... " Mapanirang Tao " ...
Bakit ba may mga ganitong tao pa sa mundo?
Nawala ng ginawa kundi siraan ang pagkatao mo,
Bakit ba dina lang sila maging masaya kung anuman ang narating mo,
At bakit dina lang nila harapin at intindihin ang sariling buhay nito...
Nagsikagp ka para guminhawang buhay pamilya mo,
Tiniis mong lahat ng hirap at pasakit makamit lang ito,
Nag sakripisyo ka't di alintana ang pangungulilang nadarama mo,
Matupad lang lahat ng minimithi at pinapangarap mo...
Pero para sa mga mapanirang tao,
May ginagawa kang milagro kaya ka umasenso,
Ipagkakalat sa mga tao na galing sa masama ang lahat ng naipundar mo,
Dipa siya naging masaya't lalaitin ka pa ng todo todo...
Saabagay dimo naman mapi please lahat ng tao,
Na maniwala sila sayo,
Pinagdarasal ko lang na sana maisip din niyang kamaliang ginagawa nito,
At matakot naman siya sa mga kasinungalingan at paninirang ginagawa nito...
Di nga ba't may kasabihan tayo,
Na kung ano ang dimo gusto wag gawin sa iba,
Kung ano ang yong inutang ay siya ring kabayaran,
At yan ang kasabihang dapat laging tandaan...
Ang masasabi ko lang sa mga ganitong klaseng tao,
Sige magpakasaya kayo kung kaligayahan niyong manira ng kapwa niyo,
Gawin niyo i'm sure balang araw babalik din yan lahat sa inyo,
Kanya kanyang panahon at pagkakataon lang naman ang karma ng tao...
❣❣❣
... " Almusal Ni Adik "...
Pag gising sa umaga,
Yong iba almusal ang inuuna,
Liligo at mag aayos para trabaho'y maumpisahan na,
Kakain ng almusal para may lakas at resistensya...
Pero sa mga adik sa dotdotan na kagaya ko,
Pagdilat ng mata cp agad ang hinahagilap ko,
Silip sa sss kakalampagin mga katropa ko,
Yan ang almusal ni adik na pasaway kaya laging bangag ito...
At kapag mga adik nagkatipon tipon na,
Di maawat ang mga kalokohan ng bawat isa,
Kahit magkakalayo at di nagkikita kita,
Ang samahan nila ay masaya at bongga...
Enjoy at buo ng araw nila,
Kahit kumakalam ng sikmura at trabaho'y tambak na,
Dipa rin mahinto sa kakadotdot at pagrampa,
Kulitan,biroan,harutan,tawanan,iyakan ganyan lang kasimple kaligayahan nila..
❣❣❣