"About the engagement, Kairo." Umpisa ko habang kumakain kami.
Napatingin naman sya saakin habang hinahati ang kanyang steak habang nakataas pa ang kaliwang kilay nito.
"What about that? You change your mind?" Tanong nito bago sumubo ng steak.
"Yeah, let's just have an agreement" sabi ko sakanya bago sumubo din ng steak.
"What agreement?" Sumimsim ito ng kanyang wine.
"Let's have an annulment kapag ayaw na natin or kapag puwede na" kumunot ang nood nya sa sinabi ko.
"Tapos?" Nakakunot na tanong nito.
"Puwede kang mangbabae! Basta wag mo lang ipapaalam sa parents natin, kahit ano naman magagawa mo padin!" Sabi ko dito.
"Kahit ano?" Paninigurado pa nito.
"Oo nga! Wala akong pake kung gusto mo humanap ng babae basta wag kang mag papahuli sa parents natin! Wag mo din dadalhin sa magiging bahay natin, that's too disrespectful." Hinati ko ang steak at kinain ito habang ako'y ngumunguya ay nakaharap ako sakanya.
"And what about you?" Kumuha ito ng sweet potato fries na nagpakunot sa noo ko, akin kaya yon!.
"I can do whatever I want too! Napaka duga mo naman kung ikaw pwede mangabit tapos ako nasa bahay lang! Dapat parehas tayo ano! Tsaka pwede ba akin kaya yang fries!" Tinampal ko ang kamay nyang kukuha pa sana ng fries.
"So, you're saying where going to cheat with eachother?" Kumuha naman ito ng scalloped potatoes, putragis ka talaga kairo.
"Depende sayo kung mangangabit ka o ano! Bibigwasan na kita!Pagkain ko yan Kairo!" Kinurot ko naman ang braso nya ngayon.
"Ouch! You wench! Sino ba magbabayad nito?!" Naiinis na tanong nito at kumuha pa sa cheesecake ko, lintek kang demonyo ka!.
"Pake ko kung ikaw ang mag babayad! Ako naman nag order!" Sinipa ko ang paa nya sa ilalim ng table namin. Napangiwi naman ito.
"Okay, I'll stop just go eat." Sabi nito pero kumuha ulit sya ng cheesecake bago tumayo, tanginamo Kairo mawalan ka sana ng sexlife!.
Nang matapos na kami kumain ay sinabi kong ibaba nya ako sa mall dahil gusto kong bumili ng bagong baking tools at cook book. Baking is actually my hobby and I love it!.
"Ano gagawin mo don?" Tanong ni Kairo habang nag-mamaneho, pake mo?.
"Matutulog siguro" pamimilosopo ko sakanya umirap lang naman sya, gago 'to pag kami nabangga 'e.
"Ano nga?" Tanong ulit nito.
"Bibili ako ng baking tools" simpleng sagot ko at sumandal sa pinto ng sasakyan nya.
"Ano naman gagawin mo don?" Tanong pa ulit nito.
"Itatapon siguro" sarkastikong sagot ko.Hindi na sya sumagot dahil papasok na kami ng parking lot ng Mall.
"Sabi ko ibaba mo lang ako bakit ka mag papar? May date ba kayo ni Jiya?" Hindi siya sumagot dahil busy sya kakahanap kung saan pwede mag park. Maya maya pa ay ipinark nya na ang sasakyan nya.
"Let me come with you" sabi nito bago bumaba ng kotse. Agad din akong bumaba ng marinig ang sinabi nya.
"Eh!? Gago ka ba? Bakit ka sasama?pano kung may makakita sayo na kakilala ni Jiya!? Lintek ka mapapahamak ako sayo! Wag ka ng sumama!" Umirap lang ito bago kinuha ang cellphone nya at ipinakita saakin ang text nya kay Jiya.
To: Jiya
Let's break up.
Napaluwa ang mata ko sa nakita ko! Lalo akong mapapahamak sa kagaguhan nya eh! Susmiyo naman!
"Gago ka ba!? Bakit mo ginawa yon!? Edi lalo akong napahamak sayo!" humawak ako sa aking noo na nanakit na.
"Ikakasal na naman tayo, it's fine."he said calmly, tarantado ka talaga Kairo.
"Sinasabi ko sayo pag nadawit ako sa break up nyo! Gigilitan talaga kita ng leeg Kairo!" Sabi ko sabay lakas papasok ng mall.
"Don't worry about that, babe" sabi nito habang nakangisi bago ako inakbayan agad ko naman siya siniko sa tagiliran at inalis ang kanyang akbay sakin.
"Isa pang hawak sakin puputulin ko na yang kamay mo" pagbabanta ko dito tumawa lang naman si gago.
Pumasok kami sa isang shop kung saan nagtitinda sila ng cooking tools kasama narin syempre ang baking tools. Kumuha ako ng basket para duon ilagay ang lahat ng bibilhin ko. Si Kairo naman ay nasa likod ko lang nakasunod.
I was looking for measuring cups when Kairo's phone rang, someone is calling him. I was wondering if it's Jiya because of his sudden break up text, ugh! Boys!.
Tumingin muna sya saakin bago lumayo para sagutin ang tawag sakanya. At ako naman ay pinagpatuloy ang paghahanap sa mga measuring cups.
Meron pa naman akong measuring cups sa bahay kaya lang iyon ay plastic. Gusto ko naman ng metal nakakasawa din ang plastic 'no. Maya maya pa ay nakita ko ang isang rose gold measuring cups. This looks expensive, magmumukha siguro akong mayaman pag ginamit ko ito. Kaya naman iyon na lang ang kinuha ko.
Bumili din ang ng rose gold baking pans, electric mixer, cookie cutter, and muffin trays. Ibinaba ko muna ang basket dahil medyo mabigat na ito. Tinext ko naman si Kairo na kumuha ng maliit na cart.
To: Kairo
If you're done, can you get a cart? Ang bigat na ng dala ko.
Natingin ako ng mga piping nozzles ng dumating si Kairo nang walang dalang cart.
"Wala ng cart" sabi nito, tumango lang ako at bubuhatin na sana ang basket ng inagaw nya iyon saakin.
"Ako na madam nagrereklamo ka na 'e" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"Wow! May pag-kagentle man din pala Kairo? Grabe kagulat." Pang-aasar ko sakanya.
"Oo naman, gentle din ako sa ibang bagay baka gusto mo i-try?"naka-ngising sabi nito inirapan ko lang naman siya at nag lakad na papuntang counter.
Napatigil ako sa paglalakad ng maagaw ng pansin ko ang isang baking tools set. It's rose gold and black. It's so beautiful!.
Agad ko namang kinuha ito at inilagay sa basket na hawak ni Kairo nang tumingin ako sakanya ay naka taas ang kaliwang kilay nito na nagpakunot sa noo ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya umiling lang sya.
"You love pink?" Tanong nya naman saakin.
"It's not pink it's rose gold!" tumango tango lang sya bilang pagsangayon.
"You like baking?" Tanong nya muli.
"It's my hobby, baka nga next year or next next year mag tayo na ako ng sarili kong coffee shop tapos duon ko ititinda lahat ng binebake ko" sabi ko habang may ngiti sa aking mga labi.
"What's the name of your shop?" Tanong nyang muli, interview ata 'to 'e.
"Wala pa nga 'e..." Umarte akong parang nag-iisip bago tumingin sakanya. "Paano kung.." putol ko sa sinasabi ko.
"Kung?" Tanong nito.
"Icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Sabi ko habang natatawa pa. Napailingiling lang si Kairo habang natatawa din.
"Baket ka natatawa? Seryoso nga! Ang catchy naman diba? Ikaw ba may idea ka ba?" Tanong ko naman sakanya, umarte muna syang nag-iisip bago sumagot.
"How about 'Its A Piece Of Cake'?" Ako naman ang napailingiling sakanya, grabe ang corny.
"Ang corny mo naman!" natatawa kong sabi.
"Pwede ding 'I donuts Care'" suggestion nya pa napasapo lang ako ng noo at nauna ng nag lakad sakanya habang sya ay natatawa sa joke nya.
"Nutty Buddy! Ayaw mo?" Humahabol pang tanong nito kaya tinakpan ko na lang ang tenga ko. Grabe sobrang corny mo Kairo!.
" 'Bite Me', pwede din yon catchy na ang hot pa—Aray!" Kinurot ko na ang tagiliran nya ng hindi pa sya tumigil.
"Halika na mag bayad na tayo! Leche!"
Natatawa naman syang sumunod saakin papuntang counter, napaka corny pala ng taong 'to jusko.