HINDI ALAM ni Wevz kung ano ang dapat maramdaman habang naka-higa sa malaking kama ni Syke. Kung sino man ang makaka-kita sa kanila ngayon ay tiyak na mapagkakamalan silang isang pamilya. Nakapa-gitna ang dalawang kambal sa kanila ng lalaki. Katabi niya si Thea at si Enzo naman ay katabi ng ama nito. Kasalukuyang namimili ng panonoorin si Syke. Hindi niya ipagka-kaila na gusto niya iyon sa pakiramdam. Ang maging ina ng kambal. Ngunit bakit parang may pag-asam din sa puso niya ang maging asawa ni Syke? "Ah! Ano bang naiisip ko." Wala sa loob na sambit niya. "What is it, tita pretty?" Doon lang niya napag-tantong naisatinig pala niya iyon, nang marinig ang tanong na iyon ni Thea. Nang bumaling siya rito ay nakita niyang maging si Enzo at Syke ay naka-tingin sa kanya. "B-Bakit?" Alangan

