ILANG NA ILANG ako kay Onyx matapos ang nangyari sa amin sa may banyo.Ngayon ko naramdaman ang hiya at pag-iinit ng mukha kaya heto magkaka stiff neck na ako kakapaling ng sobra sa ibang direksyon habang binabaybay namin ang daan pauwi sa bahay namin.Tumanggi na akong magpahatid sa binata pero sadya lang makulit ang isang ito kaya wala ako nagawa. Tahimik ang biyahe namin pero pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang maaliwalas at nakangiting si Onyx.Mukhang good mood pa ito, siguro dahil sa nangyari sa kanila.Sa sobrang lalim ng iniisip ay halos magulat pa ako ng magsalita si Onyx. "My Peanut saan banda ang inyo?" Umayos ako ng upo at humawak sa seatbelt bago bahagyang nilingon si Onyx na pasulyap-sulyap sa akin.Tumikhim pa ako bago nagsalita. "D'yan lang sa may pangatlong kanto.Purok tr

