MIGUEL'S POV
Habang papasok ako ng Abarca, hindi ko mapigilan ang tenga ko na pakinggan ang mga usapan.
Walang isang oras ang lumipas nang atakihi ang Abarca pero kung titignan ang paligid-- parang alang nangyari.
At ang iniisip ng mga tao na dahilan kung bakit sila nakaligtas ay walang iba kung hindi dahil kay Arvin at sa Generals.
Matapos kong humarap sa Hari, kaagad akong pumunta sa meeting room kung saan nanduon silang tatlo.
"Oh, nakausap mo na ang Hari?" tanong ni Leo.
Umupo ako sa upuan ko bago ko siya sinagot. "Hm. Gusto niya ring ipaalam sa inyo na handa na niyang salubungin ang Prinsipe"
"Dumating ang kalapati galing East Ground. Estudyante mula sa East High ang naghahatid sa Prinsipe" dugtong ni Leo at ibinaba niya sa table ang dalawang profile na kaagad naming tinignan nila Aliyah.
Vann Harold Fitrei at Karim - - -
Nagtagpo ang tingin namin ni Karim pero sinubukan kong ikalma ang sarili ko kahit halos hindi ko na mapigilan ang ngiti sa labi ko.
Tignan mo nga naman, siya na mismo ang lumapit sa'kin para lang mamatay sa sarili kong mga kamay.
PETER'S POV
"May problema ba?" biglang tanong ni Karim habang patuloy ang paglalakbay namin.
Nilingon ko siya pero sa daan parin nakatuon ang mga tingin niya, "Ang Mahikang naramdaman ko kanina, katulad ito ng Mahika ng mga lumusob sa kampo ko"
"Kilala mo ba si Bayron Farquhar?"
"Kilala ko siya pero ni minsan hindi ko pa siya nakita" binalik ko ang tingin ko sa kanya, "Ang akala ko ba ay may amnesia ka?"
"Oy Karim" handa naring manumbat itong si Vann kaya naman nilingon na kami ni Karim, "Nabasa ko lang sa library. Hindi ka ba pumupunta ng library?" pagbabalik ni Karim kay Vann.
"Hah, woa. Kailan ka nagka-interest sa mga libro?" bulong niya.
"Hindi ko sinasadya mabasa ang libro tungkol sa kanya dahil one time naasigned ako sa pagbabantay ng library" ang kaninang kalmadong mga tingin niya sa daan, medyo naging matalim ito "Maraming taon ng nabubuhay si Bayron sa mundo natin. At walang nakakaalam kung anong objective niya"
Nagbuntong hininga pa siya bago magpatuloy na parang ayaw niya ng magsalita, "Ang Unique Skill niya ay tinatawag na Soul Trader. Ang mga namamatay sa mga kamay niya, nakokontrol niya"
"Napansin ko na hindi namamatay ang mga kinokontrol niyang katawan. Ito ang dahilan kung bakit napagdesisyunan ng mga kasamahan ko na magpaiwan. Dahil kahit na anong patay nila, nabubuhay parin sila"
"May isang paraan" sabay naming nilingon ni Vann si Karim.
"Hindi kayang kontrolin ni Bayron ang isang bangkay na approximately 2.13 kilometers ang layo sa kanya. Sa isang summoning type skills, ang caster ang pinakakahinaan nito"
"Sino naman ang may kakayahan na hanapin ang isang tao sa ganong kalawak na area?" tanong ni Vann.
Pero napayuko ako sa sinabi niya, dahil may kilala akong taong may kakayahang gawin 'yon, si Arvin.
"Kung hindi mo kayang hanapin ang caster, may isa pang paraan" nagtama ang tingin naming dalawa, "Paghandaan mo ang approximately 17,572 na bangkay" hindi ko napigilan na hindi mapalunok dahil sa sinabi niya.
Binalik ni Karim ang tingin niya sa daan, "Kinakailangan mong mapatay ang 17,572 na bangkay sa loob ng 49 minutes. Bago ang susunod na summoning"
"4-49 minutes tapos 17,572 na kalaban? Baka mauuna na pa akong mamatay bago ko sila maubos" bulong ni Vann.
"Sino ba nagsabi na mag-isa kang lalaban?" at duon lumitaw ang nakakakalmang ngiti ni Karim.
"By the way, Karim" nagtama ang tingin nilang dalawa, "Imitator ang Unique Skill mo, hindi ba? Ibig sabihin magagawa mo rin ang skills ni Bayron?"
"Hindi" tipid niyang unang sagot bago nagsalita ulit, "Isang Lost Unique Skill ang Soul Trader katulad ng Clairvoyant. Beyond na 'yan sa capabilities ko bilang imitator"
"Hmmm, may mga Unique Skills ka rin palang hindi kayang i-imitate" bulong niya.
"Ang mga owner lang ng Lost Unique Skills ang nakakalam ng origin ng mga skills na 'yon. Kung hindi ko alam ang origin ng isang skill, hindi ko 'to magagawa. Ganun pa man, imitation parin ang ginagawa ko. 30 percent lang ang lakas nito compared sa original"
"Ohh.."
Sa muling paglingon ko kay Karim, napansin ko ang libro na nasa bag niya, "List of Unique Skills?" mahinang pagbasa ko sa side ng book na nakalitaw.
