ITINULAK ko siyang papasok ng kuwarto. Sinimulan ko ring hubarin ang pang-itaas ko. Kung kayang gawin ni Wyatt, kaya ko rin dapat. Lintik lang ang walang ganti! Hindi ako papayag na maging masaya siya matapos ng kademonyohang ginawa niya sa akin! "Amara—"Hindi ko siya hinayaang magsalita at nagpatuloy sa paghalik. Kinailangan niya pang itulak ako para kalmahin. "What's wrong with you? Why are you acting like this?" "U-Uncle William..." Kumapit ako sa pangtulog niya para itayo ng maayos ang sarili ko. "D-Do I really deserve to suffer like this? Bakit kapag ako parang ang unfair?" Binigyan niya ako ng nakakaawang tingin. Ganon na ba kaawa-awa sa paningin niya para magkaroon siya ng ganitong itsura? Mukha ba akong kaawa-awa? Pero bakit nagawa nila ang mga 'yon? Hinila niya ako patungong k

