Chapter 2

1326 Words
"BELLE?" Napalingon naman ako kay Mommy. "Mom?" "Next month na ang kasal niyo ni Geo. Minamadali na ni President Gabriel," nakangiting saad ni Mommy. Tuwang-tuwa na lumapit naman ako kay Mommy at niyakap ito ng mahigpit. "Promise, Mommy. Gagampanan ko ng mabuti ang pagiging house wife ni Geo," matamis na ngiting saad ko. "Yes, baby. Alam kong magiging isang mabuting asawa ka. Huwag lagi kalimutan magdasal, okay?" "Opo, Mommy. Salamat po sa lahat-lahat na ginawa niyo ni Daddy." "Basta para sa nag-iisang prinsesa namin, ibibigay namin ang lahat." Napakasuwerte ko. Napakabait at mapagmahal ng sobra ang magulang ko. Kahit mayaman kami, hindi naman ako maluho. Kahit papaano, ang pagtatapos ko sa kolehiyo ay with a flying colors, isang magandang regalo na maibigay ko sa kanila. Naging abala na rin ako sa nalalapit na graduation. Minsan ko na lang din nakausap si Gabby. Abala na rin sa graduation niya. "Yaya, pakisabi kay Mommy na pupunta muna ako sa bahay ni Geo," saad ko Yaya. Balak ko kasi surpresahin ang mapapangasawa ko. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Uuwi ka pa ba? Or doon ka matutulog." "Bahala na po. Tatawag na lang ako mamaya," nakangiting sagot ko naman. Hindi naman ako pinagbabawalan ng mga magulang ko na makitulog sa bahay ni Geo. Total naman ilang linggo na lang, ikakasal na kami. Walang katulong sa bahay ni Geo. Mag-isa lang ito nakatira sa napakalaking bahay niya. Nag-doorbell muna ako sa mataas na puting gate. Nakaparada naman ang kotse ko sa gilid ng daan. Pagbukas ng gate, bumungad agad ang nakakunot niyang noo. "Ipagluluto sana kita," nakangiting saad ko rito. "I'm busy," aniya na isasarado sana ang gate. "Ehhh..Geo!" "What?!" Nakanguso naman akong nakatitig sa napakaguwapong mukha ng binata. "Samahan mo akong mamalengke. Then, magluluto ako habang magtatrabaho ka." "Huwag ka makulit, Maybelle!" inis na sigaw niya sa akin. "G-Gusto ko lang naman ipagluluto kita! Malapit naman tayong magpapakasal!" mangiyak-ngiyak na saad ko naman sa binata. Napahilamos ito ng mukha at tumalikod na. Sumunod naman ako sa loob. Napamangha naman ako sa ganda ng disenyo ng bahay ni Geo. Sobrang maaliwalas ito. "Magbibihis lang ako," aniya at tiningnan muna ako sa ulo hanggang paa. "Sa club ka ba pupunta? Bakit gan'yan ang suot mo?! Kita na ang kaluluwa mo diyan!" galit na sigaw niya sa akin. Tiningnan ko naman ang aking sarili. Nakasuot ako ng sobrang iksi na skirt at tube na kita naman ang ang aking pusod. "U-Uso kasi ang ganitong-..." "Hindi tayo aalis kapag gan'yan ang suot mo! Palengke ang puntahan natin!" Nakasimangot naman akong nakatingin rito. "Wala akong baon na damit!" "Wait me here," aniya na umakyat na ito sa taas. Habang nasa taas pa si Geo, nag-ikot-ikot muna ako sa sala. Wala naman halos nakalagay sa sala ng binata. Isang malaking frame ng kanilang pamilya ang nakasabit. Napangiti naman ako na nakatingin sa malaking litrato. Halos magkahawig si Gold at Geo. Same eyes. Same lips and pointed nose. "Ito ang suotin mo." Napalingon naman ako kay Geo na hawak-hawak ang malaking t-shirt at pantalon. "Ayoko niyan!" inis na saa ko naman. "Ang arte mo, Maybelle. Ayoko ng maarteng asawa!" Inis na hinablot ko ang pantalon at t-shirt. "Nasaan ang comfort room?" tanong ko sa binata. "Why? You can change your clothes infront of me. Fiancee na kita. Wala naman masama na makita ko iyan," aniya na nakataas pa ang dalawang kilay. "H-Hindi pa tayo kasal! A-At magagalit si Mommy!"dali-daling tumalikod ako at naghanap ng comfort room. Agad ko naman ito nakita na malapit sa kitchen. Mabilis akong naghubad at sinuot ang pantalon. Bago pa ang pantalon. At kasyang-kasya ito sa akin. Ang t-shirt naman ay malaki ito sa akin. Tinali ko lang ito sa harapan at nakalabas ng kaunti ang aking impis na tiyan. Pagbalik ko sa sala, komportable lang nakaupo si Geo. "Disente ka nang tingnan," aniya na tumayo na ito at dumiretso lumabas. Nakasunod naman ako sa kan'yang likuran. "Kotse mo na lang ang dalhin natin," aniya na sumakay na ito sa driver seat. Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Pero hindi ko talaga mapigilan ang aking bibig. "Geo?" "Yes?" "Ahmm..may girlfriend ka ba?" "Yes." "P-Puwede ba hiwalayan mo na siya? K-Kasi malapit na tayong-.." "Kasal lang tayo sa papel, Maybelle. Meaning...ginawa ko lang ito dahil sa kagustuhan ng both parents natin." Yumuko naman ako kinukurot-kurot ang aking palad. Nasasaktan ako. Ibig sabihin, ako lang talaga ang nagmamahal sa amin.. "Ano ba ang lulutuin mo?" tanong ni Geo na tumingin ito saglit sa akin. "Chicken," maiksing saad ko naman. "Chicken, what?" "Tinola,"mahinang sagot ko at tumingin sa labas ng kotse. "B-Bakit dito? Sa Mall na lang tayo mamalengke," nakangibit na saad ko sa kay Geo. "Mas mura dito. Mamalengke ka na, dito na lang kita hintayin sa kotse," aniya na nakasandal na ang ulo sa upuan at nakapikit na ito. Nagdadabog naman akong lumabas at pabagsak na sinarado ang pinto. "Kainis kang Koreano ka!" sigaw ko at pumasok sa loob ng palengke. Palinga-linga pa ako at nandidiri na nakatingin sa aking tinatapakan. Pumunta muna ako sa gulayan at bumili ng sayote. Talagang sinaulo ko pa ang ilalahok sa tinolang manok. "Pabili din po ng luya at dahon ng sili," saad ko sa tindera. "May manok din ako, Ma'am. Native ito at madali lang palambutin," aniya ng tindera sa akin. "Sige po," nangingislap naman ang mga mata ko na nakatingin sa buhay na manok. "Four hundred lang iyan, Ma'am." Agad ko naman inabot ang bayad. "Keep the change na lang po," saad ko sa tindera at kinuha na ang manok na nakalagay sa net bag. Malapad naman ang ngiti ko na bumalik sa sasakyan. Agad ko na itong diniretso sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ko. "Let's go,"masayang saad ko kay Geo. Excited na ako ipagluluto ang binata. "Nasaan na ang pinamili mo?" tanong niya sa akin. "Doon ko na nilagay sa likod ng sasakyan." Agad naman pinaandar ng binata ang kotse. Pagdating sa bahay agad akong bumaba at kinuha sa likod ng kotse ang manok. "What the hell, Maybelle!" gulat na saad ni Geo na nakatingin sa manok na dala-dala ko. "Magluluto ako!" inis na nagmamartsa ako papasok sa kusina. Nakabuntot naman sa aking likuran si Geo. "Bakit iyang buhay ang binili mo?! Paano mo iyan kakatayin?!" sigaw niya sa akin. Nakapamaywang na humarap ako rito. "Alam ko kumatay ng manok. Nakikita ko kay Yaya kung paano niya ito kakatayin." Kumuha muna ako ng kaserola at nag-init ng tubig. After ko nagsalang ng tubig, hinanda ko ang kutsilyo at maliit na mangkok para lagyan ng dugo. Kinuha ko naman ang manok at tinanggalan ito ng tali. "Holy Christ!" sambit ni Geo na nakatingin sa akin. "Hawakan mo ang dalawang pakpak niya, gigilitan ko ng leeg," nakangiting saad ko rito. Nakakanganga naman itong nakatingin sa akin. Kalaunay lumapit ito sa akin at hinawakan ang pakpak. Tinanggalan ko naman ng balahibo sa leeg ang manok. "K-kailangan pa bang gawin iyon?" aniya na awang-awang ito nakatingin sa manok. "Yeah. Bibilang ako ng tatlo at gigilitan ko kaagad ang kan'yang leeg," mahinang saad ko rito. "Damn! Anong kalokohan itong ginagawa mo!" diin na saad niya na ikinasimangot ko. "Isa...dalawa..tatlo.." binigla ko naman ginilitan ang leeg ng manok pero bigla itong pumalag ng malakas at nakawala ito. "Ay..Geo! Habulin mo..habulin mo!" Nagsisigaw na saad ko. "Putang-ina! Maybelle, ikaw talaga ang gigilitan ko ng leeg!" Agad naman hinabol no Geo ang manok na kahit nakalaylay na ang leeg patuloy pa itong nakatakbo. Bitbit ang kotselyo, hinabol ko rin ang manok. Puno na ng dugo ang sahig. "Ay..Geo..nasa sofa na!" Taranta namang tumalon ito at dinakma ang manok sa leeg. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nahuli na ito. "Unang araw pa lang ng pagsisilbi mo sa akin, palpak na agad!" Sigaw niya na pulang-pula ang mukha. "G-Geo?" kagat-labing tawag ko rito. "What?!" "A-Ang chicken. N-Naiwan mo ang katawan niya sa sofa. Ang ulo lang bitbit mo," nakangibit na saad ko rito. "Maybelle!" nagbabaga ang kan'yang mga mata na nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD