CHEFTER-7

2317 Words
Tinutulongan ko ngayon mag impake si inay dahil uuwi siya sa probinsiya dahil nag kasakit si itay at walang mag babantay sa dalawa kong kapatid..gusto ko mang umuwi kasama si inay ngunit hindi pwedi dahil kailangan kong mag trabaho din... "Nay payagan mo na akong sumama sa iyo"...saad ko habang pinapasok ang mga gamit ni inay sa bagahe... "Hindi pwedi..maiwan ka dito..may stable kanang trabaho at bago ka palang doon..hindi kapa pweding umabsent"...saad naman niya... "Eh paano ang bayarin dito nay..ilang linggo ka mawawala..walang tao dito..mahal pa ung bayad"...sabi ko... "Mag hanap ka muna nang malilipatan na mura"...saad niya... Hindi na ako nag salita pa dahil hindi ko talaga mababago ang desisyon ni inay..gusto ko lang naman makita ang mga kapatid ko at si itay..miss ko na rin kasi sila at wala akong magawa manlang..binilisan ko nalang ang pag empake para maka uwi na si inay agad sa probinsiya... Pagkatapos kong tulongan mag impake si inay pumunta na agad ako sa loob ng banyo dahil kailangan ko magtrabaho..naalala ko na naman ang nangyari kahapon nung tinanong ko siya kung anu ang tradition na pinag usapan nila... *FLASHBACK* "What the f**k Austin??!!"...napata­yo ako dahil sa gulat... "Wahahahahahahaha..chilax lang Yanna..mag sasama lang naman tayo sa isang bahay"...saad niya habang naka higa parin... "Wala namang masama kung mag sama tayong dalawa diba..tutal girlfriend naman kita"...pahabol pa niya... "Hindi pwedi Austin..may pangarap pa ako"...sabi ko... "Edi sasamahan kitang tuparin yang pangarap mo"...sabi niya sabay ngiti at namula naman ako... "Kapag kasi hindi tayo nag sama sa isang bahay..may mababaog sa ating dalawa..either me or you"...sabi niya at naisip ko palang na hindi ako makakabuo ng anak ay parang maiiyak na ako... "Totoo ba iyang sinasabi mo??"...tanong ko... "Meron akong tito at tita na hindi sinunod ang tradition ng pamilya kaya ayun hanggang ngayon hindi magka anak"...saad niya at napa upo ako sa sofa... *END OF FLASHBACK* Bwesit na Austin tinakot pa ako sa mga ganoong bagay at shempre natakot din ako sino ba naman ang hindi magka anak..at isa pa hindi ko pa kasi kayang matulog kasama ang hindi ko pa kilala at lalaki pa..baka may mangyari na hindi maganda ako pa ang kawawa ako ang may mawawalan... Mabilis kong tinapos ang pag ligo at lumabas na ako agad..pagkalabas ko ay nakita ko si inay at parang handa na siyang lumabas... "Nay hatid na po kita sa airport"...saad ko... "Huwag kanang mag abala pa anak..bilisan mo na baka late kana sa trabaho mo"...saad niya.. "Nay sige na po..hatid na po kita"...pagmamakawa ko... "Huwag na..pag ka alis ko dito at pagka alis mo mag checkout kana agad at mag hanap ng mura na condo"...saad ni inay at umalis... Pagkalabas ni inay ay nakaramdam ako ng lungkot dahil parang ako nalang mag isa dito sa loob..kaya binilisan ko nalang ang pag ayos at kinuha ang lahat ng mga gamit ko..hindi ko alam kung saan ako lilipat dahil wala naman akong ka alam alam dito... Tinignan ko muna ang buong sulok ng kwatong ito dahil ready na akong umalis at para makapag paalam na ako... "Sigurado akong mamimiss kong tumira ulit dito"...sabi ko sabay sara ng pinto at umalis... Tapos na akong mag checkout at dala dala ko ang damit ko hanggang palabas ng Richmond hotel..nag babantay ako ngayon ng taxi para may masakyan papunta sa Ristorante Deluxe... Mabuti nalang at may taxi agad na dumaan kaya pinarahana ko ito..inilagay ni manong sa likod ng taxi ang gamit ko at nag pahatid ako sa restaurant ni Austin... Nakatingin lang ako sa bintana at hindi ko alam kung ilang oras o minuto na kaming bumabiyahe dahil lama ng isip ko ay ang kapatid ko at si itay at pati narin si inay dahil bumabyahe siya ngayon... "Maam dito na po tayo"...narinig kong saad ni manong kaya mabilis akong umayos at kumuha ng pera... Pagkatapos kong bayaran ay tumayo na ako at lumabas..lumabas din si kuyang driver para ibaba ang bagahe ko... Pumasok ako sa loob ng restaurant ni Austin at pag pasok ko ay may nakatingin sa akin na tao..siguro nakatingin sila dahil nag tataka kung anung ginagawa ko... Ikaw ba naman na pumasok sa loob ng napaka elegante na restaurant tapos may bitbit kang bagahe na parang pinalayas ka... Pero hindi ko sila pinansin dahil wala naman silang maitutulong..dirideritso lang ang lakad ko papasok sa elevator..mabuti nalang wala akong kasabay sa elevator... Pinindot ko agad ang tenth floor at nag umpisa itong tumaas..pag bukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalaki na busy at maraming ginagawa... Lumapit ako sa kaniya at kinatok ang table niya kaya napatingin siya sa akin... "Sorry sa pang iistorbo sayo"...saad ko sabay upo sa pang isahang sofa... "I'll bet that everyone is looking at you like who the f**k is this girl"...sabi niya sabay tigil sa kaniyang ginagawa... Ipinikit ko nalang ang aking mata dahil parang tinatamad ako at walang gana..di ko kasi maiwasang isipin na ako nalang mag isa... "What's with those baggage??"