Mhieco's POV "Ano bang balak mong gawin?" tanong niya sa akin. Nakaupo kami sa may veranda habang umiinom ng kape. Marami kaming napag-usapan at halata ko namang naghahanap lang ng tiyempo na mapag-solo kaming dalawa. Nag-angat ako ng tingin kay Sandro Salatandre, ang ama ni Denny. Seryoso ang kanyang mga titig at halatang nanghuhuli. Ako naman ay napangisi lang nang bahagya at inilapag ang mug na ininuman ko. "Ang alin po?" "I am not blind, hijo. Alam ko kung kanino kang anak. Alam ko kung anong dahilan ng paglapit mo sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit inilayo ko nang husto si Denny sa lahat ng problema dahil alam kong wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pero sinasabi ko sa iyo… huwag ang anak ko…" pagbabanta niya. Napaangat naman ang kilay ko. So, kilala niya ako? My cover

