CHRISTINE ----POV----
"Thank you, G! Natapos na rin ang final exam. Makakapag-pahinga na rin ang brain cells ko. 'Nay salamat po sa pag gabay mo sa akin. Kahit iniwan ninyo po ako ng maaga ay alam kong nandiyan lng kayo para gabayan ako sa tatahakin kong buhay. Pinapangako ko po, 'Nay na ga-graduate ako with flying colors." mahina kong usal habang nakatingala sa langit. Kasalukuyan akong naghihintay ngayon ng jeep pauwi ng bahay. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang alalahanin ang ginawa naming kalokohan dalawang linggo na ang nakalipas. Mabuti na lang walang ibang nakaalam sa mga kag*g*han ko. Dahil super nakakahiya, baka isipin no'ng lalaki na iyon na isa lang akong kaladkaring babae. Dalawang linggo na rin na hindi kami nagkikita ng mga kaibigan ko dahil abala din sila sa pag-aaral, pero tambay pa rin naman kami sa gc namin at simula din noon hindi na ako pumupunta sa mall. Araw- araw kong dinadasal na sana hindi magtagpo ang landas namin ng lalaki.
ANG bilis ng panahon, isang taon na lang ga-graduate na ako konting tiis na lang, maaabot ko na rin ang tangi kong inaasam na maging isang pulis.
Tumingala ako sa langit at umusal.
'THANK YOU, LORD!'
"Kung hindi ka makukulong." Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na idinadalangin ko ng wanmilyon times na sana ay hindi kami magkita muli. Ngunit heto siya sa harapan ko at matiim na nakatitig sa akin.
"A-Ahm... H-Hello," nauutal kong bati sa kanya. Alanganin ko pa siyang nginitian.
"Sir ako ba 'yung kinakausap mo?" tanong ko sabay turo ko sa aking sarili gamit ang aking hintuturo.
"Pasensya na po kung medyo malakas boses ko at naistorbo yata kita. Hindi ko kasi alam na may tao pala." ani ko at nag-peace sign pa ako kunyari sa kanya. Hindi ako nagpahalata na natatandaan ko siya. Dinarasal ko na lamang sa aking utak na sana ay hindi niya ako maalala.
"Oh, really, girlfriend? It has been six months, and you have already forgotten what you did to me? GIRLFRIEND?" pagdidiin niya sa huling niyang sinabi.
Kinagat ko ang aking labi.
"Aba't ang g*g*, pinagdiinan pa talaga ang salitang girlfriend." Sa isip-isip ko.
"Ang pagkakatanda ko'y may isang loka-loka na babae ang sinabihan akong boyfriend niya sa maraming tao at hindi ko naman matandaan na nakipag-break ka sa akin 'di 'ba? Girlfriend Christine Alonzo?"
"S-Sir.. baka nagkamali lang kayo. Hindi ako si Christine Alonzo," tanggi ko. "Sige pasok na po ako. Baka ma-late pa ako sa klase ko!" paalam ko sa kanya. Ngunit akmang tatalikod na sana ako dahil plano kong tumakbo para iwasan siya, ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang may kamay na humawak sa palapulsuhan ko.
"Don't you dare to escape, Miss Alonzo. Baka sa presinto ang bagsak mo at 'di ka makatapos sa pag- aaral!" May diin at galit niyang sambit sa akin.
Bigla na lamang akong kinabahan sa sinabi ng g*g*ng 'to! Paano kung totohanin niya ang banta sa akin? Paktay, Tin. Lagot ka!
"Follow me!" ma-awtoridad niyang utos sa akin. Kaya wala na akong nagawa pa kun 'di ang sumunod sa damuho na ito. Pero infairness gwapo at yummy talaga siya.
"Ang landi mo, girl!" sita ng maharot kong isip.
"Let's celebrate for being a lover." mapanukso niyang sabi habang naglalakad. Kita ko na may konting sumilay na ngiti sa kaniyang labi. Napangiwi na lang ako at napasabing 'Bahala na si Batman!'
"Sir. Boss. Ahm... Kamahalan." Kung anu-ano na lang ang itinawag ko sa kanya basta mapatawad niya lang ako sa ginawa kong kalokohan. Natatakot ako na baka totohanin niya talaga ang banta niya sa akin.
"Hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yun sa iyo 'e. Kalokohang laro lang naman namin 'yun ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman alam na mapapahiya ka. Akala ko kasi no'ng nakatalikod ka, gurang ka na." Medyo mahina lang ang pagkakasabi ko na gurang pero ang talas yata ng pandinig niya dahil biglang nagalit ang mukha niya.
"What did you say? Ako? Gurang?!"
"A-E, hindi po Sir 'yung guard sa mall. Siya sana 'yung sasabihan ko, kaso gurang na 'di bagay sa beauty ko, hehehehe." Sambit ko at sinabayan ko ng alanganing tawa.
"So, ako pala ang bagay sa iyo? You wish, Miss Alonzo. Dahil hindi ikaw ang tipo ko!"
Tinitigan ko siya. 'Aw! It hurts, you know.' Sasabihin ko sana pero pinagsawalang bahala ko na lang, baka bumuga pa ng apoy ang damuhong ito.
"You're not a kid anymore to play that kind of game. You know what happened that day when you shouted that I am your boyfriend, huh?" I'll pay you for all your mess. Kaya oras na para maningil. You need to pay me, dahil gumastos ako ng malaking halaga para lang hindi kumalat ang ginawa mong eksena sa mall ko!" mariin niyang sigaw.
Natutop ko ang bibig dahil sa gulat. 'O, siya pala ang may-ari. Ang taray! Mayaman pala siya!' sa isip-isip ko.
"Kung hindi mo ako babayaran ipapakulong kita, Christine Alonzo. 20 years old, isang scholar student. 3rd year college, taking up criminology at University of the Philippines, right?" tuloy-tuloy niyang sabi sa akin. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Mariin akong napalunok at napatanong sa aking sarili kung bakit alam niya ang lahat tungkol sa akin. Pina-imbestigahan niya ba ako?
"Sir, please naman wala namang ganyanan," pakiusap ko sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Alam mo naman pala na estudyante at working/scholar student pa lamang ako. Paano kita mababayaran, 'e wala akong pera," dagdag ko pa. Natigilan rin ako saglit nang may maalala.
"Teka, Sir, stalker ka ano? Bakit alam mo ang lahat tungkol sa akin? Ikaw, Sir ha, crush mo ako ano?" sunod-sunod kong turan sabay pa-cute sa kanya. Dinaan ko na lamang sa biro kahit na kinakabahan na ako. Mabilis na ang pagtibok ng puso ko, dahil sa nararamdaman na kaba. Kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo na parang pinipigilan ang magalit. At kung nakakamatay lang ang pinupukol niyang tingin sa akin... siguro'y kanina pa ako nakahandusay sa sahig!
"A-E, joke lang Sir. Ito naman nakapa-seryoso," ani ko sabay ngiti sa kanya.
"Ganito na lang Sir. Sa ngayon hindi pa ako makakabayad sa iyo kasi nga nag-aaral pa lamang ako. Pero kapag makatapos na ako at makapag-trabaho na ako, ayun na siguro mabayaran na rin kita ng paunti-unti," mahabang kong paliwanag sa kanya. Ngunit mukha namang hindi siya interesado sa sinasabi ko.
"Be my P.A," sambit niya. "Hanggang sa makatapos ka."
"What?!" Hindi ko napigilan ang mapagtaasan siya ng boses ko dahil sa kanyang sinabi. At ang ibang tao dito sa loob ng coffee shop ay napatingin na rin sa amin.
"P.A? As in personal alalay, Sir? Alam mo naman na working student ako tapos gagawin mo akong alalay? Paano na lang ang katawang lupa ko nito? Magte-training pa ako. Ayy, juskolord! My beautiful and sexy body is going to laspag na. Ni hindi pa nga nakatikim ng masarap na putahe galing kay San Pedro," histerikal kong sabi. Balak ko lang sana sarilinin ang mga sinabi ko, ngunit hindi ko na napigilan ang sariling bibig na ilabas iyon.
Natutop ko tuloy ang aking bibig at mahinang sinaway ang sarili.
"Tin, ano ba ang mga pinagsasasabi mo?"
"Sigurado ka ba na pagiging pulis ang kinukuha mong kurso? Hindi ba kayo nag-training kung paano humarap at makipag-usap sa mga tao?" patutsada niyang tanong sa akin, sabay hilot ng kanyang sintido.
"That's my final decision. You're going to be my P.A. Kaya maghanda ka na, dahil next week lilipat na tayo sa Manila. Doon talaga ako namamalagi sa main branch ko at doon mo na rin tatapusin ang pag-aaral mo. Mahirap na at baka takasan mo pa ako," mahabang lintanya niya sa akin. Tumayo na siya at akmang aalis na sana, ngunit hinabol ko pa siya ng isang tanong.
"Teka, Sir. Kanina pa tayo nag-uusap dito. Pero ni pangalan mo ay hindi ko pa alam. At paano ko ito sasabihin sa mga taong nagpapa-aral sa akin? Sa mga professors ko. Isang taon na lang Sir at hindi ako pwedeng mag-transfer. Paano ko aasikasuhin ang lahat-lahat?" magkakasunod ko na tanong sa kanya.
"I'm, Mark Anthony Ferrer," pakilala niya sa akin. "Don't worry, I will handle everything. Next Saturday at 7am, I will pick you up at your house." Pagkasabi niyang iyon ay iniwan niya na ako dito nang mag-isa.