Chapter 1 Dress

3953 Words
Chapter 1 Dress I woke up early the next day. The sun hasn't been rising yet. Siguro ay naninibago ako kaya kahit hindi ako madaling nakatulog kagabi ay maaga akong nagising. I decided to take a quick shower so I can go out and walk a bit. Pagkatapos kong maligo ay naghanap ako ng damit sa closet. Most of my clothes are shirts and shorts dahil konti lang naman ang kaya kong dalin noong umalis ako. Few pairs of clothes and mostly my money. Binuklat ko naman yung bag na hinanda sakin ni Maeve, nandoon ito sa sasakyan na siya rin ang naghanda para sa akin. I didn't even know how she got the help dahil wala naman siya sa bansa kung nasan ako noon. But it's easier if she will do it so nobody will suspect anything from me. Nakailang labas na ako ng damit ay wala akong makitang pwedong isoot. Most of them are sundresses that I think are too much for the morning. Tingin ko ay masyadong magarbo kahit simple lang naman. Well, it's just isn't my type. I pick up the simplest white dress in my eyes. I sighed and made sure that I should arrange all my clothes later. I comb my hair and decided to go out. Mamaya na ako kakain dahil maaga pa naman. There's also a lot of food and I'll just reheat it later. I got an envelope by the cold wind the moment I step out. It's the kind of the usual cold in the morning that's tolerable. The lights on the palm trees are bright and it helps to overcome the dark. I heard a few voices and saw the lights in the market. May mga bangka din sa dagat na tingin ko ay kararating lang galing sa pangingisda. Everyone is busy and I can't help but smile at the simple and ordinary ways in here. I've never seen so many people or socialize with many people back in my days. Noong high school ay bantay sarado ako. School and house are my only place. Even though nobody knows that I'm the daughter of Macimilian, yes, I used Macimilian but if somebody asks me if I'm related to them and I'll just immediately say no. Iyon ang sabi ni Daddy and that's a rule. It's for the safety he says. That time I don't understand, safety from what? Oh well, dealing with illegal drugs does need safety. Only Maeve knows the truth about me. I decided to walk in the market's direction. Wala akong kilala sa gawing kaliwa dahil napansin ko rin nasa bandang ito sila Manang Tessie. I almost had a heart attack when I saw someone standing not far away from me. From his broad shoulders and really huge body frame, I will run if he didn't seem familiar. I sighed and look away. Ang aga aga pa pero gising na din siya. Well, sabi ni Lisa kailan lang iyan dito kaya baka naninibago parin. I tried to smile but his face remains serious, eyebrows slightly knotted. Oo nga, para siyang laging galit. I felt uneasy and my heart slightly increases in its normal beat. I need to walk in front of him in order to go forward. Then I should! I licked my lips and continued to walk. Hindi manlang siya gumalaw sa pwesto. That's a bit... rude. But people won't like you always anyway kaya hindi ko nalang siya pinansin. "You shouldn't walk alone at this time. It's still dark," his husky, manly, very manly voice filled my ears. Napahinto ako at hindi ko alam kung lilingon ako at kung lilingon ako, ano naming sasabihin ko? And one thing, is he even talking to me? Well, he got to be because we're the only people here unless he sees something I don't. "Yeah, I just..." I looked at him and his face didn't even change. "I can't go back to sleep..." I continued. Hindi naman niya ako sinagot kaya kumunot ang noo ko at umalis nalang doon. Well, that's weird. I continued walking and I saw someone get out of one of the houses there. I saw