Mhieco's POV Nakita ko ang umiiyak na si Denny habang kayakap niya si Ms. Tesa. Gusto kong lumapit at yakapin siya. Gusto kong pawiin ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kung ito lang din ang magiging paraan para mas maprotektahan ko siya ay titiisin ko. Hintayin mo ako, Denny. Aayusin ko ang lahat saka kita babalikan. Patawarin mo ako... Iyon lang at mabilis akong tumalikod. Bumalik ako sa sasakyan ko at kaagad na umalis sa lugar na iyon. Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero nakiusap na ako kay Tito Darrel na tulungan si Denny habang nilulutas ko pa ang problema ko sa naniniktik sa akin. Bumalik ako sa hideout ni Jeric pagkatapos niyon. Sinabi kasi nila sa akin na may lead na sila kung saan mad

