Chapter 1
Today is Luke and his family's flight to India and I insisted to accompany him to the airport. Sabi nga niya huwag na akong sumama dahil bukas na rin ang alis namin pero, siyempre, nagpumilit pa rin ako. Gusto ko din naman na mabati sila Tita Lucia kaya sasama ako.
Sabi ni Luke ay susunduin nila ako dito sa bahay kaya pumayag ako. Ihahatid na lang din ako pauwi ni Kuya Alex para hindi na ako magpasundo kay Kuya Clinton.
Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba ako sa first floor. Saktong nag message si Luke na on the way the sila kaya hinanap ko si Mommy upang magpaalam na aalis at natagpuang nasa kusina at nag aayos ng mga bagong mga gamit na binili lang kanina. Wala si Daddy kaya kay Mommy na lamang ako magpapaalam.
Tinawag ko siya, "Mommy," lumingon naman siya kaya lumapit ako sa tabi niya habang may ginagawa siya.
"I'm gonna go, 'mmy. Paparating na po sila Luke," paalam ko kaya tumigil siya sa ginagawa niya.
"Aalis na kayo? Papasukin mo muna siya at nang magpapaalam ako nang maayos," mahinahong banggit niya kaya tumango ako.
Medyo maaga pa naman at sandali lang naman siguro silang magkukwentuhan kaya pumayag na ako. I waited for their car to arrive. Nang makita ko ang paparating nilang sasakyan ay lumabas ako ng bahay.
When Luke opened the car's door, I invited him to go inside because Mommy wants to greet him and bid goodbye before he leaves the country. It may sound over acting but, no one can stop my Mom. Kahit isang buwan lang naman doon si Luke.
"Sandali lang, alis na rin tayo para hindi tayo nagmamadaling umalis. Huwag mo nang masyadong daldalin si Mommy, okay?" I uttered because they're both talkative. Hindi sila nag papaawat kapag silang dalawa ang magkausap.
"Okay po," he grinned at me so I rolled my eyes at him, making him chuckle. He then tousled my hair so I gave him a scowl.
"Kainis ka naman! Kakasuklay ko lang!" reklamo ko habang uupo kami sa sala. When mother arrived, they greeted each other.
"Hijo! Hindi ka na nakakadalaw dito, ah?" bungad niyang tanong kay Luke. Sinabi ko naman na ang ilang dahilan kung bakit hindi na nakakapunta dito si Luke pero, hindi ko alam kung bakit parang hindi niya ako pinaniniwalaan.
"Marami lang pong ginagawa, Tita. Minsan na nga lang rin po kami nakakaalis ni Sy dahil po sa dami. Lalo po siguro ngayon na last year na namin," paliwanag niya dahilan upang lumingon sa akin si Mommy.
She raised her brows and said, "Pero, bakit parang hindi ko naman nakikita si Fantasy na busy at maraming ginagawa?" nagtatakang tanong niya kaya umirap ako. Tumawa naman si Luke.
"Mommy naman! Masipag lang akong gumawa kaya hindi ko na nadadala dito sa bahay, 'no," pagdedepensa ko sa sarili.
"Opo, Tita. Sa bahay lang po ako gumagawa kasi tinutulungan ko po si Sy," ngumisi siya sa akin kaya hinampas ko siya.
"Sabi ko kasi sa iyo, 'wag mo na akong tulungan pero nagpumilit ka pa rin!" reklamo ko at humalukipkip. My mother looked at me and raised her brows at me again but I didn't mind her.
We continued to chit chat and bicker with each other. Nang bumusina si Kuya Alex sa labas ay nagpaalam na kami kay Mommy, hinahanap na daw siya nila Tita.
"Sige na, hijo. Mag ingat ka doon, ah? Ikamusta mo na lang ako kay Lucia at Romy," nakangiting sabi ni Mommy. They hugged each other and went out. We immediately settled on our seats in the car and my mother waved at us before the car had maneuvered.
