Chapter 3
Goodnight
"Aren't you have a debt to pay?"
I arched my eyebrows as I stopped and looked at him. Sinasabi ko nang mali na ang tumanggap ng tulong sa hindi mo kilala.
I looked at him with my annoyed face, "I told you I'll pay earlier but you didn't say anything. It's not valid anymore."
The side of his lips rose. Lagi talagang wala sa timing sila Jennie. Kung nakikita niya lang ito ngayon wala nang paglalagyan ang kilig niya. Bahagya ko namang sinilip kung nasaan sila at nakitang nakakumpol sila sa malayo at may pinaguusapan. Patingin tingin pa dito.
"I have something to ask..." The man in front of me said. He looks unsure of what to say.
Nahiya naman ako at umayos ng tayo pati narin yung facial expression ko. Baka akala niya ay masyado akong masungit kahit wala nang tatalo sa mukha niya.
Tumango ako ng bahagya, "Okay?"
"What should I buy for a girl's birthday gift?"
Gusto kong kamutin yung tenga ko para malaman kung tama ba ko ng rinig. I blinked twice as I look at him.
"Birthday gift?" Ulit ko pa. I saw him nod a little. "Babae?"
Mukha naman siyang nainis dahil inulit ko pa yung tanong niya na halatang narinig ko naman. Bakit kasi sakin siya nagtatanong? Ano ba iyon para sa girlfriend niya?
Wala nang pagasa si Jennie!
"Ano?" Tanong niya ulit at hindi ko alam bakit napa ismid ako.
Close ba kami at sakin siya nagtatanong? Buti nalang mabait ako!
"Para kanino? Girlfriend mo?" That didn't sound mabait though. Parang inis pa ko at hindi ko alam bakit!
Ayun na naman iyong mukha niyang hindi ko alam kung nangiinis o ano. I rolled my eyes, "Tinatanong ko para alam ko kung friend mo ba o girlfriend or pinsan or whatever! Iba iba kasi kapag gano'n!"
I heard him chuckle a little kaya umiwas ako ng tingin. Wala namang nakakatawa? Pero sige pagbibigyan ko siya kasi bago na namang expression 'yan baka once in a bluemoon lang iyan mangyari.
"I didn't say anything..." He said. Hindi ko na pinansin. Siya nalang itong nagtatanong pinagtatawanan pa ko. "It's for my sister. It's her eighteenth birthday nextweek."
I put my hair behind my ears and look at the sun while it sets. Sister! Kapatid niya pala bakit sakin siya nagtatanong? Anyway, ano nga ba pwedeng iregalo? Hindi ba uso sa Pinas yung pag nag d'debut may eighteen gifts, candle, and such.
Ang hirap nga isipan noon.
"Hindi para sa girlfriend," Sabi niya pa kaya tiningnan ko ulit siya. Nakatingin naman siya sakin na parang inaabangan kung anong itsura at sasabihin ko.
I make face and rolled my eyes, "Narinig ko! Sister!" Sabi ko sa kaniya. "Ulit ulit?" I whispered the last word.
"So? What do you think?"
I shrugged, "What is she like? You're her brother mas kilala mo siya ba't sa iba ka nagtatanong?"
"Girls know what girls want." he casually said like it's a quote. Pero infairness maganda iyong sinabi niya.
"I don't know if she's... into girly things or what-"
"Maarte? She's definitely that."
"I don't mean that!" Sagot ko, "You're so mean to her!"
He looked at me and I looked away. Nakangiti naman kasi siya and tao lang ako. Naiilang din kapag may gwapo.
"Aminado naman siyang maarte siya." Dugtong niya pa kaya umismid nalang ako.
"Anyway, she probably has those maarte stuff you mean. So, find a more significant one."
Napatigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya ako sa braso at iatras. Agad akong napatingin sa kaniya at nakatingin naman siya sa baba. I saw that the water level probably rises kaya muntik na kaming abutan.
Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako sa hawak niya. My heart beats faster. Nakakatakot ba iyong tubig Aisa? Umayos tayo ha!
"Significant one? Like?" tanong niya ulit na parang normal lang iyong ginawa niya.
Napalunok naman ako at nabalik sa wisyo. I blinked and act like thinking.
"Find her a boyfriend?" Sagot ko.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. I almost laughed.
"Is that significant?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "She's so young for that!"
I laughed at him. Seryosong seryoso ang mukha niya akala mo naman kung anong mangyayari sa kapatid niya. Isa pa eighteen na!
"I'm just kidding!" I said, "Pero legal age na iyon anong bata pa?"
He sighed at me shook his head, "That's still young."
The sun already set. A shade of darker color is fighting against the orange one. Lumingon ako sa katabi ko at nakitang nakatingin siya sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Wala naman ata akong makukuhang sagot sa'yo." He uttered. Natawa naman ako do'n. He looks so serious. Bilang mo lang talaga kung gaano katagal siyang magiba ng expression.
"You know her more! Tsaka doon ka sa mga kaibigan niya mag tanong. Bakit kasi sakin?" Natatawang sabi ko.
Hindi naman niya ako pinansin at nanatili ang tingin sa harap. "Gusto lang ata ako kausap." Dugtong ko pa sa mas mahinang boses.
"Pwede rin,"
I looked at him surprised. Mukhang inaasahan naman niya iyong reaksyon ko dahil nakangiti na siya ng nangiinis. Hindi ko alam kung alin uunahin ko. Yung sagot niya na oo nga gusto niya kong kausap o yung nag l'level up yung mga salita niya?
Parang kaninang umaga lang parang napipilitan lang niya kong kausapin!
I was about to say something when I heard someone called me. Timing! Sabay kaming lumingon sa kanan. Napansin kong mas dumami ang tao ngayon sa labas. The wind is much softer, too.
I saw Manang Tess walking towards us. A smile is plastered on her face and I can't help but smile back. Hindi pa man nakakalapit ay nagsalita na siya.
"Oh! Magkasama pala kayong dalawa! Naku! Mukhang nagkamabutihan agad kayo, ah?" bungad niya sa amin.
Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako doon o ano. I can't see if her face is valid of any malicious thought or what kaya hindi ako nakapag salita agad.
"Kamusta iyong lakad niyo kanina?" dugtong niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Her eyes are directed to me and I immediately answered.
"Maayos po. Nahanap ko naman po iyong bibilhin."
"Mabuti naman kung ganoon. Ah, sasadyain ko dapat kayo dahil may kaunting salu salo doon sa bahay, hali kayo!"
Bahagya naman akong nagulat at napatingin sa katabi ko, hindi naman sa ayoko pero nakakahiya. Hindi ko pa naman kilala ang mga tao dito.
"Huwag na kayong mahiya. Tara na. Mabuti nga ito at ng may kasama kayong kumain. Parehas pa naman kayong magisa sa bahay."
Hindi naman na ako nakapag salita at sumunod nalang ng lakad sa kaniya. Itong katabi ko naman ay ganoon din. I stop midway nang maalalang hindi ko dala iyong cellphone ko, lumingon ako sa bahay hindi alam kung babalik ba ako o huwag na.
Baka naman kasi tumawag si Maeve. Huwag na nga! Mas nakakahiya kung babalik ako tapos pagpunta ko kila Manang Tess mag isa ako. Lumingon na ulit ako para tumuloy nang muntik na kong mabangga.
"What?" I stutter. Nakaharang kasi itong si Damian na parang hinihintay ako. Matagal ba kong nag isip?
"Why? You don't want to go?" he asked with, again, his serious tone.
"No..." his eyebrows shot up. "Hindi ko kasi dala iyong cellphone ko baka... wala tara na!" sabi ko nalang.
"May hinihintay kang tawag?" seryoso parin niyang tanong.
"Hindi! Wala!" sagot ko at hinawi na siya sa dadaanan. Hindi naman siya gumalaw ako rin iyong nag adjust. Ang laki naman kasi.
"Boyfriend?" he asked more and I stopped just to looked at him. Seryoso siya! Gusto kong matawa pero kinunotan ko nalang siya ng noo. Chismoso din siya.
"Hindi!" sagot ko at naglakad na ulit. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.
"You can use my phone if it's urgent-"
I sighed and looked at him. Ang daldal niya ngayon! "Wala akong boyfriend!" I hissed at him. I annoyingly looked at his reaction. He looks... amused. Nakangiti na naman siya.
Mayroon nga siyang iba't ibang expression hindi naman akma iyong pag gamit.
"Ano?" Tanong ko pa, "Ang daldal mo ngayon,"
"Ngayon mo lang ako nakausap." Sagot naman niya.
"Mukhang ayaw mo kasi akong kausap!" I fired back. Bakit ba mukha kaming nagaaway dito? Infairness ang dami niyang sinasabi,
He advances his steps to me at napaurong naman iyong mukha ko, "I went earlier just to talk to you," he casually said to me and I just stare and blinked. What? He smirked at me and I avoided his gaze.
Tumingin na ako sa harap at nakitang wala na si Manang Tess doon. Syempre ang dami naming dada nitong kasama ko. Napansin ko naman sila Jennie doon na nakatingin sa amin, pati iyong mga lalaki kanina na kaibigan nila.
