Still kanin's POV
***KINAUMAGAHAN***
Gaya ng dati Kong ginagawa sa Umaga ay naligo na ako atsaka kumain at nag simula nang bitbitin ang bilaong may lamang kakanin na gawa ng aking mader.
"KAKANIN! KAKANIN KAYO DYAN!"
"BILI NA KAYO BAGONG LUTO"
"KAKANIN, KAKANIN KAYO DYAN MGA SUKI!"
Yan ang mga sigaw ko habang naglalakad at natutuwa naman ako dahil marami ang bumili. Bukod Kase sa suki Namin sila ni nanay Kilala din nila ang mader ko. Aba lieder ata tong nanay ko ng 'Cc' o "Chismosa club"
Mabilis na natapos ang paglalako ko dahil sa Dami na din ng bumili
"Mader Kong lubos! Pupunta daw si bakla mamaya dito Kaya mag Tira ka ng kakanin!"
Oo,pupunta sya. Tumawag sya sa akin kanina at sinabing pupunta dito sa bahay. Kesyo na miss nya daw kakanin ni nanay hmmpp kung bumili sana sya kanina sa nilalako ko edi natikman nya. Kaso may pagka buraot yun ehh
"Sige kanin, tatakpan ko na lang dito"
Mga ilang minuto. Mga 60 minutes lang naman hihihihi. Dumating na si bakla
"Kanin na walang ulam! I'm here na andito na ang pinaka magandang tao sa lugar ng Isabela!"
"Hoyy ang Ingay mo alam mo ba yun"
*Bogs* (ahhh basta tunog ng kulog yan)
"Nakuuu mukang uulan" biglang Saad ni mader na kadadating lang
Naki marites Siguro tong nanay kong tohh ayyttss
"Ohh sya halina't pumasok"
Pagpasok syempre agad kaming kumain ng nilutong kakanin ni mader na sinamahan pa namin ng kwentuhan. Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan
"Halaa kanin umuulan na" mangiyak-ngiyak na sabi ni bakla. Tsk OA talaga
"Nakuu mabuti pa at tawagan mo ang parents mo at sabihin mong dito ka muna matutulog"
Agad namang tinawagan ni jeff ang parents nya atsaka nagpaalam na dito na muna matutulog gaya ng sabi ni nanay
"Ohh kanin kumuha ka na Muna ng damit at short mo at ipahiram kay Jeff"
"Sige po mader"
Agad naman akong umakyat sa itaas upang kumuha ng damit
"Ohh etohh hiramin mo muna"
"Tekaa kanin, bat walang underwear huh?"
"Anong underwear ka dyan? Ayoko nga. Hoyy tatak Avon panty ko nohhh! Tatak 'AVON' Kaya noo way"
"Panty lang naman ehh" mangiyak-ngiyak na sabi nya
"Wag na nohh" padabog naman itong pumasok sa banyo at naligo. Nang biglang pumasok si nanay
"Tabi na kayong matutulog ni jeff Kase may tiwala naman ako sa batang Yun na dika gagawan ng kung anong kabulastugan"
"Sige po nay" Agad akong sumang-ayon sa gusto ni nanay Kase Hindi rin naman ito ang unang beses na matulog kaming magkatabi, tsaka normal na lang tohh sa amin lalo pa at kababata ko sya at pusong mamon Yun Mula pagkapanganak