HINDI ko inakalang sa dami dami ng pagkakataon ay dito ko pa talagang makikita ang lalaking ito. Bigla akong naconcious nang makita si Wyatt. Tuluyan ko ng nakalimutan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Walang sinabe sa akin si Khalil na makakasama namin si Wyatt sa meeting. Mukhang nagpunta lang ito rito upang magpabango kay Mayor Magnus. Tyaka ko lang narealize na hindi pa ako handang makita siya matapos ang lahat ng nalaman ko tungkol sa kaniya. May parte pa rin sa puso ko ang nasasaktan kahit pa ilang beses ng sinabe ng utak ko na tama na... Tumayo ito sa pagkakaupo at gulat akong hinarap. "You're here? A-At bakit ganyan ang suot mo? Muntik na kitang hindi makilala." "I think this is not the right time para magkamustahan tayo, Wyatt," pilit kong pinalamig ang boses ko upang

