NANG gabing iyon ay dinatnan ni Orange si Carlo na nakaupo sa sofa, nakaharap sa TV pero wala namang sounds ang pinanonood nito. Kunwa’y kumatok siya sa dingding at napatingin ang lalaki. “Kumusta?” nakangiti niyang tanong. Hinubad ang sapin sa paa at saka inilagay ang mga iyon sa shoe rack na nasa likod ng pinto. Lumapit siya sa kinauupuan ni Carlo at tumabi ng upo rito. “Kumain ka na?” tanong nito. “Hindi pa. Ikaw?” “Been waiting for you.” “Naks, pati accent, tunog-mayaman talaga!” Umiling-iling si Carlo pero nakangiti naman ito. “Can you explain what you did this morning, my dear wife?” Kanina ay nag-text ito sa kaniya na susunduin siya sa pag-uwi pero nagdahilan siya rito na kasama niya si Chikki at sinabing sa bahay na lamang sila magkita. Naiisip pa rin kasi niya ang nangyar