Pagtingin ko sa mukha ni Karim, may maliit na ngiti sa labi niya, "May hinahanap akong isang skill na nakakasiguro akong makakatulong na makapagbago ng tadhana na sinasabi mo"
MIGUEL'S POV
"Ang Unique Skill ni Karim Davila ay Imitator, at gamit ang skill na Conversion, naglalakabay si Karim Davila bilang si Peter Gaillard at si Peter Gaillard bilang si Karim Davila" pagpapaliwanag ni Aliyah.
"Basically, nagpalit sila ng anyo. Pero hanggat hindi sila nakakarating dito sa Palasyo, hindi tayo makakasigurado sa kaligtasan ng Prinsipe" sabi ko naman pagbaba ko ng profile ni Karim.
"Sasalubungin natin sila mamaya sa East Gate" dugtong ni Leo.
"Dito kami maghihintay ni Captain sa Palasyo" suggestion ko naman at nakuha ko ang attention nilang tatlo, "Nabalitaan ko ang paglusob ni Bayron dito sa Abarca. Nandito sa Palasyo ang Hari, kailangan ng tao rito"
"May point si Miguel. Kung ganuon ang mangyayari, kayo na ang bahala dito sa Palasyo sa sandaling oras na wala kami" sabi pa ni Leo.
Hindi nagtagal, natapos din ang meeting.
Kahit wala pa akong sinasabi, sinundan kaagad ako ni Karim na ngayon ay nasa katawan ni Arvin, papunta sa itaas kung saan tanaw namin ang buong Abarca.
"Anong tumatakbo sa isipan mo?" tanong niya paglapit sa akin.
Humarap ako sa direction kung nasaan ang East Gate kasunod ang paglabas ko ng isang magic arrow, "Hindi ko hahayaang makatapak ng buhay si Arvin dito sa Abarca"
Hindi siya kumikibo kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Nasa katauhan ngayon ni Peter Gaillard si Arvin. Kung mamamatay dito si Arvin, ang lalabas na totoong motibo ng suspek, si Peter Gaillard ang totoong target"
"Saan mo naman hahanapin ang suspek? Dito manggagaling ang pana na gagamitin mo para mapatay siya, paano mo maitatanggi na wala rito ang suspek?" tanong niya pero ngumiti ako,
"Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito?" pinaikot-ikot ko sa mga daliri ko ang arrow, "Ito ang tinatawag na Arrow Magnet. Kahit iasinta ko 'to sa ibaba, iiwasan nito ang lahat ng magiging sagabal sa kanya hanggang sa matamaan niya ang target at sa sobrang bilis nito, huli na bago mo pa maramdaman ang presenya ng arrow na 'to"
Binalik ko ang tingin ko sa East Gate, "Sa sobrang daming taong naninirahan dito sa Abarca, maraming direction ang magagawa ng arrow na 'to na halos hindi mo na alam kung saan ito nagmula. Hindi ka ba excited, Karim Davila?"
ARVIN'S POV
Huminto kami para tanawin ang hindi kalayuan na lugar ng Abarca.
Mukhang nakarating na rin ang sulat sa Generals dahil nararamdaman ko ang presensya nila Aliyah at Leo hindi kalayuan.
Hindi ko nararamdaman ang presenya ni Karim at Miguel, pero paniguradong nasa Abarca lang din sila.
"Anong gagawin niyo matapos niyo akong ihatid dito?" tanong ni Peter.
Hinayaan ko na si Vann ang sumagot sa tanong niya, "Estudyante kami. Wala kaming oras para magrelax-relax lang" expected kong sagot niya.
"Wala kayong balak na ikutin ang Abarca?"
"Wala~"
"Maraming kakaibang pagkain dito sa Abarca na siguradong magugustuhan ng mga bata sa East Ground" napansin ko ang pagbaba ng tono niya, "B-bakit hindi niyo sila pasalubungan?"
Alam ko ang nararamdaman ni Peter, dahil alam niya ang pakiramdam kung anong buhay ang mayroon ang mga tao sa East Ground. Hindi ko siya masisisi.
"Nandito narin tayo. Maghanap na tayo ng pasalubong para sa mga bata" sa pagkasabi kong 'yon, nakita ko ang malaking ngiti ni Peter habang si Vann naman ay nabigla.
"S-saan naman tayo kukuha ng pera?"
Itinaas ko ang isang maliit na bag na nasa beywang ko. "Kinuha ko sa table ni Ms. Helen"
"N-nagnakaw ka?...!"
"Iba ang ninakaw sa hiniram. Isasauli rin natin pagkabalik natin sa East High"
"Hah, at nandamay ka pa talaga?.." bulong niya.
Dahil sa kadaldalan ni Vann, hindi na namin namalayan na nasa tapat na kami ng East Gate papasok ng Abarca.
Sa gate, nanduon si Aliyah at Leo na kaagad naglakad para salubungin kami.
"Karim Davila, gusto ko sana silang salubungin bilang Peter Gaillard" pakiusap ni Peter na parang ang baba ng posisyon niya.
Hindi ko naman napigilan ang mapangiti pero hanggat maaari ay pinigilan ko 'to at tumango ako, "Hm"
MIGUEL'S POV
Hinatak ko ang string at itinapat ko ang arrow sa ibaba para marami itong direction na magawa.
Pagkabitaw ko ng string, may ngiti ko itong sinundan ng tingin hanggang sa halos hindi ko na 'to matanaw.
Good bye, Arvin Boreanaz.
To be continued ...