CHAPTER 6: PETER GILLIARD

1320 Words
ARVIN'S POV "Sa dinami-rami ng estudyante dito sa East High, bakit ikaw pa" hindi ko nilingon si Vann at nanatili sa tabi ng isang kabayo. "Hindi ka ba nakikinig kanina?" bulong ko naman. FLASH BACK "Kayong dalawa lang ang makakagawa ng mission na 'to" seryosong sabi ng matandang babae pagkaupo niya. "Ang ihahatid niyo ay walang iba kung hindi si Prinsipe Peter Gaillard. Katatapos lamang niya sa sariling pag-eensayo mula sa malayong lugar, kasama ang ilang warrior. Pero nilusob ang camp na tinutuluyan nila at siya lang ang nakaligtas" hindi ko makuhang magtaka sa sinasabi niya dahil alam ko na kung saan papunta ang usap na 'to. "Nasaan po ngayon ang Prinsipe, Ms. Hellen?" - Vann. "Ano mang oras makakarating na siya rito sakay ng isang kabayo--" putol ni Vann. "A-ang akala ko po ba ay galing siya sa malayong lugar?" "Ang Unique Skill ng Prinsipe ay tinatawag na Clairvoyance. Nakita niya na ang pangyayari pero dahil sa kagustuhan ng mga warrior na mabigyan ng oras ang Prinsipe sa pagtakas, mas minabuti nila na maiwan sila para harangan ang mga kalaban" Ang ibig sabihin, ngayon din mangyayari ang mission na 'to. "Ano pong gusto niyong gawin namin?" tanong ko naman. Inilabas ni Ms. Hellen ang isang libro. Binuksan niya ito at inilagay sa page ng isang skill, Conversion. "Pag-aralan mo ang origin ng skill na 'to. Ikaw ang tatayong Peter Gaillard sa paglalakbay niyo" katulad ng iniisip ko. "At ang Prinsipe?..." "Tatayong Karim Davila" dumapo ang tingin niya kay Vann, "Protektahan mo ang Prinsipe, Vann. Kailangang maihatid niyo ang Prinsipe ng ligtas sa Abarca. Kung hindi niyo mapapanatili ang buhay ng Prinsipe, hindi rin mananatili ang buhay niyong dalawa" "Hindi po ba parang napakarisky ng gusto niyong mangyari?" tanong ko kaya nakuha ko ang attention nilang dalawa. "2nd year palang kami para sa napakabigat na mission na 'to. At ang isa pa, nakalimutan niyo na po bang kagagaling ko lang sa aksidente?" Bumaba ang tingin niya matapos ng napakalalim niyang pagbuntong hininga. "Sa lahat ng mga taong nandirito sa East Ground, ikaw lang ang may natatanging Unique Skill na makakatulong para sa mission na 'to. Pero bago magsimula ang mission, nais kong malaman kung handa mo bang isakripisyo ang buhay mo para sa Prinsipe. Sa oras na ikaw ang magpanggap biglang Peter Gaillard, mas malalagay sa panganib ang buhay mo" "Ano man ang sagot ko, napagdesisyonan niyo narin po ang lahat, hindi po ba?" hindi ko napigilan ang ngiti sa labi ko matapos kong mapansin ang lungkot sa mga tingin ni Ms. Hellen, "H'wag po kayong mag-alala, hindi ako mamamatay at wala akong hahayaan na mamatay" KARIM'S POV "One step backwards, then block. One step forward, then attack" habang nagsasalita ako, sinusubukan kong gawin ang mga sinasabi ko pero parang may mali. "Hmm, nag-eensayo ka?" sinilip ko si Aliyah na nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko na hindi ko pala nasara kaya naman kaagad kong pinalaho ang espadang hawak ko. "Pinaghahandaan mo ba ang laban niyo ni Miguel?" "Hm" simpleng pagtango ko. "Hmmm, naniniwala naman akong ikaw parin ang mananalo. Ito, bulaklak" mula sa palad niya ay may magagandang bulaklak na lumitaw at nilagay niya ito sa vase sa tabi ng kama ko. "Panggoodluck para sa laban mo. Pangcongrats narin in advance" at ngumiti siya. "Ang laki talaga ng tiwala mo sa akin" bulong ko. "Hmm? Bakit, wala ka bang tiwala sa sarili mo?" seryosong tanong niya pero bigla siyang nangiti. Tiwala sa sarili ko?.... Nabigla nalang ako sa biglang pagtap niya sa dibdib ko, "Magtiwala ka lang sa mga muscles mo" pang-iinis niya. "H'wag kang mang-inis, Aliyah" Umupo siya sa side ng bed ko, "Masyado ka kasing kabado. Hindi ka naman mag-isang lalaban" Dahil sa sinabi niya, nangiti ako. Dahil hindi siya nagkakamali, hindi ako mag-isa. "So, may maitutulong ba ako sa'yo?" sa paglingon ko sa kanya may mga kakaiba siyang mga ngiti. Umiling ako, "O-Okay lang ako" "Okay kung ganuon" ngumiti siya bago nagbuntong hininga at tumayo, "By the