Jim "Hello." Kasalukuyan akong nasa office nang may biglang tumawag. "Sir, na-detect na po namin kung saan tumuloy ang asawa niyo matapos masunog ang tinutuluyan niya rito sa Maynila." Napapikit ako ng mariin bago nagtanong. "S-Saan?" Natatakot ako. Natatakot ako dahil alam ko ang posibleng sagot. "Sa condominium po ng nagngangalang Sebastian Briner Saavedra." Para iyong isang bombang sumabog mismo sa aking harapan dahil sa sakit. "Hindi pa rin ba ako? Hindi mo pa rin ba Ako natutunang mahalin?" Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata. Flashback: Halos paliparin ko na sa bilis ang minamaneho kong sasakyan. Ewan ko ba pero matapos kong ma-receive ang tawag ng MB Princess of the star management tungkol sa paglubog nito kung