Lisa so I called her. "Aisa? Ang aga mo, ah!" she quickly responded. "Hindi ako nakatulog masyado. Kaya..." She nodded at me, "Normal lang yan, nga pala nag almusal ka na ba?" I shook my head, "Hindi pa. It's too early to eat breakfast. Magugutom ako agad," She just chuckled at me. "Wala ka bang trabaho?" dugtong ko. Nanliit naman ang mata niya, "Summer ngayon!" natatawa niyang sagot. Tumaas naman ang kilay ko, "Oh right... summer vacation..." Hinila naman niya ako paalis doon, "Tingnan natin si Nanay Tessie doon sa may palengke at baka may gusto ka ring bilhin," Nagpatianod lang ako sa kaniya. Nang makarating ay kahit maaga ay marami nang tao. Nagpunta kami sa isang fish stall at nakita doon si Manang Tessie. So, they own a place here. "Nanay!" Lisa greeted. Agad namang humarap si Manang Tessie at ngumiti. "Aisa hija! Ang aga mo naman?" "Naninibago po ako kaya maaga akong nagising." I looked around and saw a man arranging the fishes. Bagong lagay lang ang mga iyon at gumagalaw pa. "James dahan dahan! Mababasa itong si Aisa!" sigaw ni Manang doon sa lalaki. Agad naman akong umiling at ngumiti. The guy turned to me and smiled apologetically. "Pasensya Miss hindi kita napansin," he said. "It's fine..." I replied and he looked at me more. Siguro dahil ngayon niya lang ako nakita. "Bago ka rito?" I nodded at that. Napansin ko naman na ang ibang tao roon, karaniwan ay tindera, ay nakatingin sa akin. Ngayon lang siguro nila ako nakita dahil noong punta ko rito noong nakaraan ay hapon na. "Nako James tigilan mo si Aisa! Lahat nalang ng bago dito pinopormahan mo. Natatakot tuloy at umaalis!" Lisa hissed and I can't help but to chuckled at that. Nakita ko naman ang pagkainis kay James, as Lisa mentioned pero bago pa siya makasagot ay nagsalita na si Manang Tessie. "Nako Aisa, sa susunod ay huwag kang basta basta lumalabas ng madilim pa at delikado," agad naman akong napatango. "Iyong bata rin diyan sa malapit sa tinitirhan mo ay maaga kung magising at lumabas pero lalaki naman iyon kaya," Then I remember that guy. Kung makikita ko siya tuwing ganito ako kaaga magising ay pipilitin kong matulog pa! Nakakatakot kasi siya at mukhang ngang laging galit. But then, maybe because we're not close? Baka ganoon talaga siya sa hindi kilala. "Nakita ko nga ho kanina..." napansin ko naman ang agad na paglingon sa akin ni Lisa. I evilly smiled on my mind. Akala ko ba hindi niya type yon? "Nagkita kayo?" she asked and eyed me maliciously. I nodded and knotted my eyebrow at her reaction, "Nagusap kayo?" tanong niya pa ulit. Napaisip ako, nag usap ba kami? "Hindi, uhm, but he said-" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko pero niyugyog na niya ako at tumatawa. Hindi ko alam kung kinikilig ba siya para sa kaniya o... "Mabuti naman kung nag kausap kayo hija... mabait ang batang iyon mukha lang talagang masungit," sabi naman ni Manang Tess. I nodded at that. Mabait nga naman. "Ah oo nga po. Sinabihan ako na huwag maglalakad mag isa kasi madilim." Mas lalong lumakas ang impit na pagtawa ni Lisa. Napailing nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng babaeng ito. I scratch my temple and smiled at her. Parang baliw kasi. "Pag nalaman ni Jennie iyan ay maiinggit 'yon! Pangarap niyang makausap ang lalaking iyon pero ni lumapit ay hindi nagkakaroon ng pagkakataon!" Natawa nalang kami ni Manang Tessie sa kabaliwan niya. "Umayos ka nga diyan para kang baliw!" narinig kong sabi noong James kay Lisa at inirapan naman siya ng huli. "Wala kang paki 'no!" sagot ni Lisa at tiningnan ko lang silang dalawa na mag bangayan. Hinarap naman ako noong lalaki nang mabingi na ata sa kakasigaw sa kaniya ni Lisa. "Ako nga pala si James, kapit bahay lang ako nila Lisa," he smiled at me and I did the same. I can tell that he is older than me but not that old. He's like my Kuya probably. "Aisa," I replied politely. "Ako iyong nakatira sa bahay sa may dulo, iyong wooden-" "Iyong malaki?" I nodded at that. "Sa kaibigan ko iyon..." sabi ko kahit na hindi naman niya tinanong. "Nasaan siya kung ganoon?" "She's abroad with her family, I'm on a vacation and she suggests I'll stay here," "Aisa tara na! huwag kang naglalalapit riyan at wala ka namang makukuhang maganda!" Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi ni Lisa. She's now in front of the marketplace and talking to someone while waving her hands at me. I nodded at her and looked at James. "Sorry, I got to go..." I said and starts to walk. Nang makarating ako kay Lisa ay agad ko siyang tinampal ng pabiro. "Ang rude mo doon sa tao. Nagpapakilala lang." She looked at me with an awed expression, "Oopsie! Huwag kang nagpapaniwala doon dahil magaling mambola 'yon!" Naningkit naman ang mga mata ko at tiningnan siya. Her black eyes avoided my gaze. She prickles the top of her nose na napansin kong mannerism niya ata. "Bakit? Nabola ka na ba niya?" Agad niya naman akong tiningnan ng parang nandidiri sa sinabi ko. I almost laughed. "H-Hindi 'no! Aisa naman matino naman yung mga type ko!" Hindi ko na napigilan at natawa na talaga ako. The guy is decent! Just perfect for his age, malaki ang katawan at moreno. Maliwanag na sa labas kaya marami naring tao sa dalampasigan. Nagpaalam muna ako kay Lisa at sinabing magaalmusal lang at may tatawagan. I tried to invite her for breakfast but she refused. Nakakahiya daw. Hindi ko naman na pinilit. Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Maeve sa number niya. Kagabi ay tumawag na ako pero saglit lang kaming nakapagusap. "Aisa? Kamusta?" I can sense that she just woke up. "I'm fine here... the people are very nice and polite. Hindi naman ako nahihirapan," She sighed, "Well that's good. Anong plano mo ngayon? I'm sure your family knows you're missing. Your Kuya won't like it very well," "That's the last thing I want on my mind. I'm guilty I didn't tell him but I have to..." naupo ako sa kama habang tininganan ang paghampas ng alon sa dagat. "I know, and I understand you..." "I don't know how I'll research but I need internet and I'll buy some prepaid kaya baka pumunta ako ng kabayanan." Kanino kaya ako magpapasama? Pwede namang ako nalang pero hindi ko alam kung saan at baka makaabala naman ako kung magpapasama pa. "Ang huling nalaman natin ay may factory sa Pampanga na hindi listed sa legal drugs laboratories niyo. But Pampanga is so big..." "I know. Baka hindi muna ako gumawa ng kahit ano. Alam na nilang umalis ako and I'm sure they are on high alert. Hindi naman nila ako mahahanap dito..." Beaches will definitely cross out on their list. I am not a fan of the sea. I can't swim because I have a phobia of underwaters. Nagpapanic ako kapag hindi na maabot ng paa ko ang buhangin sa baba. I definitely tremble so I didn't try to have a swimming lesson and I don't want to. Maeve chuckled, "I know right. Our plan is very mischievous. Isa pa, baka sa Germany pa iyon naghahanap. Walang pangalan mo ang mahahanap sa mga flights dahil iba naman iyong ginamit mo." I nodded at what she said. She right. That gives me more time. Malaki ang Europe at pwedeng kung saan doon ako nagpunta. Well, they can hint first at the Philippines but I doubt na mahahanap nila ako kaagad. I decided to eat afterward. Nilinisan ko ang pinagkainan at nag desisyong mag ayos ng damit. Inihanger ko ang mga dresses na naroon at itinupi nalang ang iba. Habang nagaayos ay