CHAPTER 2

1824 Words
"Hey sis, lighten up!" Caspian, her twin tried to lighten her mood. "It's our birthday,then you look stern?" "C'mon I'm good",pilit ang ngiting sambit niya. Napansin siguro nitong pilit ang ngiti niya sa bawat bumabati sa kanya. "It's not what I see. Look, isang beses ka lang mag debut, so enjoy your night!" Sasagot pa sana siya ngunit narinig na nila ang anunsyo ng kanyang ina para sa eighteen dance niya. Of course, mauuna ang kanyang daddy, kasunod ang kanyang mga kapatid at pinsang lalaki. "My princess is now a grown up girl", malambing na tudyo ng kanyang ama. "Dad..." Hindi niya mapigilang matawa. Well, she's kind of daddy's girl.  Which sometimes annoyed their mother because he is always tolerating her. "Your mom told me something",nanunukso ang tono nito. Napatigil siya sa paggalaw. Ang mommy niya talaga oo. "Don't stop. We can talk while dancing." Napaikot na lang niya ang mata dahil sa inasal nito. "Ang anak ko,nagdadalaga na. So who's this lucky guy,hmm?" "Mom didn't tell you?" Taas ang kilay na tanong niya. Umiling ito na ikinaluwag nang kanyang paghinga. Akala niya tuluyan na siyang  ibinuko ng ina. "She said it's a girl thing. So tell me,is this guy dating you?" I wish. "No dad, he don't even know that I like him",saka palihim na inikot ang tingin sa paligid. She already knew he would never come but she still hoping for it. "Oh, is he blind?" Natatawang tanong nito. "What? What kind of question is that daddy?" Wala kasing sense ang tanong nito. Sa dami nang pwedeng itanong bakit yon pa. "Well, I thought that he's blind because he didn't saw your beauty." "C'mon dad. Don't be so bias.  Sinasabi mo lang yan dahil anak niyo ako", nakasimangot na wika niya. "I'm serious sweetheart. That guy must be having a cataract", natatawang saad nito. Tuluyan nang umiba ang kanyang mood. "I hope Kuya Aegus would dance with me already." Natatawang pinisil nito ang kanyang ilong. "I'm just kidding sweetheart. And happy birthday." Ipinilig na lang niya ang ulo sa balikat nito at ipinikit ang mga mata. "I love you, daddy." "I love you more." ______ Nangangawit na ang kanyang mga paa. Nasa ika labinpitong sayaw na siya at gustong gusto na niyang maupo. Kaklase niya noong high school ang kasayaw at kapitbahay rin nila. Si Aaron. She promised herself that she would only dance the eighteenth if it is Drake. Pero malabong darating ang lalaki. Papatapos na ang tugtog at wala sa loob na tumigil siya. Nagtatakang tiningnan siya nang kasayaw. "What's wrong, the music hadn't done yet?" Ani Aaron. "Ahm, I can't do this anymore. My foot are hurt so bad", reklamo niya. Ang taas pa kasi ng takong niya kaya nahihirapan na siyang sabayan ang kapares sa pag sayaw. "How bout' your eighteenth dance?" "I-- I don't really feel to dance anymore. Ang sakit na kasi talaga ng mga binti ko. Please Aaron, can we sit already?" Pakiusap niya sa kababata. "Let's finish the music",giit nito. "It's not everyday that I have a chance to dance with you." "Aaron...." "I really like you Addy. You never noticed any guy admiring you because you never care. And I admired you more because of that." Hindi siya inosente sa pagpapalipad hangin nito sa kanya. But her heart seems to be only belong to someone else. And that someone never care to notice her. Mahina siyang bumuga ng hangin. "I-- I don't know",tanging nasambit niya. Bahaw itong natawa. "Of course you don't. Sometimes I wonder if it's possible that you could like someone. How to get your attention." "Of course. I'm still a normal person. And yes, I do like someone else. Someone, I could not ever have",nagawa niyang sabihin. It's not bad to tell someone about your true feelings as long she will keep the name confidential. "Oh c'mon. That man must be a nuts. How can he resist you? You're irresistible." Bahaw lang siyang natawa. "Maybe because he likes someone else too." "Life is so unfair. The people we like never like us back",napapalatak na lang ito. Nagngungusap ang tingin nito habang nakatitig sa kanya. "Would it be too much if I'll ask you that, I want to be your eighteenth dance?" Natigilan siya. Saka niya napagtantong nagpalit na pala ng tugtog. Bahagya siyang tumikhim para magtanggal ng bara sa lalamunan. Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan sa paraang hindi ito mapapahiya. She really don't want to do it with another man. It's only Drake that she wanted. Akmang ibubuka niya ang bibig para sana tanggihan ito nang biglang may tumikhim sa kanyang likuran. "I think it'll be my turn",buo ang boses mula sa likod. Napatigil siya. She will never forget his voice. God I must be dreaming. "I guess I'm not the lucky one", nakangiting saad ni Aaron. Wala na siyang nagawa nang iangat nito ang kanyang kamay at iabot kay Drake. Hindi agad siya nakaimik. Nanlamig pa yata ang kanyang katawan nang hawakan siya ng binata sa kamay at mas lalong nanlamig nang ilapat nito ang kamay sa kanyang beywang. "Hey, relax. It's just me",may panunudyong wika nito. Pasimple siyang tumingin sa gawi ng ina at kitang-kita niya ang nanunuksong tingin nito. Nag thumbs up pa ito na ikinapula ng kanyang mukha. "You came...." Mahinang sambit niya. "Of course, I did. Ang galing mong mang guilt trip e. Anyway happy birthday. I have my gift for you." "Kahit wala kang regalo sa akin,sapat nang nandito ka",lakas loob niyang wika. "Uhuh. That's sounds...uh, never mind." "Thank you for coming", sinalubong niya ang tingin nito. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso niya dahil hindi ito umiwas. "You're welcome. You've made your promise not to barge in my clinic so I did mine." Umiling siya. Humigpit ang hawak niya sa balikat nito. "I didn't stop." "What do you mean?" "Araw-araw pa rin akong nasa harap ng clinic mo. Staring at you from distance." Hindi nila namalayang tumigil na pala sila sa pagsayaw at nag uusap na sa gitna. Mabuti na lang may paisa-isa nang sumabay sa kanila kaya hindi sila napapansin. "Why are you doing this stupid things Addy? I told you to stop because it could affect your studies",mariing pananaway nito. Nasa anyo nito ang nauubusan na ng pasensya sa kanya. "Because I love you Drake. I've been inlove with you---" "You don't know what you're saying little miss",sabay tawa nito nang mahina. "Kailangan mo pang kumain nang ilang sakong bigas para maabutan mo ang edad ko. And it'll never happen, by that time matanda na rin ako." "You're embarrassing me, don't you know that?" Namumula ang mukhang sambit niya. Hindi nito alam kung ilang lakas nang loob ang tinungga niya para lang masabi ang totoong nararamdaman niya dito. "I'm just stating the fact,kiddo. You're too young and you don't know what you want. I'm not good for you. And I want you to know that I like someone else",walang prenong lintaya nito. Tuluyan nang uminit ang gilid nang kanyang mga mata. "I've been loving you for almost a year. Now tell me if I don't know what I want. You just never care to notice." Magsasalita pa sana ito ngunit inunahan na niya ito. "I want you to know, that everytime you're shooing me away you've just hurt me deep inside",naiiyak na wika niya. "Addison..." Itinaas niya ang kamay. "Kung  kaya ko lang sanang alisin yung pagmamahal ko sayo Drake, matagal ko ng ginawa. You're right, those things I did was very stupid. But what can I do? I'm loving you for every bit of my heart. And if loving you would kill me, then I'm too young to die." "Addison, you can't just tell those words to any guy. And it's kind of awkward that you are confessing your feeling to a man. Why don't you wait for  a man who will do the first move? Sometimes it make a woman less, when they were the one who make the first move." "So were you saying that I am a cheap?" Puno ng hinanakit na sumbat niya. Ngunit nanatili itong tahimik. And silence means yes. Tuluyan na siyang bumitaw sa pagkakahawak sa balikat nito at pasimpleng pinahid ang luha. Hawak ang gilid nang kanyang gown ay mabilis siyang tumalikod at iniwan ang lalaki na nooy napatapik na lang sa noo at hindi alam kung paano siya iaapproach. He just broke her heart into pieces. How she wished she never did that foolish thing. E di sana hindi siya nasasaktan ngayon. Alam niya, ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay siya rin ang may gawa. She should never expect things to happen. Pasimple siyang kumubli sa halamanan na walang katao-tao. Ayaw niyang may makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon. Tama nang nasaktan siya. Tama nang pinahiya niya ang sarili sa lalaking iyon at hindi sa harap ng maraming tao. Nanatili siya doon hanggang kumalma na siya. Babalik na sana siya sa karamihan ngunit napaatras siya nang mabungaran ang mukha ni Drake na matiim na nakatingin sa kanya. "Are you okay now?" Tama ba ang narinig niya? May concern sa boses nito. Marahil awa hindi pag aalala. At hindi niya kailangan iyon "Of course, why I wouldn't be?" Taas kilay na sagot niya. "Anyway, forget what I've said. It's just nonsense. You know teens could be shameless sometimes." "Wow, that fast? Nakamove on ka na agad?" Sakrastikong tanong nito. Lihim siyang napakuyom ng kamao. Ano pa ba ang gusto nito? Hindi ba dapat magpasalamat na lang ito dahil sinabi niya iyon? Taas noo siyang tumingin dito. "Yeah, that fast." Saka binirahan ng talikod. Ngunit maagap ang lalaki at mabilis na inabot nito ang kanyang braso. Hihilain sana niya iyon pabalik ngunit hinila pa siya nito palapit. Gusto niyang mapapikit sa bango ng hininga nito. How she wished he could kiss her. But it's not possible. "You can't just play around like that Addison", ang sarap abutin ang panga nitong nakatiim. Dahil sa bugso nang damdamin na kanina pa niya pilit kinakalma ay hindi na niya pinigilan pa ang sariling abutin ang panga nito at masuyong haplusin. Natigilan ito at nanlalaki ang matang nakatitig sa kanya. Nang wala siyang makuhang reaksyon dito ay pangahas na hinawakan niya ang magkabilang kwelyo ng americana nito at hinila palapit sa kanya saka walang prenong inilapat ang labi sa labi nito. Oh wonderful. I just had my first kiss. Naramdaman niyang gumalaw ang labi nito. Naipikit niya nang mariin ang mga mata. Walang kasing tamis kapag mahal mo ang humahalik sayo. Yung sayang umaapaw sa puso niya ay hindi niya maipaliwanag. She can't help herself but to cry. She loves this man so much. Natigilan ito nang malasahan ang kanyang mga luha. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahas na inilayo. "You should not have done that!" Galit nitong wika. Halos bumaon ang daliri nito sa higpit nang pagkakahawak nito sa kanyang balikat. "Well, I just did. And I'm sure you like it too", matapang niyang sagot. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang pagtugon nito. Hindi niya napaghandaan ang biglang pagbitaw nito nang padaskol sa kanyang balikat. Parang dinurog pati pagkatao niya nang tingnan siya nito na tila nandidiri. "You just disgust me Addy. And think you're really sick!" Napipilan siya sa sinabi. Nang walang paalam itong umalis ay nag unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Yes, Drake. I'm sick. I'm sickly inlove with you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD