Malungkot akong nakatingin sa tubig sa pool habang nilalaro ang tubig sa aking paa. Tatlong araw nang wala rito si kuya Caleb dahil may business meeting sila sa Davao kaya kami lang nila ate Laura dito sa bahay. Alam na nila ate ang tungkol sa amin ni Caleb pero sumusuporta naman sila pero nag aalala pa rin sila baka saktan ako ni kuya. Sobrang nagulat talaga sila nang malaman nila ang tungkol sa amin ni Kuya. Nakakalungkot dito sa bahay lalo ng wala na si Papa at wala na rin sila kuya na nagpapatawa sa akin. Namiss ko ang mga jokes ni kuya France at sana pagbalik niya rito, ganun pa rin ang ugali niya. Bukas, magsisimula na ako sa pagluluto at nakilala ko na rin ang magiging mentor ko, siya si Ate Ella. Maganda si ate Ella ngunit may pagkamasungit ang ugali.` Hindi ko gusto ang ugali ni