saka ako napaisip. How will I do my laundry? I'm sure there are machines here for that but I don't know how to do laundry! Oh damn, bakit hindi ko iyon naisip? But there are laundry services here for sure? Sa bayan? Mukhang mahihirapan ako kung sa bayan pa meron noon. Wala akong sasakyan at kung linguhan ko iyon gagawin ay marami rami ding damit iyon. Naisip ko ring huwag nalang labhan at bumili nalang ako ng panibagong damit pagnaubusan? But that's gross. Maitatambak iyon dito. No way. Maghahanap ako ng laundry shop mamaya dahil pupunta naman ako sa bayan. Tama. I need laundry shop! Nang naayos ko ang damit ay nagdalawang isip pa ako kung maliligo ako bago umalis. But for sure ay maiinitan ako doon at maliligo rin pagdating. Besides kakaligo ko lang din naman! We need to save water and clothes. Nagpasya akong lumabas para puntahan si Manang Tessie. Baka nasa palengke pa iyon. Itatanong ko nalang kung paano pumunta ng kabayanan. Mukhang madalang ang daan ng sasakyan dito pero sigurado akong mayroon naman. Naglakad ako at hindi na inalintana ang init. Thanks to Maeve I have sunblock. Napangiti naman ako ng matanawan si Manang Tessie na nasa harap ng bahay nila. Tapos na siya sa palengke? "Manag Tess!" I called. Napaharap siya sa akin pati iyong lalaking kausap niya na hindi ko napansin kanina. Napatigil ako bigla. Gusto kong umurong nalang at mamaya na kausapin si Manang pero hindi naman magandang asal na bigla akong tumalikod at umalis. Kumaway ito sa akin at inanyayahan akong lumapit. Tiningnan ko naman iyong lalaking laging galit. Hindi ko alam kung nagkita na ba kami nito dati at may sama siya ng loob sa akin. Kung hindi lang siya ganyan sa lahat ay iyon talaga ang iisipin ko. "May kailangan ka ba hija?" tanong nito ng makalapit ako. Hindi ko naman na nilungunan iyong kausap niya at ewan ko! Ayaw ko lang. "Ah, mamaya nalang Manang kapag tapos na kayo rito..." mahina kong sabi. Tumawa naman ito sa akin, "Tapos na kami at may tinanong lang itong si Damian." Damian? Oo nga pala at hindi ko alam ang pangalan niya. Damian huh? Tumingin ako sa lalaki at hinihintay siya umalis dahil tapos na raw sila. Hindi naman siya kumilos doon. Napabuga nalang ako ng hanginat tumingin kay Manang. "May bibilhin po sana ako sa bayan kaya lang ay hindi ko alam ang papunta doon..." pauna ko at agad sinundan. "Tatanong ko po sana kung paano." Napalunok naman ako pagkatapos magsalita. Nangiti naman si Manang dahil mukhang napansin niya ang pagkailang ko. "Malayo layo rin ang bayan dito pero isang sakay lang naman." Sagot ni Manang at nang may idudugtong ay agad nagsalita iyong Damian na nandyan pa pala. "Sa bayan din naman ako pupunta Manang isasabay ko na siya," Agad nanlaki ang mata ko at napasagot agad. "No! I mean... n-nakakahiya makakaabala pa ako ayos lang naman ako magcommute." Mabilis kong sabi na hindi ko alam kung naintindihan ba nila pareho. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Ang bilis ng tambol ng puso ko. "Hindi naman abala iyon kung doon din ako pupunta," sagot niya sa akin at hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko doon. Hindi naman talaga totoo iyong sinabi ko, ang tunay na dahilan ay ayaw ko lang sumabay sa kaniya. Mamaya anong gawin niya sa akin? Kahit sinabi ni Manang na mabait daw ito, hindi ko parin siya kilala! "Oo nga naman hija. Sige at sumabay kana sa kaniya. May sasakyan iyan kaya mas hindi ka mahihirapan," Okay medyo nagdalawang isip ako sa pag ayaw dahil may sasakyan daw siya. Pero... fine! "O-Okay then..." sabi ko nalang. Humarap ako sa kaniya at tiningnan niya naman ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa paghagod niya ng tingin sa akin at tumigil iyon sa purse na dala ko. My eyebrow raised. "Mauuna na ako sa inyo kung ganoon, babalikan ko pa iyong paninda ko," Manang Tessie said and I smiled at her politely before nodding and saying my thank you. Bumalik sa lalaking ito ang tingin ko at napansin na hindi manlang nawala ang tingin niya sa akin. I was about to ask why when he spoke. "You will wear that?" sa mababang tono ay tanong niya. What? Is there something wrong with my dress? White na medyo manipis but it's decent! Sa tanong niya palang ay parang ayaw ko nang sumagot ng yes dahil mukhang badtrip siya. Pinaglihi sirugo ito sa sama ng loob? "I'll... change, of course," I whispered kahit alam naman niyang iyon na dapat talaga ang isusuot ko dahil dala ko na nga iyong purse ko! Mahihirapan pa akong maghanap ng damit! I saw how the side of his lips rose! May iba pa pala siyang kayang expression! Oh, I should photograph that. Siguradong mahihimatay sa kilig si Jennie. Nagsimula akong maglakad at sumabay siya sa akin. Kahit nasa tapat na ng bahay niya ay hindi siya tumigil. Okay? Tiningnan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi na ako nagsalita. Nang nasa tapat ng tinutuluyan ko ay saka ko siya hinarap. "Uh..." "I'll wait for you in front of your gate." Bago pa ako nagsalita ay nauna na siya. I nodded quickly. "Okay," I replied and immediately walk inside. Anong susuotin ko! Buti nalang ay naayos ko na ang mga damit ko at kahit papaano ay mababawasan ang paghihirap kong humanap. Agad akong dumiretso sa closet ay hinalughog and mga damit ko. Kung hindi off-shoulders, deep v-neck ang mga ito! Tiningnan ko ang iilang pants. No, I should wear that when it is really needed. Hindi pa ngayon. Kinuha ko nalang iyong navy blue na v-neck. Ito na ang pinakadesente na isoot. Mahaba din ang sleeves niya at flowy. The length rested above my knee and I find it just fine. Bago lumabas ay sinuri ko pa ang mukha ko at baka mamaya ay iyon naman ang pansinin niya. I wear my sandals and get out of the room. Sinigurado ko pang nakasara iyong mabuti. Nang maisip na may naghihintay sa akin ay agad agad akong tumakbo paalis. Inikot ko ang bahay at agad bumiretso sa gate. Nakita ko agad doon iyong sasakyan niya. Well, that was nice. BMW Coupe in its very dark grey paint, almost black. Inexpect ko nang mayaman siya pero nagulat parin ako. Lumabas siya ng sasakyan ng mamataan ako. Agaran akong naglakad palapit pero nauna parin siya sa akin. He opens the door to the shotgun seat and I hurriedly went in. Hindi pa siya agad umalis kaya nilingunan ko siya. Hindi na ako nag thank you dahil hindi naman siya sasagot kaya huwag nalang. He looked at me and move closer. My eyes widened at the sudden action. Akala ko kung anong gagawin niya kaya napatigil ako sa paghinga. He reached for my seatbelt and put it around me. Todo ang pagatras ko kahit wala naman akong aatrasan. He looked at me once and closed the door after. I sighed heavily. Nag h'hyperventilate ata ako! Nang makapasok siya sa loob at agad din kaming umalis. Pinanatili ko naman ang mata ko sa labas. The ride was so quiet that I think it's uncomfortable. "So, uh, your name is Damian?" I looked at him, "I'm Aisa..." Hindi naman siya lumingon sa akin, "I know," he only said. Napataas ang kilay ko. Siguro ay narinig niya kila Lisa noon. Napakalakas pa naman ng boses nila. Hinintay kong may sabihin siya pero wala na siyang dinugtong. Na stress pa ako lalo. "Matagal ka na ba dito?" subok ko ulit kahit alam kong isang lingo palang siya dito. "No..." he answered. Agad akong lumingon sa kaniya at wala naman na siya dinugtong. Oh my gosh, there is no hope in this! He doesn't know how to converse! Hindi ko na naiwasang mapairap at napabuntong hininga. Napansin niya ata dahil bahagya niya akong nilingunan. Tss! Bahala siyang mapanis ang laway diyan. "I went here for a vacation last year, I liked it here so I decided to build a house," he said and I eyed him. He looked at me once and he has his playful face that I don't know what for. Hindi ako nagsalita. "I have only been here for a week now..." dugtong pa niya. Agad naman akong naguilty because I think he's trying to talk because he saw my expression when he didn't. Hmmm, baka hindi talaga siya palasalita kaya ganoon. Masyado naman akong umarte doon. "So, you're not really from here... Where are you from, then?" I asked. His eyes remain in the road as I looked at him. It's more comfortable this way. I'm sure kung haharap siya sa akin ay hindi ko na siya lilingunin. "Manila," he simply said. Humarap siya sa akin saglit kaya agad akong nagiwas ng tingin. "You?" Simpleng tanong ay bigla akong kinabahan. Kumalabog ang dibdib ko kahit sasabihin ko lang naman saan ako galing! I licked my lips and breathe slowly. Hindi ko pa sinabi kahit kanino na sa bansang Germany ako galing. "I lived in... Manila also..." I looked at him once before I blinked, "Before I studied in Germany for college and work for a year..." That seems like a very hard question! Halos maubusan ako ng hininga. Pwede ko namang sabihing abroad nalang bakit ko pa ba sinabing Germany? "And you came back because?" Akala ko ay wala na siyang itatanong. Mali Aisa! Dapat ay hindi ka nalang nagsalita buhat kanina. Ikaw pa ngayon huhukay sa libingan natin. Oh gosh! Because it's more fun in the Philippines? Iyon ang sagot ko sa mga bagong nakilala pero bakit parang hindi ko pwedeng isagot sa kaniya? Kailangan ko ng hangin! "I didn't like it there. Mas gusto ko parin dito." Diretso kong sagot at gusto kong palkpakan ang sarili. "I'm here for vacation before I go back to the city and find a job..." pag kumpleto ko para wala na siyang tanong. Gusto kong itanong kung wala ba siyang trabaho pero baka kung saan pa mapunta ang usapan kaya huwag nalang! Hindi rin naman nagtagal ang byahe at nasa plaza na kami. Dito rin iyong bus station tanda ko e. Hindi ko lang makita kung saan. "What are you going to buy here?" "Uhm, prepaid wifi sana..." sagot ko sa kaniya. Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay niya. "Sa mall ka dapat bumili kung ganoon," sabi niya sa akin. Napaisip naman ako. May mall ba dito? Malay ko ba! I licked my lips, "Uh, oo nga..." sagot ko nalang. "Pero diba dito ka may bibilhin? Dito nalang ako ituro mo nalang sa akin saan ba iyong mall dito?" Hindi naman siya sumagot at patuloy paring nagmaneho. Unti unti namang nawala sa paningin ko iyong plaza at patuloy parin siya. "Ayos lang naman sa akin, ako nalang ang pupunta doon..." sabi ko ulit pero mukha siyang walang naririnig. Nakatingin lang naman ako sa kaniya. Hindi siya nagsasalita at hindi ko alam kung bakit. Napairap na naman ako. "Damian!" I hissed. I saw how his jaw clenched. He looked at me. Badtrip na naman ang mukha niya kahit wala naman akong ginagawa? Hindi ako nagiwas ng tingin at tinaasan siya ng kilay. Nagagalit ba ito? I shouldn't provoke him baka mamaya ay anong gawin niya sakin? Hindi ko pa nga siya kilala! Tama! Kaya nga hindi dapat ako sumama sa kaniya ngayon diba? "A-Ano?" tanong ko, bahagyang kinabahan at nag iwas ng tingin. "Sasamahan kita." Sagot niya sa akin at patuloy na nagmaneho. I sighed for I don't know how many times. Kumabog na naman ang dibdib ko at hindi ko alam kung para saan. I played with my fingers and just stare at the view outside. Hindi na ako magsasalita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD