Mhieco's POV Denny… hintayin mo ako… "Siyam…" patuloy na pagbibilang ng hindi kilalang tao mula sa kabilang linya. Nasa may harapan na ako ng pinto. Hindi na ako nagdalawang-isip at kaagad na sinipa iyon upang buksan kaagad. "Sampu…" pagtatapos niya. "Game over, Mhieco…" bulong niya nang marating ko ang loob ng apartment. Hingal akong napaluhod. Hapong-hapo ang katawan ko habang nakikita ang gulat na mukha ni Denny na nakahawak sa pitsel na may lamang tubig. Pagkatingin ko ay nakapaglatag na ng dalawang plato sa mesa. Nilibot ko pa ang mga mata ko. Walang ibang tao. Walang makikitang matinding takot sa mga mata ni Denny. Ibig sabihin, walang lumapit sa kanya na kung sino. I suddenly heaved a sigh of relief afterwards. Napapikit ako. Damn! I almost lost my mind earlier. Akala ko ay ma

