SA ISANG FIVE STAR HOTEL kami nagtungo ni Onyx ng gabing iyon.Maraming tao ang naroroon at masasabi kong may mga kaya sa buhay.Nakaramdam ako bigla ng hiya dahil kung ikukumpara ko ang sarili ko sa mga naroon ay walang-wala ako sa binatbat ng mga ito.Mamahaling mga damit at alahas isama pa ang mga pabango ng mga ito na halatang expensive talaga.
Mahigpit na napakapit ako lalo sa braso ni Onyx na akala mo ba ay mawawala ng maglakad na sila papasok sa loob ng bulwagan na iyon.Napalingon sa kanila ang mga bisitang naroon.May red carpet rin ang nilalakaran namin.May mga nag-flash na camera sa amin na ikinailang ko lalo.Hindi kasi ako sanay sa maraming tao at ito ang kauna-unahan kong bongga na party na napuntahan.Napasiksik tuloy ako ng bahagya kay Onyx para itago ang mukha.
"You came, Par!"
Sinalubong kami ng isang lalaki na may malawak na ngiti sa labi.Agad naman itong nakipag manly hug kay Onyx ng makalapit ng husto sa amin.
"Yeah.Congratulations Par!Sigurado ka na ba sa pagpapakasal mo na iyan?Malas naman ng mapapangasawa mo!"
Natatawang saad ni Onyx sa lalaki na hindi rin papahuli sa angking gandang lalaki. Matangkad, moreno at medyo chinito ito.
"Hey, sure na sure ako Par and na-ah I'm the luckiest guy to marry her.You know I'm the one who wins her heart."
Nakangisi na balik salita ng lalaki kay Onyx na kinahalakhak lang ng huli.
"Hindi naman halatang in love na in love ka Par!"nakangisi rin saad ni Onyx.
"Naman!Ugh!Pag pinana ka ni kupido di mo mapipigilan!How about you, Par who's this gorgeous lady beside you?New girlfriend?"
Bumaling ng tingin sa akin ang lalaki na nakangiti pa rin.
"Meet My Peanut Sienna."
Proud na proud na bulalas ni Onyx na malawak ang ngiti sa labi sa kaharap na lalaki na ikinahalakhak nito ng bahagya.
"Par kailan ka pa nagkaganyan?My Peanut huh, how sweet endearment!"
Nahiya ako bigla sa sinabi ng lalaki kahit na ba may himig na panunukso sa boses nito.Kung bakit kasi kailangan pang sabihin ng kulugong ito ang tinatawag sa akin, pwede naman pangalan ko na lang eh!reklamo ko saad sa isipan bago ngumiti ng tipid sa lalaki ng bumaling sa akin.
"Nice to meet you Sienna, I'm Zayn kaibigan nitong boyfriend mo na babaero!"aniya nito sa akin sabay lahad ng kamay.
"Hey, wag mo naman ako siraan sa My Peanut ko baka maniwala 'yan iwan pa ako!"
Nakangiti saad ni Onyx sa kaibigan nito sabay hapit sa bewang ko ng isang braso nito.
"Nice to meet you rin po!"
Alanganin kong saad ng tanggapin ang kamay na nakalahad ng lalaki.
"Drop the Po masyado ako tatanda niyan agad!"natatawang saad nito sa akin na ikinangiwi ko saglit.
"Alright Par pakibitawan na ang kamay ng My Peanut ko baka magselos pa ako!"
Nahigit ko bigla ang kamay ko mula kay Zayn ng sabihin iyon ni Onyx.Humalakhak naman ang huli bago naiiling na nagsalita.
"So possessive Par!"
"I am!She's mine,"
Ngumisi si Onyx ng sabihin iyon sabay lingon sa akin at kindatan ako.Agad naman akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Buti na lang nga at niyaya na kami ni Zayn para ipakilala sa mapapangasawa nito.
Nahiya pa ako lalo ng makita kung gaano kaganda ang babae at ang bait rin nito. Simple lang ang suot nito at walang masyadong kolorete sa mukha.Her angelic face and her soft voice.Kinakausap rin ako nito at kahit naiilang at nahihiya ay sumasagot ako dito.
Naiwan kami sa table ni Onyx ng tawagin na ng emcee sa stage ang mag-fiance.Matapos ng mga itong magsalita sa harap ay nag-umpisa na rin ang kainan.
"Stay here My Peanut I'll get our food.Okay!"
Bulong ni Onyx sa tenga ko na ikinakislot ko mula sa kinauupuan.Tumango lang ako dito at hinayaan na itong kumuha ng makakain namin.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Onyx na may dalang isang plato na puno ng pagkain.Napakunot noo pa ako sandali na sinusundan lang ito ng tingin.Wag sabihin ng kulugong ito na ako lang mag-isa ang kakain?Nge!aniya ko sa isipan ng mailapag ng binata sa lamesa namin ang pagkain dala.Nilapag rin nito ang kubyertos na dalawang pares.
"Let's eat My Peanut!"
"Huh?N-nasaan ang plato mo?"
Nahihiya kong pagtatanong dito ng humilig pa ng bahagya palapit dito para bumulong.
"Eto My Peanut.Share tayo para sweet di ba!Pwede mo rin ako subuan o kaya naman ikaw na lang kakainin ko este susubuan ko!"
Iniripan ko na lang ito sa sinabi na may pagtaas baba pa ng kilay.Ngumiti rin ito sa akin bago iniabot ang kubyertos sa akin. Kagaya nga ng sabi ni Onyx ay nagsalo nga kami sa pagkain sa isang plato.Ramdam na ramdam ko rin na may mga nakamasid sa amin kaya naman ang ending di ko rin naenjoy ang pagkain at pakiramdam ko hindi ako nabusog man lang!
Lumipas pa ang mga oras at nang makaramdam na naiihi ako ay humilig ako palapit sa binata at bumulong dito para magpaalam sandali na magbabanyo lamang.
"Onyx mag-banyo lang ako,"
"Samahan na kita My Peanut?"
"No.Wag na kaya ko na mag-isa!"
Bulong kong muli sagot sa binata bago ngumiti dito bahagya at tumayo.Tumango naman ito at sinundan na lang ako ng tingin.
Hinanap ko ang banyo ng makapag tanong sa nakasalubong kong staff ng hotel na iyon.May pila sa labas kaya nakipila na lang rin ako at nag-antay.
"Ahhh..sarap sa pakiramdam nailabas rin kita!"bulong ko sa sarili ng makaihi at makapaghugas sa biget bago punasan at tumayo na.Naghugas rin ako ng kamay at sinipat sandali ang sarili sa malaking salamin.Hindi na rin ako nagtagal sa loob ng banyo at lumabas na rin ng masigurong maayos pa ang itsura.
Malayo pa lang ako ay nahagip na ng mata ko si Onyx na may kausap na lalaki.Lalapitan ko sana ito pero napatigil rin agad sa paglalakad ng makitang may babaeng lumapit dito at yumakap.Nagulat pa ako ng halikan ng babae ang binata sa labi nito na ikinagulat rin ng huli.Daglian akong nakaramdam ng inis sa nakita kaya naman ng may mapadaan na waiter na may dalang inumin ay walang pagdadalawang isip na kumuha ako ng isang kopita at ininom ang laman nito na parang nainom lang ng tubig.
Agad sumayad sa lalamunan ko ang kakaibang lasa pero keri lang dahil nasarapan naman ako.Nang maubos ang laman ng baso ay inilapag ko sa nadaanang cocktail table ang baso at muling kumuha pa ng isa sa waiter na nakasalubong.Matiim ang titig ko sa kinaroroonan ni Onyx na kausap pa ang babae.Bitbit ang alak na nasa kopita ay lumapit ako sa mga ito sabay yakap sa bewang ng binata na nagulat pa kaya napalingon sa akin.Matamis naman akong ngumiti sa binata bago bumaling sa babae na nag-taas ng kilay sa akin bago lumipat ang tingin kay Onyx.May pagtataka sa mata ng babae na nakatitig kay Onyx kaya naman para mawala ang tingin nito sa binata ay nag-salita ako.
"Pwede ko na bang hiramin muna ang boyfriend ko?Nahihilo kasi ako at nangangalay na."
Malambing at may matamis na ngiti sa labi na saad ko sa babae na lalo pang tumaas ang kilay sa akin.
"Boyfriend?"
Nagtataka pa nitong pagtatanong.
"Yeah,"maikli kong saad bago sumimsim sa hawak kong baso.
"Whoaa..Are you sure Miss?"
Nakangisi nitong saad na sarkastiko ang pagkakabigkas.Tumaas rin ang kilay ko dito bago sumagot.
"Yes, may problema ba tayo do'n?Sino ka ba?"naiinis kong bulalas dito.Tumawa pa ito ng mahina sa sinabi ko.
"You wanna know who I a—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin sana ng sumingit si Onyx.
"Stop it!Let's go.."
Aniya ng binata na sinulyapan lang sandali ang babae at binigyan ng tingin na naghuhudyat ng warning bago tumingin sa akin ang binata at hinapit rin ako sa bewang at iginiya na palakad.Kitang-kita ko pa ang pag-ngisi ng babae.Inirapan ko naman ito sa sobrang inis!
Nang makarating kami sa table na inookupa ay mabilis kong inalis ang pagkakapit ng kamay ko kay Onyx at inisang lagok ang wine na nasa kopitang hawak ko.Ibinaba ko ito sa table namin at humalukipkip.Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Onyx. Hindi rin naman nakatiis ang binata at ito rin ang unang bumasag sa katahimikan namamagitan sa amin.
"She's my friend only My Peanut,"
Salita ng binata na ang tinutukoy marahil ay iyong babae kanina na kinaiinisan ko.Hindi ako nagsalita o lumingon man lang sa binata kaya napabuntonghininga ito bago tumawag ng waiter para humingi ng alak.Nang may lumapit na waiter na may dalang alak sa hawak nitong tray ay kumuha rin ako muli ng makakuha si Onyx ng para dito.Dinaig ko pa ang nainom lang ng tubig kung laklakin ang wine.Nakailang baso pa ako bago tumigil. Kung hindi pa ako nakaramdam ng hilo ay hindi pa siguro ako matitigil sa pag-inom. Tahimik rin ang katabi ko na hindi ko alam kung umiinom pa ba.Sapo ang noo ng ipatong ko ang siko sa lamesa.
"Are you alright My Peanut?"
Parang inaantok na boses na pagtatanong sa akin ni Onyx kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.Inisang lagok pa nito ang hawak na alak na nasa baso bago humilig pa sa akin at bumulong.
"Let's go home!"