CHAPTER 36

1971 Words

PUMANHIK ng bahay si Anastacia at nagmamadaling kumuha ng damit. Uuwi muna siya sa tatay niya. Masakit na masakit ang loob niya habang hindi pa rin maalis sa isip ang nakangiting anyo ni Carlo habang ipinipinta ang girlfriend nitong si Portia. Pagkatapos ay sumasabay pa ang sakit sa ulo niyang kapatid na si Marsha. Bakit ba ganoon ang problema, sunud-sunod talaga dapat ‘pag dumating? Matapos mag-empake sa malaking back bag ng isang ternong pantulog, isang pares na extrang damit at saka toiletries ay agad na siyang lumabas ng silid. Nakasalubong niya si Manang Caring sa hallway. May dalang baso ng gatas ang matanda. “Kay Mama, Manang?” tanong niya rito na nakangiti. Tumango ito. “Ako na po ang magpapasok sa room niya. Magpapaalam tuloy ako.” “Aba’y saan ka pupunta, anak?” Ilang saglit n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD