SUPER CHAPTER 11

1206 Words
JIRO’S POV TULAD ng inaasahan ko ay nasabon na naman ako kanina ni Tito Ador. Galit na galit siya kasi hindi ko napuno ang tatlong drum ng tubig. Mas inuna ko pa daw ang lakwatsa ko kesa sa inuutos niya. Kung alam lang niya… Pero okey lang kahit napagalitan ako basta nailigtas ko si Bebe mula kina Baklang Uod at Baklang Biritera. Saan naman kaya nagmula ang dalawang baklang halimaw na iyon? Sa hitsura nila ay sigurado ako na may kakaiba silang lakas at sigurado din ako na kampon sila ng kadiliman. Sa ginawa ba naman nilang panggugulo kanina, hindi pa ba sila kampon ng kadiliman? Ah, basta… Hindi ko sila hahayaan na makapanggulo dito sa Brgy. Taktak lalo na kay Bebe. Binigyan ako ng ganitong kapangyarihan at alam kong may kakambal itong resposibilidad. Nakahiga na ako sa tulugan ko sa lapag. Tulog na rin si Tito Ador. Lasing na naman yata kasi amoy alak. Parang nami-miss ko si Bebe, ah. Makatingin nga muna sa f*******: niya. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa tabi lang ng unan ko at chineck agad ang f*******: ni Bebe. May bago siyang post na video. Nagkasagutan daw sila ng mommy niya. Napabangon ako bigla at nag-alala sa kanya. Bakit naman naglalakad siyang mag-isa, eh, gabing-gabi na tapos nasa labas na siya ng Brgy. Taktak. Kailangan ko siyang puntahan dahil delikado na ang maglakad ngayong mag-isa lalo na at babae siya. Tapos mag-isa pa. Tumakas ako sa bahay. Mabuti na lang at may tama si Tito Ador at hindi niya naramdaman na umalis ako. Sa isang madilim na kanto ay nag-transform ako bilang si Super Jiro. Lumipad agad ako at inumpisahang hanapin si Bebe. Hanggang sa may masagap akong parang humihingi ng tulong. Super Jirooo!!! Boses iyon ni Bebe! Sinasabi ko na nga ba, eh. Nasa panganib siya. Mas tinalasan ko ang aking mata at ginamit ang aking super vision at sa pamamagitan no’n ay nakita ko na si Bebe. Nasa harapan niya sina Baklang Uod at Baklang Biritera. Biglang pumulupot kay Bebe ang buhok na uod ni Baklang Uod at bigla nitong itinapon si Bebe sa ilog! “Super speed!” sigaw ko. Sa isang kisapmata ay nasalo ko agad si Bebe kaya hindi ito nahulog sa ilog. “Super Jiro?!” kinikilig na sabi niya. “Ako nga,” sabay ngiti ko. “Mabuti na lang at dumating ka, Super Jiro,” inihilig pa niya ang kanyang ulo sa aking matipunong dibdib. “Oo naman, Bebe. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa’yo.” Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa gilid ng tulay. “Dito ka muna, Bebe… Tuturuan ko lang ng leksiyon ang dalawang ito!” Tukoy ko sa dalawang baklang halimaw. “Okey, Super Jiro. Galingan mo, ha!” at nagpabebe wave at pabebe kindat pa siya sa akin. Tinanguhan ko lang siya sabay ngiti at kindat. Halos mamatay sa kilig si Bebe sa ginawa ko. Hinarap ko na ang mga baklang halimaw. Naglakad ako palapit sa kanila. “Hindi ba talaga kayo nadadala mga baklang halimaw? Gusto niyo bang matikman ulit ang super kick at super punch ko?” sabi ko sa kanila. “Ikaw ang gusto naming matikman, Super Jiro!” humahagikhik na sabi ni Baklang Uod. “Tama si sissy! Pero before that, kailangan muna naming makuha sa iyo ang Super Ring!” “Paano niyo nalaman ang tungkol sa Super Ring?” Itinirik ni Baklang Uod ang mga mata nito. “Actually, inutusan lang kami ng reyna namin na kuhain `yan sa’yo. At kapag hindi namin siya sinunod ay yari kami sa kanya.” “Sinong reyna?” tanong ko ulit. “Si Reyna Super Duper. Bakit? Knows mo?” sagot ni Baklang Biritera. Reyna Super Duper? Teka… Si Super Duper! Tama. