MIGUEL'S POV "Miguel" boses ni Arvin. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siya na magpatuloy. "Nasira ang barrier na ginawa ni Leo. Nang tignan ko ang kalagayan niya-- nakahandusay nalang ang katawan niya sa lapag at wala siyang malay" "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko gamit ang isip. "Aataki ngayon si Bayron" "Kung walang malay ngayon si Leo, si Aliyah ang impostor?" "Malalaman natin sa susunod na hakbang ni Bayron" "Ugh!" nilingon ko sa likuran ko si Aliyah na bigla nalang bumagsak sa lupa. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya-- may napakanipis na bagay ang tumusok sa leeg ko. Pagkabagsak ko sa lupa, hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. "Anong nangyayari diyan, Miguel?!" tanong naman ni Karim. "I-isang Paralytic Magic Tool" sagot ko gamit isip dahil kahit pagbuka

