Denny's POV Napasinghap ako kasabay ng pagbangon ko mula sa aking pagkakatulog. Hingal na hingal ako habang napasapo sa aking dibdib. Pawisan ako habang nahintakutan sa aking panaginip. Bakit ako biglang nanaginip nang ganoon? Bakit biglang bumabalik ang mga alaala ko noong araw na iyon? Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na iyon aalalahanin pa. Iyon ang parte ng nakaraan ko na ayoko nang balikan. Ayoko nang balikan pa ang bangungot na iyon. Iyon talaga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ayoko pang mag-asawa. Pakiramdam ko ay babalik muli ang mga nangyari kapag sinubukan kong umibig muli. Pero heto na nga ang sinasabi ko. Bumabalik na naman ito sa akin. Ibig sabihin ba nito, talagang umiibig na ako kay Mhieco? That thought only worsen my fear. Paano kung masaktan ako ulit s