Habang nagkukwentuhan kami ni Luke ay nakaramdam ako nang antok kaya naman nagpaalam ako na matutulog muna dahil halos isang oras lang naman ang byahe papuntang paliparan. Mabuti na lamang at gaanong hindi traffic.
Nang maihatid ko siya ay saktong tinawag na ang flight nila. Nagpaalam na sila Tita pero naiwan muna si Luke upang bilinan ako.
"Ingat ka pag uwi mo, ah? I'll call you after we land there. Message me after you get home, okay?" Aniya habang nakayakap sa akin at hinahagod ang buhok ko.
I nodded my head pagkatapos ay kumalas ako sa yakap niya. "Of course! Kahit pagkatapos mo na lang matulog ka tumawag kasi matagal ang byahe at paniguradong pagod ka."
"Saglit lang naman tayo mag uusap. Oh, sige na. I should go now, take care, Sy!" paalam niya. "Take care, Luke! Pasalubong ko, ah?" biro ko pa kaya tumango siya. I waved my hand when he turned around noong malayo na siya.
Nang mawala siya sa paningin ko at pumasok na ako sa kotse at inaya na si Kuya Alex na umuwi na. I told him na pakigising na lang ako kapag nasa bahay na kami.
When I went home, I immediately ate my dinner before packing my things for our almost one month vacation in Siargao. Tomorrow afternoon is our scheduled flight. After making sure that I packed my important necessities, I looked for my phone to chat Luke that I got home already. I forgot when I arrived earlier since I'm excited to pack up my things.
After messaging him, I picked my clothes to wear for our flight tomorrow. Since it's summer, I picked my yellow plaid sleeveless dress with ruffles along the hem until my knee and decided to pair it with flats.
Halos mag a-alas dose na ako nakatulog dahil talagang sinigurado kong dala ko lahat nang kailangan ko.
Nang inaantok na ako ay natulog kaagad ako para maaga akong magising at makamusta si Luke. Sabi pa naman niya tatawag siya pagkalapag nila doon kahit sandali lang. Nag iwan na lamang ako ng message sa kaniya bago matulog.
Kinabukasan, I excitedly got up early to do my routines. Kahit madaling araw na ako natulog ay hindi pa gising ang mga kasama ko sa bahay ay naglilinis na ako ng kwarto. I wanted to clean it before leaving because I don't want anyone to come here to clean my room for me, even my mother or anyone in my family. I just don't find it comfortable. Kaya nga wala kaming kasambahay dahil isa rin iyon sa dahilan.
After I finished vacuuming the floor, sinunod ko naman ang bintana at pinunasan ang mga gamit na may alikabok. Pagkatapos ay sinunod ko naman ang banyo, nasa maleta ko na ang mga gamit dito katulad ng sipilyo, sabon, shampoo, my skincare products etc. I usually bring my own instead of borrowing.
Nang matapos ako sa ginagawa ay saktong tinawag ako ni Mommy upang kumain ng agahan. Nang makababa ako ay naamoy ko ang naghalong mabangong amoy ng sinangag, bacon at kape.
"Goodmorning, Mommy!" masiglang bati ko at umupo na sa hapag kainan. I smiled while smelling the aroma of the foods in front of me.
"Goodmorning. Ang aga mo 'atang magising? Oh, flight niyo na pala mamaya." sabi niya nang napagtanto ang dahilan kung bakit maaga akong nagising.
"Naglinis ka rin ng kwarto mo? Naririnig ko 'yung vacuum kanina, eh," tanong niya at nagsimula na kaming kumain pagkatapos manalangin.
"Opo," sagot ko at sumubo ng kanin at ulam.
"Mabuti naman. Siya nga pala, nakarating na ba sila Luke sa India?" tanong niya kaya nanlaki ang mata ko. Muntik ko nang makalimutan na tatawagan ko pala siya pagkagising!
"Teka, Mommy! Nalimutan ko po siyang tawagan!" sabi ko at kumaripas nang takbo paakyat upang kunin ang cellphone.
"Matalisod ka!" sigaw ni Mommy.
Pagkuha ko ng cellphone ko ay kaagad kong binuksan ang messenger at tinignan kung nagchat si Luke. I saw that he replied around three am here and eleven pm where he is currently because their timezone is three hours behind.
He said that the plane just landed and they checked in, in the nearby hotel and wished me a good night's sleep. I smiled while reading his stories through the messages. I could visualize his gestures and expressions and how he would tell me this in person if he was here.
Bumalik ako sa hapag nang makapag reply sa kanya. Mommy looked at me suspiciously when she saw me smiling while eating my food.
"What?" tanong ko sa kanya.
"There's really nothing going on between you and Luke?" tanong niya kaya nasamid ako.
"Wala, 'mmy. How many have you asked that question, aren't you tired of getting the same answer from me?" I replied and continued to eat.
"Then, why are you smiling after reading his messages?" Ganti pa niya kaya tumawa ako.
"Mommy, hindi po porque ngumiti ako pagkabasa ko ng messages niya ay may namamagitan na sa amin. It was just that I could feel how excited he was when he told me stories," paliwanag ko.
She just nodded and I just shrugged it off. Natapos ang agahan namin nang tahimik. The silence at our dining table is comfortable. I'm used to it.
Simula noong hindi na umuuwi si Daddy dito dahil sa trabaho niya, si Mommy lagi ang kasabay ko sa bawat pagkain at madalas kaming tahimik. It's not because we're awkward with each other but we just love the silence.
After naming kumain ay nagbihis na kami ni Mommy, sabi niya, ihahatid niya ako dahil mauuna ang mga Tito at Tita, mga pinsan at mga pamangkin at sila Lolo at Lola ko sa Airport. She will not come with us since she's busy.
I looked at the clock and it's already nine in the morning. Naligo na ako para maagang makapaghanda at maagang makaalis. Halos isang oras lang naman ang papuntang NAIA simula dito sa Pampanga pero dahil maraming magbabakasyon ay siguradong traffic nito. Buti na lang kahapon hindi gaanong traffic kung hindi ay nahuli na si Luke sa flight nila.
Ang oras nang flight namin ay ala-una ng hapon kaya at ang alis namin ay alas-onse ng umaga.
After wearing my dress, I took a mirror selfie of myself on my full length body mirror and sent it to Luke. I also sent him a few of my selfies and informed him that we're flying to Siargao in the next few hours.
I double checked my two luggage and one duffle bag then safely placed it on the sofa. I also checked my windows' locks before going down. I waited a little while for my mother. She's so beautiful in her black blouse and high waisted jeans.
She helped to safely put my luggages at the trunk of the car. Nagsimula nang mag drive si Mommy at natulog muna ako dahil inaantok ako.
Pagkaraan ng kalahating oras ay dumaan muna kami sa drive-thru at namili ng pagkain. I ate what we bought for the next half hour ride. Hindi na ako natulog dahil ayaw na akong dalawin nang antok at tutal, malapit na naman na kami.
Mommy parked the car in the terminal three's open car parking. Good thing, doon din ang terminal nang flight namin.
Nakita ko ang mga kamag anak ko na nakaupo sa loob ng terminal building pagpasok namin. Probably waiting for me. Saktong pagpasok ko ay tinawag na ang flight namin. I bid a goodbye to my mother and hugged her before we walked to the gate of the airport.
The flight took almost two hours in the air before we finally reached the Sayak Airport at Del Carmen, Siargao. The airport is smaller than I thought but it's given since Siargao is a province. It's a good thing as well because they have their own airport.
Nang makababa kami ng eroplano ay tinabihan ako Kuya Jiro at kinuha ang duffle bag ko.
"Ang dami mo namang dala, Sy. Dito ka na titira?"
"Baka," sagot ko, pagod na at wala nang lakas pa para makipagtalo. He glanced at me, worry is evident on his face.
"You seem gloomy. Are you okay?"
I replied to him with a nod. Pagod lang ako dahil wala pa akong maayos na pahinga simula kahapon. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila Lola ay hindi ako nagsasalita dahil gusto ko na lang matulog.
"Lola, akyat na po ako, ah?" Paalam ko at nang makita ang tango niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Kuya Jiro helped me to bring things to my temporary room. He didn't dare to break the silence between us neither did I.
The room is cozy. The vibrant color makes it feel warm. There is a king sized bed in the middle of the room. Ang kama ko ay nakaharap sa sliding door ng maliit na balkonahe kaya ang araw ay tatama kaagad sa mukha ko. There are no curtains since the sliding door is connected to the balcony.
Ang balkonahe ay may nakalagay na maliit na lamesa at isang upuan na gaya ng balkonahe ko sa bahay namin. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay inayos ko naman ang mga gamit ko na nilagay ko sa maliit na walk-in-closet ng kwarto.
Nang hindi ko na talaga kinaya ang antok ay kaagad akong humiga sa kama at binuksan ang aircon. The weather here is hot, apparently, it's already given, the fact that it's already summer.
I woke up when someone started knocking on my door. I mindlessly stood up and rubbed my eyes before opening the door. I saw Kuya Jiro standing there, wearing his pambahay.
"What are you doing here?" I asked. I combed the hair tucked in my face and pulled it into a ponytail.
"Gabi na po, mahal na prinsesa. And the dinner's ready. Ikaw na lang ang hinihintay," Kuya Jiro replied.
"Sige, susunod na ako. Maghihilamos lang ako sandali," banggit ko, hindi pinansin ang pang aasar niya.
Nang matapos akong maghilamos ay bumaba na ako, lahat sila napalingon sa pagbaba ko. Inangat ko ang tingin ko matapos buksan ang cellphone dahil baka nagchat na si Luke.
"Wala ka bang sakit, ate?" bungad ni Irene, pinsan ko.
"Wala naman, Irene. Bakit mo natanong?" ani ko at umupo sa tabi niya dahil iyon na lang ang natitirang upuan.
"Ang tamlay mo kasi, e," kibit-balikat niya. Umiling na lang ako. We prayed for the food in front of us and we started eating while chit chatting.
I can't keep up with their chats since I'm eating well. Sumasagot lang ako kapag tinatanong ako.
"Nasa India ba ngayon sila Luke, hija?" tanong ni Tita Aurora. "Opo, Tita," maikling sagot ko at tinuloy ang pag kain.
"Oh, really? Sinong kasama niya?" dugtong pa niya. "Sila Tito Romy at Tita Lucia po," I replied and drank my juice after finishing my food.
Tumango-tango siya. Ang sumunod na naman na nagtanong ay si Lola. "Ayaw ba niyang sumama sa iyo dito?"
I looked at her. Binaba ko ang baso ko at sinagot ang tanong niya.
"Gusto niya naman, Lola, kaso syempre mas gusto niya pong kasama magulang niya kapag nagbabakasyon," I explained, she nodded her head, understanding what I said.
"Halos ilang beses lang 'ata siyang sumama sa atin kapag nagbabakasyon, right? Halos noong elementary lang kayo. Hindi na siya nakasama ulit nung nag high school kayo," Kuya Jiro butted in.
Tumango din ako nang mapagtanto na tama siya. Honestly, wala namang kaso sa akin kung saan siya mag bakasyon dahil desisyon niya naman iyon. Iyon nga lang, mas masaya ako kapag nandito siya. He's the only one who could, somehow, understand my mood swings.
And he's also my very own photographer. It'd be wonderful if he was here. Next time, I'll make sure to bring him with me on our family's vacation and I'd never take a rejection for my invitation.