CHAPTER 3: Labi

3780 Words
Ilang beses akong palimbag-limbag sa higaan. Ang hirap makatulog lalo na't may ibang tao akong kasama sa iisang bahay. Ganito talaga ako, hindi mapakali kapag may ibang tao na hindi ko kilala. Ang hirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Gusto kong makasiguro na safety ako. Kahit naka lock ang pintuan, hindi pa rin ako mapalagay. Sabayan pa na sinabi ng lalaking 'yun na uso sa lugar na ito ang r@pe. "Argh! Gusto ko na lang matulog sa kotse pero baka mapahamak ako sa labas!" sambit ko. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama. Halos dalawang oras na akong nakahiga rito ngunit hindi pa rin ako binabati ng antok. Kahit pagod ako sa byahe. Ayaw sumabay ng katawan ko. Napagpasyahan kong pumunta sa veranda. Itong pinili kong kuwarto ay napaka lawak. Walang mga palamuti, tanging plain white color lang ang makikita. Kapansin-pansin talaga na walang natutulog rito. Kung ikokompara sa kuwarto noong lalaking suplado na 'yun, mas malaki at malawak ang kuwarto niya. Maganda rin. Kahit hindi kagandahan itong silid ko, malinis naman. Wala maski alikabok. Mabango rin ang bedsheet at unan. Pero bakit hindi pa rin ako makatulog? Ano ba'ng problema sa akin? Siguro kailangan ko munang magmuni-muni. Iisipin ko kung ano ang mga hakbang kung gagawin ngayong nandito na ako sa Pilipinas. While thinking all of it. I need a fresh air too. I wanna breath in silence. Pagkarating ko sa veranda. Malamig na hangin ang bumungad sa akin. Nanuot sa suot kong terno sleeveless ang lamig. Tinanaw ko ang makikita sa ibaba. Unang namataan ko ang malawak na pool. Sobrang ganda pala sa likod ng bahay. May fountain pa na umaagos papunta sa swimming pool. May dim light rin na nagpapaganda sa swimming area. Parang ang sarap magtampisaw ngayong gabi, pero hindi ko naman ito bahay kaya huwag na lang. Hanggang tingin na lang ako sa mapayapa at malinis na tubig. Nilibot ko pa ang paningin sa ibaba at laking gulat ko nang makita ko iyong lalaki sa tabi ng pool. Nakaupo siya roon, habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig. May bote siyang tinutungga. I thought he's sleeping already. Why he's in there? "Lasinggero pala ang lalaking 'to?" Napa-iling ako ng ulo nang makitang beer ang iniinom niya. Pinagmasdan ko pa siya nang ilang saglit. Mukhang malalim ang iniisip noong lalaking suplado dahil nakatingala pa siya sa langit. Kahit sa ganitong angulo, mariing nakatikom ang kanyang labi. Matangos ang kanyang ilong. Gumagalaw rin ang kanyang lalamunan sa tuwing iniinom niya ang beer. I admit. He's really a good looking man. Kahit sa malayo, alam mo na talaga na may itsura siya. And I like his style of clothes. Isang simpleng white shirt lang at isang shorts na hanggang tuhod niya ang haba. It's suit him well. Ang lakas ng kanyang dating. Sino ba ang mag-aakala na may guwapong nilalang pala ang nakatira sa malayong lugar na ito. Kung saan nasa probinsiya pa. Hindi ko namalayan nagtagal na pala ang titig ko sa kanya. He's really thinking deeply. While i was thinking his whole appearance. Ano kayang iniiisip ng lalaking 'to? At bakit siya nag-iinom nang ganitong oras? Kung hindi ako nagkakamali ala una na nang hating gabi. Gising pa siya. Pareho yata kaming hindi makatulog. Ang lungkot naman niyang pagmasdan mula rito sa veranda. Ibang-iba sa itsura niya kanina na umuusok sa galit dahil inangkin ko ang bahay niya. Pero ngayong kalmado siya. Payapaya ang pakiramdam ko na walang mangyayari sa aking masama. By the way. May kasama kaya siya? Bakit kaya mag-isa lang siya rito sa bahay na ito? Sobrang laki nito, pwede nang tumira ang isahang pamilya. Saan kaya ang mga magulang niya? Nabanggit niya sa akin