Denny's POV "Ano nang plano mo?" tanong iyon sa akin ni Suzy habang kinukunan ko siya ng dugo sa kanyang braso. Pagkatapos kong malinis ang pinagturukan ko at pinahawak ko sa kanya ang bulak na nakatapat sa pinagturukan para matigil ang pagdurugo. Nakasuot ako ng mask at tahimik lang na nagpatuloy sa aking trabaho. Nagpunta kasi si Suzy rito sa clinic ko dahil isa siya sa nagpa-appointment. Napabuntonghininga muna ako bago siya binalingan. "Anong plano ba ang sinasabi mo?" patay-malisya kong tanong sa kanya. Iniligpit ko na ang mga gamit sa harapan namin. "You know what I mean, Denny. Ilang araw na kayong hindi nag-uusap ni Mhieco. Sigurado ka bang wala kang balak na kausapin siya?" pagpapatuloy pa niya. "After what happened between you and Philip, wala ka bang gagawin para linawin sa

