WARNING:Some of the scenes may contain of violence.If you're sensitive then you are free to skip it.Thank you! SIENNA'S POV ANG PROBLEMA SA BUHAY ay hindi mo talaga maiiwasan lalo na kung sangkot ang mga mahal mo sa buhay.Yung tipong bigla na lang darating na para bang bagyong pwedeng sumalanta sayo.Bumalik ang aming ama sa hindi inaasahang pagkakataon makalipas ang apat na buwan. Pero ang pagbabalik ng ama ay siya pa lang magiging balakid sa amin lalo na at hindi ito nag-iisa ng bumalik.May kasama itong babae at bata na ayon sa ama ay ang bago nito—ang mag-ina nito. Oo galit ako sa ama pero hindi ko naman mapaalis dahil mas nananaig ang awa ko para sa musmos na bata na wala namang kasalanan sa ginawa ng ama sa amin—sa pag-abandona sa amin ng ama tapos ngayon ay nagbalik na para bang ok