kanina na may kapatid siyang babae. Dito rin kaya tumira? May pamilya kaya siyang pumupunta rito? Pero bakit 'yung mga kuwarto sa bahay na ito, lahat naka-lock, except sa silid niya. Parang wala siyang ibang kasama rito. Ang dami kong katanongan sa isipan. Pero walang kasagutan. Masiyadong mysteryoso 'yong lalaki. Pati si Attorney Yanson kilala niya, si dadddy rin kilala niya. I don't have any idea if who is he. Kung sa bagay, hindi nga pala ako lumaki sa tabi ng magulang ko. Doon sa States ako lumaki dahil galit ako sa pagtaksil ni Daddy kay Mommy noon. Nagkaroon siya ng kabit at may anak pa sila, hindi lang 'yan pinatira niya pa sa bahay namin kaya hindi ko tanggap na may half sister ako. Gusto ko silang kalabanin ngayon lalo na't inangkin ng mag-inang Serrano ang ari-arian ng magulang ko. Sa kalagitnaan nang pag-iisip ko nang malalim biglang tumingala iyong lalaki rito sa veranda kung saan ako nakamasid sa kanya nang palihim. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Nakaramdam ng pamumula nang hindi man lang nag-iwas ng tingin iyong lalaki. He was looking at me with his sharped eyes. Nagbago ang kanyang emosyon, galing sa seryosong mukha na palitan ng blangkong tingin nang mahuli niya ako ngayong nakamasid sa kanya. He seems annoyed because I watched him secretly. I wave my hand and tried to smiled. Hindi man lang niya sinuklian. Dumilim ang kanyang mukha. Tinungga niya ang bote ng alak. Umangat ang sulok ng kanyang labi nang pareho kaming walang balak mag-iwas ng tingin. Ayaw ko talagang makita nito na naiilang ako sa kanya. Kaya nilabanan ko ang takot, pinantayan ko ang pagtitig niya sa akin. Nakakahiya dahil hindi man lang niya ako pinansin. Wala namang mawawala kung iiwas ako ng tingin ngunit hindi ko talaga kayang hindi siya titigan pabalik. Nagtagal nang ilang minuto ang mga mata niya sa akin bago siya unang nag-iwas. Inubos niya ang laman ng kanyang inumin pagkatapos tumayo na siya. Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya pabalik ng bahay. Binuksan ang slidding glass door at nagdire-diretso na. Ngumuso ako sa kawalan. Nagalit ko ba siya dahil tinitigan ko siya mula rito sa veranda? Bakit umalis na lang 'yun bigla? Ang sarap pa naman niyang pagmasdan rito. Nagkibit balikat ako. Bahala na nga siya. Baka matutulog na ang lalaking 'yun. Hindi pa rin ako umaalis rito sa veranda. Hinihintay ko pa rin iyong lalaki kahit malakas ang hinala ko na matutulog na 'yun. But there's a part of me. I was hoping. Baka bumalik bigla. Gusto ko pa siyang pagmasdan rito. At bakit ko hinihintay na bumalik siya? At bakit gusto ko siyang pagmasdan? Baliw ka na talaga, Elsie! Pinilig ko ang ulo. Siguro antok lang ito kaya nililibang ko ang sarili sa paghihintay sa lalaki. Hanggang sa bigla akong nakarinig ng pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Namanhid bigla ang puso ko, pati ang mukha nang mapagtanto na siya ang nasa labas ng silid na tinutulugan ko ngayon. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay kaya sino pa ba ang kakatok. What is he doing anyway? Inaayos ko muna ang sarili bago ako naglakad palapit sa pinto. Ilang beses kong kinalma ang mukha. At pinakita ko talaga na naiinis ako sa pang-istorbo niya sa akin. Kahit ang totoo, kumabog na lang bigla ang puso ko. Baka nandito siya para pagalitan ako sa pagmasid sa kanya kanina. Pagkabukas ko ng pinto. Ang seryoso niyang mukha ang bumungad sa akin. Nakatukod ang isang siko nito sa hambahan ng pinto. Nakadungaw naman ang mukha niya sa akin. Dahil matangkad siya kailangan ko pa itong tingalain. I crest my forehead. "Ano'ng ginagawa mo rito sa labas ng kuwarto ko? May kailangan ka?" malamig kong tanong. I crossed my forearm in front of him. Sa nakikita ko sa mukha nito mukhang hindi naman siya nalalasing. Kung sa bagay isang bote lang yata ang na ubos niya. Kalmado lang ang kanyang mukhang, Walang kabuhay-buhay ang mga tingin niya sa akin. "I was checking on you. Why you haven't sleep yet?" Kinilabutan ako sa baritono niyang boses. Lahat ng balahibo ko sa katawan tumindig sa simpleng pagtatanong niya sa akin. Kapag ganitong, wala siyang emosyon. Ang hirap tuloy hulaan kung ano ang iniiisip niya... "Hindi ako makatulog. Bakit ba?" suplada kong tugon. Tinantya niya muna ang mga tingin ko bago siya tumango. "Want a drink? So that you can sleep?" Kinurap ko ang mga mata. Ang hirap nga naman makatulog, siguro kailangan ko rin ng kaunting alcohol. Mahilig naman akong uminom sa States. Pariwara ako roon dahil sa nangyari sa pamilya namin, pero hindi ako umabot sa puntong nagrerebelde na. "Ano'ng meroon ka? Maybe, it helps me to sleep. Gusto kong uminom." Bahagya siyang nagulat sa sagot ko. Akala niya siguro tatanggi ako. Umayos muna siya sa pagkakatayo. Lumalim ang titig niya sa akin. He cleard his throat. "I have beer. We can drink beside the pool. If you want," kalmado niyang sagot. My mouth hanged opened as I nodded my head. Kung normal lang talaga ang usapan namin. Iba ang karisma niya. He seems very attractive right now. Here, I am again. Complimenting his looks Siguro dahil lang ito sa pagpupuyat kaya kung ano-ano na lang ang iniiisip ko. Impossibleng humanga agad ako sa isang lalaki gayong hindi ko naman naramdaman ang ganoon sa ibang mga lalaking nakilala ko. Naguguwapohan ako sa kanila pero hindi umabot sa punto na paulit-ulit kong pinupuri sa isipan ko. Unlike him, whenever his closed to me. Mas nadedepina ang halos perpekto niyang itsura. "Follow me then." He said boredly. Tumalikod na siya. Namulsa habang tinatahak namin ang patungo sa swimming pool area. Sumunod ako sa kanya sa tabi ng pool. Bumalik kami sa pwesto kung saan siya nakaupo kanina. Bago 'yun kumuha siya ng bote ng beer. Pinagbuksan niya pa ako ng isang bote. "Thanks," I said. Our eyes met for a couple of seconds. Ako na ang unang umiwas dahil tila napapaso ako sa titig nito sa malapitan. Matapang lang ako sa malayo pero sa ganitong dangkal lang ang layo naming dalawa ang hirap tagalan ng titigan namin. Pinanghihinaan ako ng loob. Bakit ganito ang epekto ng lalaking 'to sa akin? Agad kong kinuha ang beer saka walang pag-alinlangan na ininom upang maibsan ang kaba. Nakaramdam ako ng tense sa pagtabi ko sa kanya. Ngayon ko lang na pagtanto, intimidating rin pala siya. Sa gilid ng mata ko. Nakatingin lang siya sa bawat paglagok ko. Nang mangahalati ang beer agad ko siyang binalingan. Nahuli ko siyang nakatitig nga sa akin. Kunot ang kanyang noo. Hindi ko alam kung labag ba sa loob niya ang uminom ako dahil dumaan sa kanyang mga mata ang galit. Ngunit nawala rin agad. "Drink slowly. There's many more." His jaw clenching. "Sanay akong uminom. Kaya ko ngang ubusin itong dala mo. Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng umiinom ng alak?" Tinaasan ko siya ng kilay. Umangat ang labi nito. Iniling niya ang ulo. "How old are you then?" Iniwas niya ang tingin. Tinanaw niya ang unahan bago rin tinungga ang bote ng beer. Sa simpleng galaw nito, may kakaiba talaga sa kanya. Hindi ko lang mapagtanto. Napapasinghap ako sa simpleng galaw ng kanyang lalamunan. "Bakit mo natanong ang edad ko? Hindi na ako minor." Ingos ko pa. Akala niya siguro bawal pa sa akin ang uminom ng alak. Malakas akong nagbuntong hininga nang umayos siya sa pagkakaupo. Tiningnan ko ang mga paa na naka tampisaw sa pool. "I didn't say that you're a minor. I just wanna know how old you are?" "Twenty-one. Malapit na akong mag-twenty-two kaya okay lang na uminom ako. Sanay ako sa States. So? May problema ka sa pag-iinom ko?" sagot ko na lang para matapos na. Hindi na siya umimik. Kahit ayaw ko siyang tingnan hindi ko mapigilang ibaling ang tingin ko sa kanya. Naabutan ko siyang nakatanaw na naman sa mga bituin. Umigting ang panga niya. At malalim ang iniisip. He's a man with mysterious face. Kung titigan mo siya nang mabuti, ang hirap hulaan ano ba talaga ang bumabagabag sa kanya. "Mag-isa ka lang bang nakatira rito?" kuryuso kong tanong. Dahil masiydo nang tahimik sa pagitan namin. Binaling niya saglit ang atensyon sa akin. Blangko pa rin ang ekspresyon niya. Uminom muna siya ng bote ng alak hanggang sa tumango ito nang marahan. "I take manage on this place. Bigay ng magulang ko ang lugar na ito. Including this house." Parents niya pala ang nagbigay sa kanya. Kaya pala galit na galit siya kanina noong inangkin ko ang bahay niya. Nasampal ko pa siya at sinabihan ko nang manyakis. Nakakalula naman ang bahay na ito. Sa sobrang laki ng bahay, mag-isa lang siyang nakatira. "Wow! Ang yaman niyo pala kung ganoon. Mukhang bata ka pa. Pero ang lungkot ng buhay mo dahil hindi mo kasama ang pamilya mo. Saan pala sila nakatira kung ganoon? Kasi, di ba? Ang lungkot kapag mag-isa ka lang?" Malungkot rin naman ang buhay mo, Elsie! Hindi mo rin kasama ang magulang mo. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang maisip na naman sila. I gulped. And my chest felt heavy. "Pinaghirapan ng magulang ko ito, ayaw kong balewalain kaya maaga akong lumipat rito para asikasuhin ang malaking lupain at negosyo na rin dito. Mas gusto ko rin ng tahimik. Sometimes they visited me here. I don't see any problem if we're not living in the same house. Hindi naman nila ako pinabayaan kahit mag-isa lang ako." Nagtagal ang tingin ko sa kanyang ilong, sa mata. Mabuti na lang hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi niya akong nahuling nakatitig sa kanya nang malalim. Sa nakikita ko, mukhang hindi naman siya malungkot na tao. Sadyang malalim lang talaga ang iniiisip niya kaya hirap akong basahin kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya ngayon. "Paano mo pala nakilala si Attorney Yanson? Ang sabi niya sa akin kaibigan mo raw siya? Is it true?" pag-iiba ko sa usapan. I thought he will gonna deny about it. But he simply nodded his head. "Yeah. We're friends." Naghintay ako kung dudugtungan niya ba ang sasabihin or magkwento siya kung paano niya nakilala si Attorney, pero iyon lang talaga. Hindi siya gaanong makwento sa buhay niya. He only give me a highlights of his life. Not his personal life, 'yan ang napapansin ko sa ilang minuto ko siyang katabi rito. "Eh, si Daddy bakit kilala mo siya?" Kumunot ang kanyang noo. Akala ko hindi siya sasagot subalit mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Later on... He breathed heavily. "He's one of our investors in our land. Bumili rin siya ng ektaryang lupa na pagmamay-ari ng magulang ko. Sa akin siya nagpatulong sa gagawin para palaguin ang malaking taniman. I've meet him for a couple of time." Tumango-tango ako. Nasagot na rin ang katanongan ko. Ngunit pakiramdam ko talaga, kulang pa rin ang sagot niya tungkol sa magulang ko. I wanna know how far did he know about my father. But it's too awkward to asked him about my own father. Lumalalim ang gabi. Hindi namin namalayan na dumami na pala ang iniinom naming beer. Minsan tahimik lang kaming dalawa. At kadalasan ako lang ang nagsasalita. Iba pala ang tama ng beer kapag na sobrahan. Dahil sa kalasingan kung ano-ano na lang ang nakwento ko. Pati ang kabit ni Daddy at kung ilang taon akong nawalay sa magulang ko. Hanggang sa magdalaga na. Nasabi ko rin sa kanya nang walang pag-alinlangan. "I hate my father so much. Pumatol siya sa walang delikadesang babaeng 'yun. Hindi naman sana ako aalis ng Pilipinas pero galit rin ako kay Mommy. Balewala niya lang ang pagtaksil ni Daddy sa kanya. Pumayag pa siya na doon manirahan ang anak ng kabit niya sa bahay. Pinag-aaral pa nila! I'm so jealous the way my dad treated my half sister!" Hindi ko namalayan umiyak na pala ako. Iniiisip ko noon kung gaano ako ka inggit kay Rosalie. Dahil palagi siyang binibigyan ng mga bagay na meroon din ako. Madamot akong tao, ayaw kong may kahati sa atensyon, including my toys, my dresses. Most probably, my parents. Ayaw kong may iba silang tinuring na anak bukod sa akin. Palagi kong nilabas ang mga hinaing ko sa mga ka inumin ko noon. Ngunit hindi ko naman akalain na pati sa estranghero na lalaki na ngayong araw ko lang nakilala. Nasabi ko sa kanya ang kinikimkim kong galit sa magulang ko. "Noong buhay pa si Daddy, hindi kami magkasundo dalawa simula noong nalaman kong may kabit siya. Pinaliwanag niya naman sa akin tungkol sa kasalanan niya pero hindi ko talaga makuha kung bakit kailangan niya pang lokohin si Mommy at pumatol siya sa babaeng malandi na 'yun. Nang dahil sa Rosalina Serrano na ina ni Rosalie, nasira ang pamumuhay namin. Nagsisi ako dahil hindi ko pinatawad si Daddy. Nagtanim ako ng sama ng loob, hanggang sa lumaki na ako. Hindi ko man lang nakausap si Mommy at Daddy bago sila mawala sa mundo. Gusto kong bumawi sa kanila at itong pagkuha ng mga ari-arian ng magulang ko ang gusto kong gawin. Aalagaan ko ang pinaghirapan nila. Hindi ko hahayaang makuha lahat sa ina ni Rosalie!" Muli kong nilagok ang inumin. Umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses akong suminok habang nagsasalita. Tahimik naman ang katabi ko. For the whole time, he's silently listening. Hindi ko alam kung lasing din ba siya kagaya ko dahil wala itong imik. Hindi ko rin alam kung sa akin ba ang atensyon niya. Hanggang sa laking gulat ko na lang nang hinawakan niya ang balikat ko at tinapik. He comforted me with his warm arm. And it makes me cry even more when he whispered into my ears. "I don't know what you're going through. I don't know what to say. Maybe this would help." Hinimas niya ang braso ko. Pinapakalma niya ako. Para akomg hiniheli sa kanyang boses. Ang sarap sa pakiramdam dahil hindi niya ako jinu-judge sa mga hinanakit ko sa magulang. He keep on tapping my shoulder. Para na siyang naka akbay sa akin. I let him caressing my skin because I felt so relieved everytime he touched me. Hindi man lang ako nakaramdam ng galit dahil hinahawakan niya ako. Bagkos gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. "You can lean your head. If you want," mahina niyang sabi. Sinandal ko ang ulo sa kanyang balikat. Sinunod ang utos nito. Hindi pa rin matigil ang luha ko sa pagbagsak. Humigpit ang paghawak niya sa balikat ko. Gusto kong mapapikit sa mabango niyang pang-amoy nang tinagilid ko ang ulo para ibaon sa kanyang balikat ang mukha ko. I swallowed before ranting again. "I hate them... Kaya ako bumalik rito. Gusto kong sirain ang buhay ng mag-inang Serrano kagaya nang pagsira nila sa samahan namin ni Daddy!" I grabbed the beer. Inubos ko ang laman ng bote. May gusto pa akong sabihin at gusto kong marinig niya nang maayos. I wanna see his reactions too. Pagka-angat ko sa mukha ko para tingnan siya, sakto namang yumuko rin siya para silipin ang mukha ko. Hindi inaasahan, agad nagkasalubong ang labi naming dalawa. I was literally shocked when I felt his hot lips touched into mine. Hindi ako makagalaw. Pareho kaming hindi maka-imik. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghalik niya sa akin nang marahan. Tinuloy ang sinimulan.. Ginalaw niya ang pang-ibabang labi ko para sipsipin iyon. Kusa naman akong nangapa nang gagawin. Naramdaman kong na punta sa batok ko ang kamay niyang nakatapik sa aking balikat. Pinailaliman niya ang halik. Naghalo ang amoy ng alak sa pagitan namin. Napahawak ako sa kanyang damit. Hindi ko magawang itulak siya palayo dahil sa puntong iyon nadadala ako sa matamis niyang halik. Nanghihina ako bigla. Tinugunan ko ito nang walang pag-alinlangan. Dala na rin siguro nang kalasingan kaya nadadala na kami pareho sa init ng naramdaman. There's something burning inside on us, and we couldn't help it. He groaned loudly, when I bite his lower lips harder before I sucked it slowly. Hindi naman ito ang unang beses na may kahalikan ako kaya alam ko ang ginagawa. I kissed my crushed before and he's a good kisser. Natuto akong humaik noong naghalikan kami ng crushed ko sa States. Pero hnggang doon lang 'yun. Hindi na lumalalim, pero pagdating sa lalaking ito. Parang kakaiba ang naramdaman ko. Gusto kong pailaliman pa namin ang halikan. "Shít!" He cursed frustratedly, dahil sumampa na ako sa kanyang kandungan. Hinalikan ko pa siya lalo. Para akong uhaw sa halik ng lalaki. Binalikos ko ang braso sa kanyang batok. I may looked like a desperate woman but, I can't stop myself. Which is first time in my entire life that I would surrender myself like this. Sa isang extranghero ko pa nagawa ito. Ilang sandali pa, iniwas niya ang labi sa akin nang mas dinakma ko ang labi niya. Mapupungay na mata ang nakadirekta sa mukha ko nang magtagumpay siyang ilayo ang labi niya sa akin. Nagawa ko pang habulin 'yun ngunit kusa na siyang umiwas. "I want more of your kisses!" seryoso kong sabi. Hiningal ako sa ginagawa ko. I can't believe I begged a kissed. Nanlaki ang mga mata niya. Namumula ang kanyang mukha pababa sa leeg dahil sa kalasingan. Nagtaas-ibaba ang kanyang dibdib. "We shouldn't do this. Lasing tayong dalawa, Miss. Control yourself...Go back to where you seated." Hinawakan niya ang bewang ko para hindi ako mahulog sa swimming pool sa pagkat nasa likod ko ay tubig na. Konting bitaw ko lang sa leeg niya at konting hawi niya sa akin palayo pwede akong mahulog. "Ayaw ko. I'm gonna stay here on your lap. Hindi ba't ikaw ang unang humalik? Bakit kasalanan ko pa? Tinugunan lang kita, hindi ba?" inosenti kong tanong. Tinawanan ko siya kahit ang totoo. Nag-iinit na ang pakiramdam ko nang maramdaman kong may bumubukol sa gitna nang kanyang kandungan. Is he turning on? Ilang beses kong nahuli na nagtaas-ibaba ang kanyang dibdib. Tuliro ang mga mata niya Hindi ako umaalis kahit alam kong nahihirapan na siya. Umawang ang kanyang labi bago siya nagpakawala nang hininga. "Matulog na tayo. Tumayo ka na," aniya sa malalim na boses. Mas humigpit ang kapit niya sa aking bewang. Sumenyas siya na umalis na ako sa kanyang kandungan pero dahil pilya ako. Iniling ko ang ulo. Kumuha pa ulit ako ng bote nang alak sa tabi ang kaso mabilis niya iyong inagaw. "That's enough. We should sleep," strikto niyang saway. Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya. Tumingin ako sa naka-angat nitong labi. Why he's lips are so red? "Kung ayaw mong ipa-inom sa akin 'yan. Mas mabuting labi mo na lang ang lantakan ko." Ngumisi ako nang nakakalasing, bago ko kinabig ang batok nito na ikatigil niya nang husto. Heck! What I have done to myself? Ang hirap naman tiisin ng lalaking 'to. Unang beses na makaramdam ako nang pagkahumaling sa isang lalaki. It supposed to be, I teased him but it turns out that we're going to sleep in the same bed tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD