PINAPAIWAN na ni Ate Jenny ang kotse ko at doon na ako sumakay sa sasakyan nila. "Alam mo, Belle. Maganda ka, batang-bata, at mayaman. Kapag niloko ka ng asawa mo, hiwalayan mo agad. Aba, huwag mo ibaba ang p********e mo!" aniya ni Ate Jenny na panay nguya ng chewing gum. Napatitig naman ako sa dog tag na suot niya. Ang alam ko pulis ito at sundalo naman si Ate Zia. Gosh! Sobrang ganda nila pero sobrang nakakatakot sila. Si Ate Zia, kilala ang Daddy niya na nakakatakot na negosyante. Sobrang yaman din nila. Si Ate Ziena naman, kilala rin ang pamilya nila at lalo na ang Daddy niya na napakagaling na abogado. Si Ate Jenny naman, kilala naman ang Daddy niya na napakagaling na surgeon. Sino mag-aakala na ang mga kaibigan ni Geo ay mga bilyonarya at bilyonaryo. Sobrang bait din nila. "P-P

