Ilang buwan na ang lumipas ng ipinanganak ko si Emory at sobra ang puyat at pagod ang karanasan namin ni Caleb. Tinulungan ako ni Caleb na bantayan si Emory at minsan kapag pagod na ako sa gabi, siya ang nagpapatulog kay Emory kaya nagpapasalamat ako. Parati ring nagbibisita rito sila Kuya France kaya minsan, sila nagbabantay sa anak ko. Kasalukuyang tulog si Emory ngayon kaya naisipan kong maglinis sa kwarto. Habang naglilinis ako ay naaalala ko ang studio ni Caleb, pinabayaan na niya siguro ang studio niya dahil busy siya sa kompanya. Naisipan kong pumasok sa studio niya para linisin at e organize ang mga gamit. Isang beses lang ako nakapasok sa studio niya at tsaka noon pa nong pinakita niya sa akin nong unang beses kaya hindi kona alam kung ano na ang nasa loob sa studio niya. Pum

