na siyang maglakad at sumunod naman ako sa kaniya...
Hindi naman masyadong malayo ang bahay mayor kaya nakarating kami agad..pag pasok ko ay ok rin naman ang mga gamit sa loob..malinis siya at parang may nag lilinis araw araw...
"Sir diretsohin mo nalang ang daan na iyan tapos kusina na agad..babalik na po ako doon sir para tumulong"...saad niya...
"Ahh sige bumalik kana ako na ang bahala rito"...saad ko naman...
Sinunod ko naman ang sinabi niya at dineretso ko ang daan patungong kusina...
Pag pasok ko sa kusina ay napa ginhawa ako ng maayos dahil malinis ang kanilang kusina at naka organize ng maayos ang mga gamit dito...
Nag hanap hanap ako sa mga tokador dito at hindi ko alam kung anung lulutuin ko..may nahanap akong 1 lb. na fusilli pasta kaya nag isip ako kung anung lulutuin ko...
Tinignan ko muna sa refrigerator kung may chicken breasts o di kaya kahit anung parte ng manok dahil na isip kong gumawa ng chiken pasta salad...
Mabuti nalang at may nahanap akong chicken breasts..gusto ko sanang gumamit ng kosher salt kaso wala kaya iodized salt nalang ang hinanap ko...
Nag hanap lang ako nang nag hanap dito sa kusina at may mga kulang pa pero ok lang naman dahil kompleto naman ang mga pampalasa katulad ng ground black pepper...
Pinatunog ko muna ang aking mga daliri at sinimulan ko nang gawin ang chicken pasta salad with love...
"TRIANNA'S POV*
Napamulat ako ng aking mata dahil naramdaman kong kumakalam ang aking tiyan at biglang nawala ang pagkagutom ko dahil wala na si Austin sa tabi ko at hindi ko alam kung nasaan kami...
Pag tingin ko sa bintana ay may mga lumalabas na tao sa parang covered gym na may mga bit-bit na relief goods...
Kinuha ko ang aking cellphone para tignan kung anung oras na nang biglang may tumawag...
"Hello nay bakit po??"...tanong ko dahil si nanay pala ang tumawag...
"Hoy ikaw na bata ka hapon na at hindi ka pa naka uwi!!!..ilang truck ba ang bigas at delata ang binili mo at hanggang ngayon hindi ka pa naka uwi!!!"...sigaw niya sa kabilang linya kaya inilayo ko ang aking cellphone sa aking tenga...
Pinindot ko ang loudspeaker dahil ayaw ko nang ilapit pa sa aking taenga ang cellphone...
"Hello nay..kalma lang po..may sinamahan akong kaibigan..hindi pa po ako nakakabili..ipagpabukas ko nalang ang pag bili ng mga delata"...saad ko...
"Bahala ka tutal malaki kana kag siguraduhon mo lang nga pag uli mo waay ka ga busong"...saad niya at napatawa naman ako dahil sisiguraduhin ko daw na di ako buntis pag uwi ko...
"Anu kaba nay..bakit naman ako mabubuntis..matalino po ako at hindi bobo..alam ko ang tama at mali..at isa pa nay mag practice kapa mag tagalog dahil lumalabas parin ang pagka ilongga mo"...saad ko habang tumatawa...
"Bahala ka..basta umuwi ka ng kompleto"...saad niya at bigla niyang pinatay ang tawag??...
Pagtingin ko sa aking cellphone ay puro missed calls kaya napangiti ako dahil nag aalala talaga ang inay...
Dahil ayaw kong lumabas para mag hanap ng makakain ay inopen ko nalang ang aking Facebook...
Pag open ko palang ay maraming notification at mga messages kaya inumpisahan ko nang isa isahin ang mga message at congratulations ang nakuha ko sa mga kaibigan ko at masaya naman ako...
Napakislot ako dahil may biglang kumatok sa bintana at nagulat ako dahil busy ako sa kaka reply sa mga bumabati sa akin...
Pag tingin ko ay si Austin lang pala kaya binaba ko ang bintana...
"Buksan mo nga ang pinto doon sa driver seat"...utos niya at sinunod ko naman...
Sinundan ko lang siya ng tingin pa ikot at papunta sa driver seat..pagka pasok niya ay may dala siyang supot...
Binigay niya ito sa akin at kinuha ko naman..tinignan ko ito at dalawang styrofoam na lagayan kaya tinanong ko siya...
"Anu to??"...tanong ko...
"Pagkain..diba nagugutom ka..kaya kainin mo na yan bago pa lumamig"...sabi niya at agad ko namang binuksan...
Pagbukas ko palang ay lumabas kaagad ang bango nito at mukhang masarap...
"Saan mo ito nakuha??..at mainit init pa"...tanong ko habang ngumunguya ng chicken pasta salad...
"Humingi ako ng pabor kay mayor kanina na pahiramin ako ng kusina niya..ginawa ko yan sana masarapan ka..mabuti nga ay may sobra si mayor na lagayan na styrofoam"...saad niya habang naka sandal ang ulo sa sandalan at naka pikit ang mata...
Ang sarap niyang mag luto kahit may kulang..alam ko naman na may kulang dahil nga nakigamit lang siya ng kusina at limited lang ang mga ingredients na makukuh niya doon...
Tinignan ko siya at naka pikit lang siya..na alala ko na hindi pa pala siya kumakain at tutal marami naman ang ginawa niya napag desisyonan kong bigyan siya...
"Hey sayo na itong isa..alam kong gutom ka rin"...sabi ko sabay abot sa kaniya...
Nakita kong napangiti siya at napamulat ng at kinuha nama niya ang binigay ko...
"Akala ko hindi mo ako bibigyan"...parang di makapaniwalang saad niya...
"May gagawin kapa ba??..tumawag kasi si inay at hindi niya alam kung nasaan ako ngayon kasi hindi ko naman alam kung saan tayo ngayon"...saad ko...
"Hayaan mo pagkatapos nating kumain mag papaalam lang ako kay mayor tapos uwi na tayo"...saad niya...
"Salamat"...saad ko...