way, bukas babalik na dito ang bunsong anak ni Haring Madison. Magkita tayo sa East Gate para salubungin sila" "Bunsong anak?" huminto siya sa paglakad para sagutin ang tanong ko. "Hm, si Prince Peter Gaillard" hindi ko pa siya nakikita in person pero umaabot hanggang sa East Ground ang balita tungkol sa kanya. "Hindi kayang magkaanak ng Hari, ang mga anak niya.... lahat sila ay dating slave sa East Ground" papahinang sagot niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin niya. "Slave sa East Ground?...." "Hm. Magkita nalang ulit tayo bukas" at hindi niya na binalik ang tingin niya sa'kin hanggang sa paglabas niya. Slave ng East Ground? Ang ibig sabihin, nakasama na namin siya. Peter Gaillard... PETER'S POV Tinignan ko ang dalawang taong nasa harapan ko. Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko maialis ang tingin ko sa isang lalaking 'to. "Prinsipe" pagtawag ng lalaking may pangalang Karim Davila na kanina ko pa pinagmamasdan. "Kung hindi niyo po mamasamain, uumpisahan ko na" sanay siyang humarap sa isang Royal. Wala akong pakialam sa pagiging Royal ko, maging ang tinuturing kong kapatid ko. Pero ang presenyang dala ni Karim Davila, napakafamiliar nito para sa'kin. "Magus Enhancement" pagdaloy ng Magic at Mana sa katawan niya, "Elviore" at biglang nagbago ang anyo naming dalawa. Sa isang salita, nagpalit kami ng anyo. Umalis siya sa harap ko para bigyan ako ng daan paa makaakyat ng kabayo. Inalalayan niya naman ako sa pagsakay. "Aalis na po kami, Ms. Helen" sabi nung Vann Harold Fitrei. "Mag-iingat kayo" at sumampa narin sila sa mga sari-sarili nilang kabayo. Nagsimula na kaming maglakbay. Pero habang naglalakbay kami, hindi ko maiwasan na hindi tignan ang nasa kaliwa ko, si Karim Davila. "Karim Davila, nagkita na ba tayo nuon?" hindi niya ako nilingon pero napansin ko ang ngiti niya, mga ngiting pamilyar din sa'kin, "Hindi ako nagkakamali, nagkita na tayo nuon" "Baka nagkita po tayo sa East Ground, 5 years ago" mga panahong Slave Trading Area pa ang East Ground. "Sorry to disappoint you, Mahal na Prinsipe, kagagaling lang po sa aksidente ni Karim at naapektuhan ang utak niya" nilingon ko saglit si Vann at kaagad ko ring binalik kay Karim ang tingin ko. "Aksidente...?" at binalik ko sa harap ang tingin ko. "Ang nakita mo bago lusubin ang kampo niyo..." dahil sa way ng pagsasalita niya, hindi ko napigilan ang mabigla sa pagsalubong ng tingin namin, "Nakita mo ang sarili mo na mamamatay, hindi ba?" tama ako, napakafamiliar niya para sa'kin. Sino ka.... Napabuntong hininga ako nang maalala kong kagagaling niya sa aksidente at nagka-amnesia siya. Seryoso kong tinuon ang attention ko sa daan, "Isang pana. Nagising ako bago bago pa ito tumama sa'kin dahil nagising ako sa balita na may paparating para lumusob sa amin. Unang beses kong makita ang sariling vision ko kung paano ako mamatay, kaya hindi ko alam kung anong dapat kong gawin" puno ng tapang kong sagot. Naramdaman ko ang ngiti niya. "Pero paano kung ako ang nakita mo sa vision mo?" duon ko narealised, sa oras na 'to-- hindi ako si Peter Gaillard, kung hindi si Karim Davila. Kaagad kong hininto ang kabayong sinasakyan ko. "H'wag na tayong tumuloy. Magpadala nalang ulit kayo ng sulat sa Abarca at papuntahin niyo dito ang Generals" "Wala ka bang tiwala sa'min, Mahal na Prinsipe?" tanong ni Vann. "Hindi sa wala akong tiwala. Lahat ng nakikita ko sa vision ko--" putol sa'kin ni Karim. "Nagkakatotoo" nilingon ko siya pero napakafamiliar na ngiti nanaman niya ang sumalubong sa'kin, "H'wag kang mag-alala. Hindi ako mamamatay at wala akong hahayaan na mamatay" simpleng salita na nagpakilala sa'kin ng taong nasa harapan ko. Iba ang katawan mo, pero hindi ako maaaring magkamali sa ugali at presenya na 'to... si Arvin lang ang nagtataglay nito. "Babaguhin ko ang tadhanang nakita mo" dugtong niya. Sa tagal kong nabubuhay, isang tao lang sa mundong ito ang nakakapagbago ng vision na nakikita ko. At ang taong 'yon, ay si Arvin Boreanaz. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD