Mhieco's POV Sinuntok ko ang pader ng kwarto na huling ginamit ni Denny sa loob ng safe house. Hindi ko akalain na magagapi ako ng galit sa ganitong paraan. Nandoon na chance ko para malaman ang katotohanan. Nandoon na ang chance ko na malaman kung sino ang pumatay kay Papa pero pinakawalan ko lang. Why did I fvcking lie to her? Bakit kailangan ko pang pahabain ang paghihintay ko. Tang*na! Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Walang kagana-ganang kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag ni Tito Darrel. "What happened? Akala ko ba ay ngayon mo aalamin kung sino ang pumatay sa papa mo? What did you do?" nang-aakusang tanong sa akin ni Tito Darrel mula sa kabilang linya. Napabuntonghininga lang ako at napahilot sa aking sentido. "I don't think s