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang pangalan na sinabi ni Nanay Jina sa akin na kapatid niya na ubod ng sama. Gusto nitong makuha ang Super Ring para mamuno na ito sa Super Planet. At ayon din sa nanay ko ay huwag na huwag kong hahayaan na makuha nito ang Super Ring. Kung ganoon ay totoo nga ang sinasabi ni Nanay Jina… Totoo nga si Super Duper at ngayon ay kumikilos na ito para kunin ang Super Ring. At hindi ko siya hahayaan na magtagumpay. Hindi man ako lumaki sa Super Planet ay may malasakit pa rin naman ako sa mga nakatira doon. Ayokong isang masamang katulad ni Super Duper ang mamuno sa planetang pinagmulan ko! “Kung ako sa inyo ay bumalik na kayo sa reyna niyo at sabihin niyo na hindi ko ibibigay sa kanya ang Super Ring!” matapang kong sabi. “Alam naman namin na hindi mo `yan ibibigay, Super Jiro, kaya kukunin na lang namin!” sigaw ni Baklang Biritera. At nag-umpisa na nga siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan. “I DON’T WANNA MISS A THIIIIIINNNGGGG!!!” Uuugghh!!! Sobrang sakit sa tenga at ulo ng kanyang boses! Napaluhod ako sa semento habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabila kong tenga. Pero nagpumilit akong tumayo. Ginamit ko ang super speed upang mabilis akong makalapit sa kanya. Pero biglang pumulupot sa paa ko ang buhok ni Baklang Uod kaya naman natumba at nadapa ako. “Super Jiro!” nag-aalalang sigaw ni Bebe. “Bebe, diyan ka lang! Kaya ko ito!” Malakas na tumawa ang mga baklang halimaw. “Lampayatot pala itong si Super Jiro!” pang-aalaska pa nilang dalawa. “Ngayon, Super Jiro, ibigay mo na sa amin ang Super Ring! Talo ka na!” “Hindi ko ito ibibigay sa inyo, Baklang Uod! Hindi ako makakapayag!” Akmang tatayo na sana ako pero malakas akong hinampas ni Baklang Uod sa likod gamit ang kanyang buhok na uod kaya muli akong lumugmok. “Ah, gano’n? Matigas ka talaga?” Nilapitan ni Baklang Biritera si Bebe at sinabunutan ito. “Ibibigay mo ba ang Super Ring o kakantahan ko ang babaeng ito hanggang sa lumabas ang utak?!” Hindi ko alam pero ganoon na lang ang galit ko nang makita ko na sinasaktan ni Baklang Biritera ang babaeng pinakamamahal ko. Malakas akong sumigaw at mabilis akong tumayo at lumipad paitaas. Dahil nakapulupot sa paa ko ang buhok na uod ni Baklang Uod ay nahila ko siya paitaas. Nang sobrang taas ko na ay inabot ko ang buhok na uod na nakapulupot sa aking paa. “Hoy! Anong gagawin mo sa buhok ko?!” takot na takot na sigaw ni Baklang Uod. “Ganito!” At sa pamamagitan ng aking mga kamay ay pinutol ko iyon at binitawan. Bumagsak sa semento si Baklang Uod at kitang-kita ko na nasaktan siya. Paika-ika na tumayo ang baklang halimaw. Bumaba na ako at si Baklang Biritera naman ang hinarap ko. “Bitiwan mo siya, Baklang Biritera! Hindi siya kasali sa labanang ito!” utos ko. “No, no! Ibigay mo muna sa amin ang Super Ring or else mapapahamak ang babaeng ito!” “Hinding-hindi siya mapapahamak! Hindi ako makakapayag na may gawin kayo sa babaeng mahal ko!” Sa sobrang galit ko ay nasabi ko ang mga salitang iyon. Kahit ako ay nagulat pero huli na ang lahat… Narinig na ni Bebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD