PINOOD ko siyang kumain sa harapan ko. Bawat subo yata nito ng pagkain ay nakabantay ako. Mukhang wala namang masakit kaniya, wala rin siyang iniindang kahit na ano. Ang akala ko talaga ay kaluluwa niya na lang ang makikita ko matapos ang nangyare pero heto siya na sa harapan ko ngayon. Standing tall and proud. "Can you please stop staring at me?" Inirapan ko siya. "Bakit ngayon ka lang nakauwi? Alam mo bang inaantay ka ni Lualhati. Miss na miss ko na nong bata..." at pati ako rin. Miss na miss na rin kita. Gusto ko mang idagdag 'yon pero mas pinili kong huwag na lang. Hindi rin ito ang tamang oras para lumande. Kailangan munang ipahinga ang puso ko sa love. Ayoko namang maging sadgirl habang buhay noh. "Nawalan ako ng malay matapos takasan ang mga humahabol sa atin nong gabing iyon, L

