SIENNA'S POV NAGDAAN PA ANG MGA araw na tuloy pa rin ang buhay namin at saka ang panliligaw ni Onyx sa akin.Talagang seryoso ang binata sa nais gawin.Sinusundo at hinahatid rin ako nito sa part time job ko.Pag weekend naman ay salitan ang pag-stay ko sa bahay nito. Minsan si Onyx ang nagstay sa bahay kahit na sinabihan ko na ito na hindi naman kailangan.Katulad na lang ngayon na friday night pa lang ay nandito na sa bahay ang binata. "My Peanut naman, dito nga ako mag-sleep over.I miss you!" Nagpapaawang saad ni Onyx sa dalaga ng pinapauwi na siya nito pagkatapos nilang kumain ng hapunan.Araw-araw naman sila nagkikita ni Sienna pero lagi niya pa rin namimiss ang dalaga.Kada segundo, minuto ay gusto niya parating nakikita ang dalaga. "Hindi ka pa ba nananawa Onyx eh halos araw-araw na t

