Alex's Pov Naramdaman ko ang paghaplos ng kung sino mang pangahas sa aking mukha nang pagbalikan na ako ng aking malay. Agad na bumalik sa aking isip na may taong nagtangkang patayin ako sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa aking mukha para hindi ako makahinga. Hindi kaya ang taong ito ang humahaplos sa aking mukha? Baka naisip ng taong ito na gahasain muna ako bago patayin, kinakabahang sabi ko sa aking isip. Hindi ako papayag na gawan niya ako ng masama. Mas gugustuhin ko pa na patayin niya ako kaysa ang gahasain. Sa isiping iyon ay basta ko na lamang hinuli ang kamay na humahaplos sa aking pisngi at mariing kinagat. Napasigaw ng malakas ang taong may-ari ng kamay. Uriel? Mabilis kong binitiwan ang kamay ng inaakala kong masamang tao nang mabosesan ko ang tinig ni Uriel. Agad kong