I saw James too and they all looked at us like we're some sitcom or what. I looked at Damian and rolled my eyes on him. Papansin! Dumiretso na ako ng lakad at hindi siya pinansin.
Nagmumukha tuloy akong bad kapag siya ang kasama. Kung anu ano naman kasing sinasabi! Nang makalapit ay agad kong pinuntahan sila Lisa.
Magsasalita palang ako nauna na siya.
"Tara na Aisa pasok tayo! Magkasama parin pala kayong dalawa!" malakas na sabi ni Lisa na hindi ko alam kung nangiinis o ganon lang talaga siya. Feeling ko iyong una.
Pumasok naman na din ako sa loob. Manang Tess house is a combination of white and brown. Hindi malaki pero hindi rin maliit. Sakto lang para sa isang buong pamilya.
Sa kanan ay iyong sala at sa bandang kaliwa naroon ang dining. Nagpunta kami doon at umupo na. They have a long table there good for ten people. Siguro ay lagi silang sabay sabay nila Lisa dito.
Napansin ko iyong dalawang babae at lalaking nagyon ko lang nakita. I smile politely at them nang magtama ang paningin. I don't know how to approach it!
"Mama! Ito nga pala si Aisa. Nabanggit ko na siya sa inyo, iyong nakatira jan sa may rest house." Jennie saved me by butting in. So that's her mom. "Aisa, ito Mama and si Papa, Lory, and Phillip. At iyon naman si Tita Grace and Tito Joseph, parents ni Lisa..." she introduced me and I awkwardly say hi to them.
Ganoon din ang ginawa noong kasama ko. Pinaupo naman na kami. I sat beside Lisa and on my right is Damian. Kaharap naming iyong mga magulang nila while Manang Tess is on the center. There are many filipino foods on the table and they all looked yummy!
Hindi ako masyadong nakakakain ng filipino food noon unless mag luto sa bahay.
Hindi ko alam kung anong mayroon at nakakahiya din naman na magtanong. Kung hindi lang maingy itong si Jennie at Lisa ay sobrang awkward nito.
"Nagtataka siguro kayo anong mayroon." Mabagal na sabi ni Manang Tess, "Birthday ng asawa ko ngayon..."
My eyebrows shot up, "Oh..." Where is he now? I wanted to asked pero hindi ko naman magawa. I looked at Lisa.
"Patay na si Lolo matagal tagal na din," sagot niya sakin kahit hindi ko naman sinaboses iyong tanong tanong ko.
"Oh, sorry..." I whispered softly and looked at Manang Tess. Nakangiti lang naman ito sakin.
"Kayong dalawa iyong nakatira sa bagong bahay diyan? Newlywed?" muntik Nakong masamid sa sariling laway sa sinabi noong Papa ni Lisa! Buti nalang hindi pa nagsisimulang kumain.
"Papa! Siya iyon doon sa bagong bahay. Si Aisa doon sa rest house na katabi." Paliwanag ni Lisa na medyo nataranta pa sa sasabihing pangalan ni Damian kaya hindi na nasabi.
"Oh, so hindi kayo related? Akala ko magasawa kayo..." dugtong pa ng Papa niya at napangiti nalang ako at iling.
"Hindi po..." mahina kong sagot at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Damian. Tiningnan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Pasensya na," natatawang sabi noong Mama naman ni Lisa, "Ano nga ang pangalan mo hijo?" tanong naman niya.
"Damian po,"
I wanted to hiss. Ang bait!
"Ikaw iyong nagpagawa ng bahay diyan? Bakit? Ikakasal kana ba?" Iyong Papa naman ni Jennie ngayon ang nagtanong.
"Papa ang chismoso!" nagbibirong sabi ni Jennie. I smiled as I realized how close they are to their family. Nabalik naman ang tingin ko kay Damain at naghintay din ng sagot.
Lumingon din naman siya sa akin at ako naman ang nagtaas ng kilay, "Hindi po. Wala pa po akong balak magpakasal." Seryoso niyang sagot and I looked away while chewing my inner cheeks.
Wala pang balak pero may girlfriend? Balak lang ang wala?
"Pero mayroon kang girlfriend?" iyong Mama naman ni Jennie ang nagtanong.
Talk show ba ito?
"Si Tita alam na alam iyong mga gustong ipatanong nung anak!" singit na naman ni Lisa kaya natawa din ako. Parang gusto ko rin iyong tanong.
Nakita ko naman ang pag siko ni Jennie kay Lisa. Manang Tess laughed.
"Wala po..." sagot ni Damian pagkatapos, I looked at him suspiciously. Wala? "Naghahanap pa po ng pakakasalan," sagot niya nang nakatingin ng nakakaloko sakin. I rolled my eyes.
Sus! Pafall. Hindi ko alam na ganoon parin ang ways dito sa Pinas ha.
"I volunteer as a tribute!" malakas na sabi ni Jennie na ikina tawa ko. Oh my gosh! Hindi ko kaya yon!
"Jennie! Maghunisdili ka nga!" Manang Tess said while laughing.
Nakita ko naman ang pagiling ng magulang niya pero nangingiti.
"Akala ko ba kay Aisa na?" natatawang tanong ni Lisa saka ako siniko. Nanlaki naman ang mata ko.
Bakit ako? Tinampal ko naman siya sa braso. "Anong ako!" I whispered harshly. Natawa siya sa reaction ko. Hindi ko naman na tiningnan si Damian dahil sigurado nakakainis lang ang mukha niya.
After some more talks ay nagsimula na kaming kumain. Lisa and Jennie's parents are all welcoming and talkative. Napagalaman kong iyong Mama ni Jennie and Papa ni Lisa ang anak ni Manang Tess and Lisa is older than Jennie.
Parehas lang din silang only child. Good thing, they grew up together so it wasn't that lonely.
Even though I am an illegitimate child, I'm happy to get to know Giovanni and Penrose. It's hard to live this life but it's possible because I have them.
Pagkatapos ng hapunan na iyon ay nagkwentuhan pa ulit kaya medyo ginabi na kami ng uwi. Well kami lang naman ni Damian iyong aalis na. Sila ay doon lahat. Magkakatabi lang ang bahay nila doon and it's cute.
Magkakasama parin sila kahit may mga pamilya na. Ayaw daw kasi iwan nung mga anak ni Manang Tess sila nang asawa niya noon kaya hindi umalis sa bayan na to.
I wasn't talking while Damian and I are still walking. The stars are very visible from here. Halatang wala masyadong air pollution dito. The crescent moon is shining brightly with its stars. Like a painting on a canvas.
I suddenly missed painting. Bukod sa fashion designing ay isa iyon sa hilig ko. I really like arts, I think. Kapag wala akong ginawa ay iyon ang pinagkakaabalahan ko. Sayang dahil wala akong nadala sa mga gamit ko doon.
I looked at Damian to tell him to buy her sister a necklace or any accessories nalang kung wala siyang maisip but his phone suddenly rang. I looked away when he answers it.
Huminto siya kaya napahinto din ako, he looked at me and I turned my eyes at the water. Kahit wala akong makita.
"I'll be home before then. Yes, we'll meet- fine, I'll meet you before then," napansin kong halos nasa tapat na kami ng bahay niya. I looked at him and he's still on the phone.
Sino ba iyon? He's speaking in a soft tone and I never heard it. Girlfriend niya? Sasabihin kong naghahanap siya ng mapapangasawa dito! Napaka loyal!
I sighed and turned away. Bahala na nga siya dyan bakit ko ba siya hinihintay. Naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Gusto ko sanang lingunin si Damian pero bakit naman.
Halos napatalon naman ako sa gulat nang may humawak sa braso ko. I sighed in relief when I saw Damian. "Ano?" mataas ang boses na sabi ko.
Nanatili naman yung kamay niya sa braso ko. Kinabahan ako do'n! His eyes pierce through me. Ayon na naman sa seryoso niyang boses. Parang kanina lang parang maamo magsalita ah!
"Bakit ka umalis?" Tanong niya na parang hindi ako muntik atakihin sa puso! Para pa siyang galit. Moody din ang isang ito. O depende sa kausap yung tono ng boses.
I rolled my eyes, "May kausap ka kasi?" I sarcastically said. Saka hinawi iyong kamay niya. We're talking too much today. We don't even know each other.
He sighed and nodded. Nanatili naman siyang nakatayo sa harap ko. Problema nito? Lumingon ako sa ibang direksyon. May tanong na naman ba to o ano?
"Goodnight," he said slowly.
I blinked and licked my lips. Iba yon ah. I looked at him with my eyebrows questioning. Mabait naman pala siya?
"Yeah, goodnight." I tried hard not to stammer. Close na ata kami? Hindi parin naman siya umalis sa harap ko.
He motioned me to go inside. Teka, baka may masama tong gawin sakin at nagmamasid lang? Nagmamanman ganon. Ang galing nga niya hindi ko namalayan kanina na nakalapit na siya.
Tinatakot ko na naman sarili ko. "Go inside..." he said.
I nodded, unsure. "O...kay," I replied and turned against him.
Agad akong naglakad at pumasok sa loob. I sighed heavily when I get inside. Hindi ko na sinilip kung umalis na ba siya. Baka ano pa isipin no'n. Agad ko namang hinanap kung saan ko nalagay yung cellphone ko.
Inangat ko iyong kumot at natagpuan iyon doon. I saw several calls from Maeve. Agad akong nagtaka at natakot na din. I opened her messages.
From: Maeve
Nasaan ka?
Bakit hindi ka sumasagot?
I am nervous right now!
I'm going to call Giovanni if you still don't answer!
Eleocaisa!!!
Oh my gosh! She's going to kill me! Agad kong tinawagan ang number niya kahit hindi pa ko nakapaghanda sa sermon niya.
"Aisa! What the hell? Where were you!" sigaw niya agad nang masagot ang tawag.
Medyo nilayo ko pa iyon sa tenga ko. I clenched my fist softly and licked my lips. "I was out..."
"Out where?! Grabe yung kaba ko akala ko napano ka na or natunton ka na nila or something!" mabilis niyang sabi. Gusto kong matawa pero baka lalo siyang magalit sakin.
"Dito lang Maeve sa labas-"
"At sino namang kasama mo?" putol niya agad.
Unang pumasok sa isip ko si Damian pero hindi iyon magandang banggitin! Naloloka ako.
"Yung... apo ni Manang Tess,"
"Ang tagal sumagot ha? Sigurado ka diyan?"
Napairap nalang ako kahit hindi niya nakikita, "Oo! Sino namang iba kong sasamahan dito?"
"Malay ko Aisa! Anyway, malalaman ko rin iyan. I will go there!"
"Really? When?" I excitedly asked. Gusto ko sanang itaas ang paa ko sa bed para yakapin pero madumi pa.
"Next week! Malalaman ko kung may pogi ka bang kinakasama dyan!"
"What? Kinakasama? That's too much! And sabi ko sayo wala!" deny lang ng deny. Pogi naman kasi si Damian pero hindi naman iyon taga rito kaya hindi ako sinungaling.
"Whatever. Pero tinawagan ko talaga si Kuya Giovanni." Mabagal niyang sinabi iyong huli.
"What? Anong sinabi mo?"
She sighed and chuckled a little, "Syempre hindi ko naman diniretso. Nagtanong tanong lang ako at mukhang wala siyang alam kaya hindi na ko nag dig deeper. Namamasyal ka lang pala dyan! Aatakihin ako sayo!"
"I'm sorry..." sabi ko naman. I understand her sentiment. Hindi nga naman madali itong sitwasyon namin.
"It's fine, huwag mo nang uulitin! I need to contact you every time if possible!"
Napangiti naman ako sa kaniya. I am really grateful to her. And dami na niyang nagawa pa sa akin. Kahit wala naman siya mapapala dito.
"Thank you, Maeve..." I said slowly.
Hindi naman agad siya nakasagot I heard her sighed. "Just be careful..."
I nodded, "I miss you... and Kuya, even Penrose kahit mainitin ulo niya..."
"Everything will be fine. Isa pa, nasa Paris nga pala yung kuya mo. I contact him through i********: pa!"
Napakunot na naman ang noo ko. "Paris again? Favorite niya do'n! Hindi ko mabilang ilan sa isang taon iyon do'n."
The call went on for an hour or so I guess. I am really happy I'll get to see her again. Ilang araw palang ako dito pero ang lungkot na. Hindi ako sanay mag isa sa bahay. Kahit kasi wala sa bahay madalas si Giovan, the helpers are always there. Parang pamilya ko na rin iyong mga yon.
After the talk ay agad akong nag ayos at naligo. I was ready for the bed when I decided to look outside. Madilim na pero dahil sa ilang lam post ay may nakikita parin sa labas.
The sound of waves is calming. Issa iyon sa nagustuhan ko ditto. Parang lagi akong may pampatulog. The waves though they may be harsh, help me. Kung pwede lang ganito nalang lagi. Oh kung dito nalang ako.
Kung pwede lang huwag ko nang isipin iyon problema ko at takbuhan nalang. It's near to impossible too, taking steps to fight against my Dad. Kapag nalaman o nahanap niya ako, I don't know what he'll do.
I cannot rule out that he'll be harsh, very harsh, dahil nagagawa nga niya akong saktan. But I cannot stop here. I didn't come here to just stop here.
Pero kahit ganito, still, I gain some friends and I'm happy for that. Kahit hindi naman ako yung may ari nitong bahay or they didn't even know me much, they welcomed me. That's enough proof that some people really have a good heart.