SUPER CHAPTER 08

1099 Words
BEBE’S POV SUPER bilis talaga ng araw. Fourth day na ng lugawan namin at happy naman ako na mabenta kami. Apat na araw pa lang ang business namin ni Majamba pero alam ko na kumikita na agad kami. Pansinin kasi ng mga people ang pwesto namin lalo na at nasa terminal kami ng jeep. Tapos `yong ibang driver ng jeep, dito na rin nagme-meryenda. Siyempre, dahil pretty ako… ginaganahan sila sa pagkain. Pero, grabe talaga last night… May hang over pa rin ako dahil sa paghatid sa akin ni Super Jiro sa bahay. At talagang inilipad pa niya ako, ha. Nawala tuloy ang fear ko sa height dahil sa kanya. Hihi… “Hoy! Bebe! Lugaw daw si Mang Kanor! Day dreaming ka na naman. Umagang-umaga!” At talagang may kasama pang batok ang pagsigaw na iyon sa akin ni Majamba. “Grabe ka naman, Majamba! You’re hurting me now, ha! Eh, ikaw na lang mag-serve kay Mang Kanor…” “Ako na naman? Ako na naman?!” tagaktak na naman ang pawis niya sa mataba at malapad niyang mukha. “Labing-apat na lugaw na ang na-serve ko ngayong umaga pa lang, haggard na ako! Tapos ako na naman?!” “Ang dami mong sinabi! Sige na, ako na. Basta may ikukwento ako sa’yo later. Maiinggit ka. Super!” sabay belat ko kay Majamba. Kumuha na ako ng mangkok at nilagyan iyon ng lugaw. Nilagyan ng toppings na toasted garlic at isinerve na `yon kay Mang Kanor. Nag-request pa siya ng isang itlog at tokwa. Nilapitan ko si Majamba na nakaupo at nagpupunas ng pawis sa mukha at leeg niya. So dugyot talaga ng kaibigan kong ito! “Majamba!” tawag ko sa kanya sabay upo sa tabi niya. “Bakit?” “Alam mo ba, kinikilig pa rin ako ngayon.” “Bakit nga?” “Inihatid ako ni Super Jiro sa bahay namin no’ng isang gabi. And I can feel it, gusto niya rin ako!” Sinalat-salat niya ang leeg ko. “Maiintindihan sana kita kung may lagnat ka, pero wala ka naman lagnat. Tama na ang ilusyon, Ivy Marie Dimaculangan! Masama `yan sa health,” tatawa-tawa pa siya. “At hindi ka pala naniniwala sa sinasabi ko? Bahala ka sa buhay mo. Itaga mo ito sa malapad mong face, Majamba! Magiging boyfie ko si Super Jiro—“ “EEEHHH!!!” Nagulat kami ni Majamba nang makarinig kami ng sigawan ng mga tao. Parang nagkakagulo sila. Pagtingin ko sa labas ng lugawan namin ay may mga people of Brgy. Taktak na nagtatakbuhan. Lumabas kami ni Majamba para maki-tsismis. Hinarang ko si Aling Medy na kilalang tsismosa. “Aling Medy, what’s happening?” tanong ko sa kanya. “May mga halimaw! Isang baklang may buhok na uod at baklang birit nang birit!!!” Naghihisterikal na sagot ni Aling Medy. Akala ko ay tapos na siya sa pagsasalita pero may sasabihin pa pala ang tsismosang si Aling Medy. “Saka, alam mo ba? Kabit pala ni Bogart si Adelaida! Oo, maniwala ka, Bebe! Sige, diyan ka na! Parating na ang mga halimaw!!!” At nakataas ang kilay na sinundan namin ng tingin ang tumatakbong si Aling Medy. “`Anyare? Naka-drugs ba si Aling Medy? Halimaw daw?” natatawang komento ni Majamba. Oo nga. Feeling ko ay nagdo-droga si Aling Medy. Baka naman may sunog or rambol kaya super takbo here and there ang mga tao. Pagtingin namin sa likod namin ay may nakita kaming dalawang mukhang maligno na nakatayo doon. Mukha silang halimaw pero hindi kami natakot ni Majamba. `Yong isa, nakasuot ng black na gown na mukhang basahan at may hawak siyang microphone at `yong isa naman parang madulas ang kanyang balat at may buhok na mga uod. Baka galing sa costume party ang dalawang baklang ito. Sila yata ang kinatatakutan ng mga taga-Brgy. Taktak. Tiningnan lang namin ang dalawa at umirap. Flip hair na rin. “Hoy! Hindi ba kayo natatakot sa amin?” tanong sa amin no’ng bakla na buhok na uod. “Ha? At bakit naman kami matatakot sa inyo?” ani Majamba. “Dahil mga halimaw kami! Bilis! tumakbo kayong dalawa at magsisigaw! Now na!” utos naman ng baklang pakanta kung magsalita. “Alam niyo, wala kaming time para makipaglokohan sa inyo. Magbebenta pa kami ng lugaw! Umalis na kayong dalawa, please po…” pagtataboy ko naman. Galit na nagtinginan ang dalawang bakla. “Sissy, narinig mo ba ang narinig ko?” galit na sabi ng baklang kumakanta. “Yes, sissy! Hindi ako bingi. Hindi sila natatakot sa atin, sissy!” “Iniinsulto nila tayo, sissy!” “Pwes! Ipakita natin sa dalawang ito na dapat tayong katakutan!” “Pero, bago `yan, sissy… Magpakilala muna kami!” “Sige nga, magpakilala kayo in English!” hamon ni Majamba. Nag-apir pa kami ng kaibigan ko. Natigilan ang dalawang bakla at nagkatinginan. “Go ahead, sissy. English daw!” sabi ng baklang may uod na buhok. “You go first, sissy!” “No. You—Teka! Pinaglalaruan lang tayo ng dalawang ito, sissy! Ayoko ng English, nasa Pilipinas tayo kaya mahalin ang sariling wika.” Nagpose-pose ang baklang may uod na buhok at nagpakilala na nga siya. “Ako si Baklang Uod!” Pagkasabi niya no’n ay biglang humaba ang mga buhok niya na uod at pinaghahampas niyon ang lugawan namin. Hindi tumigil si Baklang uod hangga’t hindi iyon sira-sira. Malakas kaming napasigaw ni Majamba. “Ang lugawaaaan!!! Nooo!!!” “At ako naman si Baklang Biritera!” sumayaw-sayaw pa ito at malakas na sumigaw gamit ang microphone nito. “AND I DID IT MY… WAAAAAAYYYY!!!!!” OMG! Ang sakit sa tenga ng kanta niyang pasigaw. Mega takip tuloy kami ng Majamba sa tenga namin. Sinenyasan ko si Majamba na tumakbo na kami dahil mukhang totoo ngang halimaw sina Baklang Uod at Baklang Biritera! Pero hindi pa man kami nakakahakbang ay biglang humaba ulit ang buhok na uod ni Baklang Uod at pumulupot iyon sa katawan naming dalawa ni Majamba. “Ngayon niyo sabihin na hindi kayo natatakot sa amin! Bwahaha!” ani Baklang Uod. Ewww! So kadiri naman ng buhok niya! Madulas at parang mabaho na ewan! “Let us go! Let us go!” sigaw ko. “No! Ang yabang niyo kanina, ha. Pwes! Matitikman niyo ang kasamaan namin!” “SUPER JIROOO!!!” Hindi ko alam pero siya agad ang naisip kong tawagin sa mga oras na iyon. Wish ko lang talaga ay dumating siya to help us…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD