SUMAPIT ANG WEEKEND kaya heto kinakabahan ako ng konti sa dinner date daw namin ni Onyx.Ito yata ang kauna-unang pagkakataon na mararanasan ko na makipag date sa isang lalaki.Hindi ko nga rin maisip na may ganitong paandar palang alam si Onyx sa buhay.Bukod sa may kaya ito ay hindi mo maiisip na ang hinahabol at pinaglalawayan ng mga kababaihan ay marunong pala makipag date. Akala ko sa kama lang ito magaling hindi pala may iba rin pala itong alam gawin! Nagulat pa ako ng marinig ang malakas na pagbusina sa labas ng bahay namin. Nakagayak na ako at hinihintay na lang ang pagdating ni Onyx.Inaasikaso ko na rin ang mga kapatid ko especially ang bunso namin na ngayon ay maagang natutulog.Alas siyete pa lang ng gabi. "Gavin paalis na si Ate ikaw na muna ang bahala dito huh.Wag basta-basta ma

