Chapter 25

2674 Words

SADYANG INIWASAN NI WEVZ si Syke nitong mga nakalipas na araw. Kapag dumarating ito ay kung ano ano ang mga idinadahilan niya upang makaiwas dito. Alam niyang napapansin iyon ni Gia at ni tita Emz ngunit wala ni isa sa mga ito ang nang-ahas mag-tanong. Iniisip niyang magpalipas ng oras sa may gym ng mansyon ngayong araw. Ngunit nang matanaw si Syke na naroon ay dali dali siyang tumalikod at akmang aalis na nang marinig ito. "Stay there." Utos nito. Saglit pa siyang nakipag-argumento sa sarili kung makikinig dito o tuluyan na itong tatalikuran. Ngunit hindi pa siya nakakapag-desisyon ay nasa harapan na niya ang lalaki. Lihim pa siyang napalunok nang makitang wala itong pang-itaas at may mga butil ng pawis sa mukha at matipunong katawan. May hawak itong maliit na towel at nag-umpisa ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD