KABANATA 11

1024 Words
Sa sumunod na araw ay may kakaiba pa rin akong naramdaman sa katawan ko. Mahapdi pa din ang aking pagkakab*bae nang magising ako pero hindi na gaano. Muli kong ipinagwalang bahala iyon dahil siniguro kong naka-lock ang pintuan. Malapit na akong datnan ng buwanang dalaw, marahil ay iyon ang dahilan kung bakit may kakaibang nangyayari sa maselang bahagi ng aking katawan. “Angeli, makikisuyo muna ako sa ’yo. Pakidala ako nitong juice at sandwich na pinagawa ni Sir Orson sa silid niya. Tinatamad daw siyang bumaba.” Utos sa akin ni Aling Sonia. Tulog pa sina Senyorito Lufer at Ma’am Celestine kaya hindi ko pa magawang linisan ang kanilang silid. “Sige po, Aling Sonia. Ako na po ang bahala.” Maingat na binitbit ko ang tray at tinungo ang inookupang silid ni Sir Orson. Nakaawang ang pinto ng kaniyang silid. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot. “Sir Orson? Nariyan po ba kayo? Dala ko na po ang ipinagawa ninyong juice at sandwich kay Aling Sonia!” pasigaw na sambit ko. Bahagya akong sumilip sa loob ng kaniyang silid. Walang tao sa kaniyang kwarto. Itinulak ko ang pinto gamit ang siko at humakbang papasok sa silid niya. Dinig ko ang mahinang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. “Naliligo siguro siya,” ani ko sa sarili. Inilapag ko ang dalang pagkain sa lamesa. Palabas na ako sa kaniyang kwarto nang makarinig ako ng tila dumadaing sa loob ng banyo na para bang nasasaktan. Nag- aalalang lumapit ako sa banyo upang alamin kung ano ang nangyayari sa kaniya. “F*ck!” Pagmumura pa niya habang papalapit ako. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa takot at pag- aalala. “Napano kaya siya?” tanong ko sa sarili bago kumatok at nagsalita. “Sir Orson? Ayos lang po ba kayo?” Kumatok ako sa banyo. Hinintay kong magsalita siya pero wala akong narinig na tugon mula sa kaniya. “Sir Orson!” tawag kong muli. “Ugh! Sh*t! F*ck!” Sunod-sunod na pagmumura niya na para bang nasasaktan. Pabalya kong binuksan ang pinto ng banyo sa takot na baka may nangyayari nang masama sa bisita ni Senyorito Lufer. Pagkabukas ko ng pinto ay agad na namilog ang mga mata ko. Napako ako sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan. Tumambad sa akin si Sir Orson na wala saplot sa katawan. Bahagya pang nakaawang ang mapupula niyang labi habang banayad na itinataas baba ang kamay sa sandata nitong napakataba at mahaba. At may likidong lumalabas mula roon habang pumipintig-pintig pa. “Wanna join? Maliligo ako,” nakataas ang sulok ng labi na tanong niya sa akin. Saka pa lamang ako natauhan nang magsalita siya. Tumalikod ako at nagmamadaling lumabas ng kaniyang silid. Naghila ako ng upuan pagkarating ko sa kusina naming mga trabahador. Naupo ako at pinagsalikop ang mga kamay na nanginginig. Maging ang tuhod ko ay ramdam ko din ang panginginig kahit na nakaupo na ako. “Napakabastos niya talaga!” sigaw ko sa isip. Bakit ba hindi ko agad na- realize kung ano ang ginagawa niya? “Angeli, namumutla ka yata? Ano ang nangyari sa ’yo? May dinaramdam ka ba?” may pag-aalala sa boses na tanong ni Ate Wena pagkakita sa akin. Hinipo pa niya ang noo at leeg ko habang nakadampi naman ang isa niyang palad sa kaniyang noo. Pinagkukumpara niya ang temperatura ng katawan naming dalawa. “Hindi ka naman mainit. May sakit ka ba?” tanong pa niya. “A-Ano po kasi Ate, malapit na akong datnan ng buwanang dalaw kaya sumasakit ang puson ko. Kaya po siguro ako namumutla.” Pagsisinungaling ko. “Ah, kaya naman pala. Ako ganiyan din noon, eh. Halos himatayin pa nga ako sa sobrang sakit tuwing magkakaroon ako. Pati ’yong nanay at lola ko ganiyan din. Ang ginawa daw ng mga magulang ni lola, pinag- asawa daw siya kaagad nang mag-edad labing walo na siya,” kuwento niya sa akin. “Minsan po talaga hindi ko kinakaya ang sakit.” Kinagat ko ang pang ibabang labi dahil nagkapatong- patong na ang kasinungalingang ginawa ko. Masakit din naman kapag dinadatnan ako, pero hindi naman umabot sa puntong halos himatayin na ako. “Teka, may gamot ako dito para diyan. Maupo ka lang at kukunin ko.” Hinanap niya sa kabinet ang lagayan ng gamot. Nang mahanap ang pakay ay kumuha siya ng baso at sinalinan ng tubig. Lumapit siya sa akin at inabot ang baso at gamot. “Heto, inumin mo ’to para maging maayos na ang pakiramdam mo.” Inilapag niya sa lamesa ang gamot at baso na may lamang tubig. “Aalis na ako, ha? Kapag hindi mo kaya magpaalam ka kay Ate Sonia tapos ipahinga mo muna ’yan.” Dali-dali siyang tumalikod at iniwanan ako. Nasundan ko na lamang siya ng tingin. Dumako ang tingin ko sa gamot at isang baso ng tubig. Nakonsensya ako sa kasinungalingang ginawa ko. Pero itinatak ko na lang sa isip na kung hindi ako gagawa ng kwento ay mas magtataka sila at hahaba pa ang usapan. Nagpalinga-linga ako sa silid habang nagsusuklay sa harap ng malaking salamin. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Tinungo ko ang ang bintana. Pagsilip ko ay may isang bulto ng tao akong nakita sa labas na agad ding nawala. Kinabahan ako. Kaya agad akong lumapit sa pinto at muling tiningnan kung naisara at na-lock ko ang pinto ng silid ko. Ininom ko ang tinimplang gatas. “Bukas ko na lang siguro ito hugasan. Hindi naman siguro ’to lalanggamin dito,” saad ko sa sarili matapos kong maubos ang gatas na ininom ko. Pinatay ko ang ilaw at naupo sa kama. Nagdasal muna ako bago matulog. Nagising ako ng madaling araw, pakiramdam ko ay may taong nakamasid ulit sa akin. Inilibot ko ang tingin sa silid ko na natatanglawan lang ng ilaw na nagmumula sa ilaw sa labas. Tinapangan ko ang sarili at bumangon. Kinuha ko ang gunting sa drawer ko at mahigpit na hinawakan. “May tao ba diyan? Magsalita ka kung sino ka man! Magpakita ka sa akin!” pasigaw na pagkakasambit ko. Mariin akong nakahawak sa gunting na dala ko habang nanginginig ang kamay sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD