Alex's Pov Bahagya akong umungol nang pagbalikan na ako ng aking malay. Nakahiga na ako sa ibabaw ng kama ni Uriel at nakasuot ng tuyong damit. Nakita ko siyang nakatagilid sa akin at nagpipiga ng isang face towel. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang nagbihis sa akin ngunit hindi ko magawang magsalita dahil tila minamalat ang aking boses. Hindi ko rin magawang kumilos dahil tila wala akong lakas para gawin iyon. Pakiramdam ko rin ay tila lumilindol ng bahagya dahil parang gumagalaw ang aking paningin. Nang bumaling sa akin si Uriel ay natuklasan niyang gising na pala ako. "Mabuti naman at gising ka na, Alexa. Mataas ang lagnat mo kaya kailangan kitang punasan. Kailangan mo ring uminom ng gamot para bumilis ang pagbaba ng lagnat mo," ani Uriel na tila may pag-aalala sa kanyang tinig. N

