Nasa bahay na nila Sheena ang magkakaibigan at naghahanda na para sa mga lulutuin nila at dahil likas na mahilig naman siyang magluto kaya siya ang magluluto sa mga dishes na ihahanda nila katulong niya ang dalawa sa pag gagayat ng mga rekado at nakitulong na rin ang lola niya. "Apo ano ba talaga ang meron at mukhang espesyal ata ang lulutuin mo?" Tanong ni lola Lydia. "Eh la dito po kasi mag hahapunan si Keirby." Sagot niya na bumaling dito habang nag-gigisa na para sa kaldereta. "Ganun ba, eh mukha talagang seryoso na kayo sa isat isa ni Keirby ah, at ang sabi ng lolo mo ay binabalak nyo na daw magpakasal?" Tanong pa nito. Biglang nagkatinginan sina Gracia at Sassy sa tanong ng lola niya. Kaya palihim na pinandilatan niya ng mata ang mga ito. "H-hindi pa naman po yun sigurado la,

