Mula nang naging viral ang bio Liam, maraming mga lokal na turista ang bumisita sa inn. Ang ilan ay nag-book talaga upang maranasan ang buhay sa bundok. Ang ilan naman ay nais lamang kumuha ng litrato para mai-post sa kanilang social media. Kaya naman, tuwing nagpo-post ang mga tao sa kanilang mga social media accounts, lalong nakikilala ang inn nila.
Palubog na ang araw nang dumating ang isang hindi inaasahang panauhin.
"Excuse me. Hello, anybody there?" tawag ng babaeng may foreign accent sa may reception area. Kasulukuyang nag-aayos si Angie ng mga libro sa mga istante nang marinig niya ito, kaya mabilis siyang tumakbo upang tingnan kung sino ang may-ari ng boses. At pagkakita niya sa babae, hinahangaan niya ito. Matangkad, napakarilag at maganda ang bisitang dumating. Hindi lang iyon, nagsusuot ito ng crop top at low-waist jeans, kaya naman kitang-kita ang maganda nitong katawan.
"Yes, may I help you?" wika ni Angie habang papalapit sa babaeng bisita.
"Oh hi, I need a room for the night. I came from another island and I don't have a place to stay," wika ng babae na may American accent.
"I'm sorry we don't have vacant now. Our next check out will be a day after tomorrow," wika ni Angie.
"Oh it's getting dark. I have no place to go. And by the way, is Liam here, we know each other," diretsahang wika ng babae. Nabigla si Angie sa narinig. Kailangan niya itong kumpirmahin dahil mula noong nag-viral ang kanilang kuwento online, para bang kilala na nang lahat si Liam.
"Really? Do you know my fiance?" Idiniin talaga ni Angie sa babae kung ano ang kaniyang lugar sa buhay ni Liam. Nakita niya kung paano tumataas ang kilay ng babae pagkatapos marinig ang mga sinabi niya.
"Y-yeah. It's a long story but we dated way back in college," tugon ng babae kay Angie. Waring ipinagmamalaki nito na naging magkarelasiyon sila ni Liam noon.
Nagpagting ang tainga ni Angie sa narinig. Hindi niya ito nagustuhan. Parang may pinapahiwatig ang babaeng ito sa kaniya. Sa lahat ng lugar bakit sa lugar niya pa? Marami namang mga hotel at inn sa bayan, bakit pinili ng babaeng ito na maglakbay ng alanganing oras kung ayaw nitong magpalipas ng gabi sa bukid? May naamoy si Angie na hindi maganda sa ginagawi ng babaeng ito.
"Well, where should I let you sleep? It's fully booked. It's not like I am being unhospitable to you." Sinisikap ni Angie na manatiling kalmado kahit pa alam niyang nagpapalusot lang ang babaeng ito.
"Please I really need a place to stay for the night. Can your conscience take it if something happen to me on the road?"
Napanganga na lang si Angie dahil hindi siya makapaniwalang magaling din ito mag-drama. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaeng ito!
"Seriouly? Then why are you traveling in this hour without a sure place to stay? If you are smart enough you could have find a motel or hotel downtown. But fine, I'm not an insensitive person. Please have a seat," at tinawag ni Angie ang fiance niya.
"Babe, can you please come down here. Someone is looking for you," sumigaw si Angie sa baba.
"Alright, I'm coming," halos hindi marinig ang mga sinabi Liam.
Maya-maya pa, naglalakad na si Liam pababa ng hagdanan.
"Who is it?" wika niya habang papalipat sa reception area. Nang marinig nang babae ang boses ni Liam, dali-dali itong tumayo upang salubungin si Liam.
"Liam!'' sabay sugod nito at yumakap kay Liam.
Naramdaman ni Angie na parang may kung anong likidong umaakyat sa pisngi ni Angie, namula na pala ang mukha niya. Hirap na hirap na siyang pigilan ang sarili at gustong-gusto na niya itong kaladkarin palabas. Wala hiya ang babaeng ito! Ni wala itong pakialam na nakaharap siya sa kabila. Walang delikadesa!
Nabigla si Liam sa tinuran ng babae. Hindi siya napag-react agad. Nakatayo siya na para bang isang poste itinirik sa lupa.
"I miss you," wika ng babae habang na waring linta kung makakapit kay Liam.
"W-wait. What are you doing here? How did you get here? How did you know I am here?" sinusubukan ni Liam na kumalas mula sa pagkakayap ng babae.
"I was on vacation when I saw your bio. What a coincidence, I was in Boracay! I thought why not come here to see you and catch up?" nakakapit pa rin ang babae kahit pa halos ipagtulakan na ito ni Liam. Napapakuyom na lang ng palad si Angie sa inis. Nang makita ni Liam ang reaksiyon ni Angie, dali-daling itinulak niya ang babae at pumunta sa direksiyon ni Angie at hinawakan niya ito sa baywang.
"This is Angie, my fiancee," ipinakilala ni Liam si Angie sa babae.
"Yeah I know. She said it earlier," ngumiti ang babae nang pilit.
"Babe, this Macy, my..." hindi natapos ni Liam ang sinasabi dahil sumingit si Angie.
"Your ex," diretsahang wika ni Angie, bagay na ikinagulat ni Liam kung bakit niya ito nalaman.
"M-my ex, Macy. How did you know?" tinapos niya pa rin ang pangungusap habang nakatingin kay Angie. Halatado sa reaksiyon ni Liam na naguluhan siya ngunit kibit-balikat lang ang tugon ni Angie.
"Well, I said it earlier. I have no place to stay so I mentioned you to her. You're not gonna let me sleep outside, right? After all, we used to friends," nagkusang sumagot si Macy. Ngumiti pa ito nang todo kay Liam.
"We don't have vacant room. Where should we let you sleep?" wika ni Liam habang nakatingin kay Angie at naghihintay ng desisyon nito. At dahil diyan, bumulong si Angie sa kaniya.
"You can sleep in the house tonight," she says.
"Is that really okay?" tanong niya. Gusto lang naman niyang nakumpirma kung tama ang narinig niya.
"Where else are you gonna sleep then? Are you gonna let her sleep in your room?" she rolls her eyes.
"Okay. That would be great," ngumiti pa ito nang makahulugang, na para bang may gustong gawing kababalaghan.
"Hold that thought, babe. You'll sleep in my parents' room. I can't let her sleep there for she might wonder why we are not sleeping under the same roof. You know, I smell something on this woman," she practically says.
"Alright," at hinalikan ni Liam si Angie, palibhasa'y alam niyang nagseselos ito. Samantala, sinulyapan ni Angie ang babae at nakumpirma niyang nasira ang mood nito, base sa reaksiyon nito.
"Macy, you can sleep upstairs. I just need to clean the room and transfer some luggages there," wika ni Angie kay Macy.
"Great!" Macy fakes her smile.
"Babe, just let me do it. You can give her something to eat instead," boluntaryo ni Liam. Sinadya ni Angie na maunang magsabi para hindi magduda si Macy kung bakit ang bagahe ni Liam nasa inn at wala sa bahay niya.
"Okay," ngumiti pa si Angie nang pagkatamis-tamis kay Liam. Kitang-kita niya kung paano umikot ang eyeball ni Macy na para bang sinasapian. Pigipigilan ni Angie ang sarili upang hindi matawa sa reaksiyon ni Macy. Dapat nitong malaman kung saan siya dapat lulugar. Hindi hahayaan ni Angie na magiging hadlang ito sa kanilang magkasintahan. Hindi niya hayayaang sirain ng babaeng ito ang relasiyon nila.
"Have a seat Macy, I'll prepare something for you to eat. I bet you haven't eat yet. It must have been a rough trip coming here. You were not even able to find a place before rushing to see my fiance," at pumunta si Angie sa kusina.
"Thank you," Macy says insencerely.