...tanong niya... "Mga damit ko"...maikli kong sagot... "At bakit naman bitbit mo yan papunta sa trabaho??"...tanong niya ulit at nakakairita n dahil ang dami niyang tanong... "Lilipat ako dahil ako lang mag isa umuwi si inay sa amin..maghahanap pa ako ng mura na matitirahan..at isa pa wala rin akong mapagiiwanan nitong gamit ko kaya dala dala ko hanggang dito"...sagot ko para tapos na agad... Naramdaman ko ang presensiya niya na papalapit kaya iminulat ko ang aking mata..nakita kong kinuha niya ang dalawang bagahe at nag umpisang mag lakad... "Teka saan mo yan dadalhin??"...tanong ko... "Saan paba??..edi sa bahay ko"...sagot niya at nag umpisang pumunta sa elevetor... Nagmadali ako tumayo para maka habol sa kaniya at para mapigilan siya..mabuti nalang napigilan ko ang pag sara ng elevator at nakapasok ako sa loob... "Ito na ang time para magtanan tayong dalawa..libre na ang pagkain tubig at wala kapang babayaran"...saad niya... "Austin wala ako sa mood para makipag biroan sayo at sa mga tradition niyo"...naiinis kong saad sabay agaw ng mga gamit ko pero napaka lakas niya at hindi ko ito makuha sa kaniya... Biglang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa pag agaw ng gamit ko at tumingin sa papasok sanana tao... Isang waiter at mukhang nagulat siya sa nakita niya kaya bigla siyang napa bow sa harap namin ni Austin..sumara ang pinto at hindi pumasok sa loob ang waiter... Napatingin ako kay Austin at nakita kong nakangiti siya kaya nagtaka naman ako... "What was that??"...tanong ko... "Isa sa mga rules dito sa restaurant..bawal sumabay sa akin sa elevator kahit na sino man..kaya napaka swerte mo dahil naka sabay mo ako"...saad niya habang naka ngisi... Bumukas ang pinto ng elevator at wala akong magawa kundi ang sumama kay Austin dahil nasa kanya ang bag ko at hindi ko ito makuhakuha... Lumabas kaming dalawa sa elevator at napatingin ang mga taong nandito sa akin..siguro nagtataka sila dahil si Austin na ang may dala ng mga gamit ko... Hindi namin sila pinansin ni Austin at naglakad lang kami na parang kami lang ang tao rito sa loob... Nakalabas na kami at meron nang nag hihintay na valet or ang taong nag papark ng sasakyan..kinuha ni Austin sa kaniya ang susi at umalis narin siya... Pinasok niya sa loob ang bagahe ko at pumasok narin ako... Nag umpisa nang umandar ang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa bahay ni Austin... ✒✒✒✒✒✒✒✒✒ Nakarating kaming dalawa at tahimik lang ang biyahe namin papunta dito..lumabas na ako at nakita ko ulit ang kagandahan ng mga halaman dito... Narinig ko ang pag sara ng pinto at nakita ko ang braso ni Austin na may naka umbok nung kinuha niya ang bagahe ko... "Pasok na babe"...saad niya at sumunod naman ako sa kaniya... Pag pasok ko sa loob ng bahay ay parang nabingi ako dahil ang tahimik ng loob at wala ni isang tao... "Austin wala kabang katulong??"...tanong ko... "Meron..bakit??"...sagot niya... "Asan na sila??"...tanong ko ulit habang nag lalakad papunta sa itaas... "Pina uwi ko dahil hindi pa naman linggo..sa linggo lang sila pumupunta para mag linis"...sagot niya... Nakarating na kami sa itaas at akala ko ay sa kwarto niya ako tutuloy pero hindi..dahil sa harap ng kwarto niya ay meron ding kwarto... Pumasok sa loob si Austin kaya sumunod ako..katulad din nang sa kabilang kwarto ang desinyo ngunit wala itong malaking bintana katulad nang kay Austin... "Dito muna ako pansamantala Austin..pag may nahanap na akong matutuloyan..aalis ako agad"...sabi ko sabay lagay ng mga gamit ko sa closet... "Whatever"...saad nito at tumalikod na para umalis... "By the way..nagugutom ako..magluluto ako and kung gutom ka pwedi mo akong saluhan"...saad nito bago sinara ang pinto... Ipinagpatuloy ko ang pag lagay ng aking mga gamit sa loob..hindi naman ako natagalan dahil hindi naman ganoon karami ang mga damit ko... Humiga ako at nag isip isip..ilang oras narin ang lumipas kaya napag isipan kong tawagan si inay... Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni inay at saka ko ito tinawagan..naka ilang ring din ito bago niya sinagot... "Hello nay..kamusta ang biyahe??..nakarating na po ba kayo sa bahay??"...tanong ko... "Ok lang naman ang biyahe anak..hindi pa ako nakarating pero malapit na ako"...sagot ni inay sa kabilang linya... "Sige nay..ingat po kayo..sabihin mo po kay itay at sa mga makukit ko na kapatid na namimiss ko sila"...saad ko at parang maiiyak... "Sige anak..sasabihin ko yan..mag ingat ka rin anak lalo na ikaw lang mag isa"...saad ni inay... "Bye po nay"...saad ko at pi igilang maluha... "Bye rin anak..love you"...saad niya sa kabilang linya... Pinatay ko ang tawag at pinahiran ko ang luha ko..nakaramdam ako ng gutom kaya pinakalma ko muna at inayos ang aking sarili bago lumabas... Bumaba na ako at pagkababa ko palang ay may na amoy agad akong masarap kaya sinundan ko ito... Nakita kong may naka upo sa lamesa at kumakain ng menudo..napatingin ito sa akin at intinaas lang nito ang kaniyang kutsara... "Sabayan mo akong kumain"...sabi niya habang may kanin pa sa loob ng kaniyang bibig... Umupo ako sa tabi niya at may pinggan nang nakalagay..kumuha ako ng kanin at pork menudo... Nag pasalamat muna ako sa pagkain bago ako kumain na parang hindi naka kain ng ilang linggo... "Dahan dahan lang"...narinig kong sabi ni Austin kaya na hiya ako... Nag dahan dahan naman ako sa pag subo ng kanin dahil sa hiya ko... "Mukhang stress ka"...saad ni Austin at napatingin naman ako sa kaniya... Oo stress ako kaya nga parang hindi ako naka kain ng isang linggo... "Pano mo nalaman??"...tanong ko... "Secret"...maikli niyang saad... "Gusto mo ba na mag pamasahe??"...tanong niya at napatigil naman ako sa pag kain... Hindi pa ako nakaranas mag pa massage kaya gusto kong subukan... Tumango ako para sabihing gusto ko at napangiti naman siya... "Sige pagkatapos mong kumain..magpapa massage tayo"...saad niya... ✒✒✒✒✒✒✒✒✒ Nandito na kami ngayon sa harap ng isang building para sa massage... Pumasok kaming dalawa ni Austin sa loob at siya ang kumausap sa babaeng nasa front desk... Lumapit sa akin sa Austin at bumulong sa aking tenga... "Meron silang couples massage..gusto mong subukan??..nasa isang private room tayo tapos may dalawang massage table tapos lalaki ang mag mamasahe sakin at babae naman sayo"...bulong niya... Napaisip naman ako at ok lang naman kung sabay kami ni Austin..meron naman sigurong harang sa gitna naming dalawa... Tumango ako at nakita ko naman ang sigla sa mukha ni Austin... Nag lakad na kaming dalawa ni Austin at merong nag assist sa amin..napag alaman ko rin na regular customer pala nila si Austin... Nakadapa na ako ngayon sa kama at kinakabahan ako... "Austin first time ko ito"...sabi ko habang naka dapa sa kama... "Relax kalang babe"...saad niya... Nag umpisa nang mag masahe ang masahista at sabay sila ng nag mamasahe kay Austin... Shit first time ko ito at ang sarap sa pakiramdam dahil ang gaan ng kamay ng nag mamasahe sakin... "Ahhhh!!..shit ang sarap!!"...ungol ko dahil sa sarap na aking naramdaman... "Huwag kang masiyadong magalaw babe"...narinig kong saad ni Austin... Sinunod ko naman siya at pinigilang gumalaw galaw... "Yanna sa tingin mo getting a massage is a form of cheating??"...narinig kong tanong ni Austin at napa tigil naman ako... Sa iba siguro oo pero sa akin ay hindi..kailangan ng katawan ng isang tao ang masahe at isa pa wala namang malisya kung magpapa masahe ka..depende narin sa tao kung nag eextra service... "Para sa akin Austin hindi..okay lang naman na may humawak sa iba't ibang parte ng katawan mo..at isa pa never ka pa naman nag pa extra service diba??"...saad ko at napatawa naman siya... ✒✒✒✒✒✒✒✒✒ Natapos ang masahe namin at ang gaan ng pakiramdam ko... Lumabas na kami ni Austin at sumakay sa sasakyan para umuwi.. Habang nasa biyahe kami ay nakaramdam ako ng antok kaya sinabihan ko si Austin... "Austin gisingin mo ako pag nakarating na tayo sa bahay mo..idlip muna ako"...saad ko at tumagilid... Hindi ko na hinintay ang sagot ni Austin at ipinikit ko na ang aking mata at naramdaman ko nalang ang aking sarili na nilalamon ng dilim...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD