Episode 5 "Its A Date"

2425 Words
"Ayoko!" "Ayoko!" "Ayoko!" Mariin sabi ni Gab habang tila bata si Jace na nakakapit sa mga braso nito. "Sige na Best pumayag ka na please kahit isang beses lang," paglalambing ni Jace sa kanyang nag-iisang bestfriend. "Alam mo ikaw na lukaret ng taon, kung papayag ako sa gusto mo tapos...." at tiningnan ng matagal ni Gab ang kaibigan. "Tapos ano, kuwan," di masagot ni Jace ang kaibigan sa pinakikiusap nitong plano. "Oh yan tinatanong ko, ano na pagkatapos best ano susunod?" nakangiwi ang bibig ni Gab habang naghihintay ng maisasagot ang kaibigan. "Pag-isipan mo munang mabuti yan pinaplano mo Best mahirap kasi maipit sitwasyon na wala ka ng matatakasan at ang mas worst maiipit ka lang sa problema," aniya Dumapa si Gab sa kama habang naghihintay ng sagot ni Jace ay tumingin tingin ito ng ilang pahina sa libro. Naupo naman sa bandang ulonan ni Gab si Jace ang kaninang masayang nangungulit at tila malungkot na ang itsura. "Kahit isang beses lang best, alam mo naman di ba yun mga naikukuwento ko sayo halos di nga ko makilala ni grecko, dalawang beses na yun ah una dun sa park at pangalawa sa hospital, mukhang inis pa nga sakin yun tao nun huli," sabay tingin sa dingding at huminga ng malalim si Jace. "Best ang buhay sa mundo, kanya kanya tayo ng ginagampanan bawat isa sa buhay ng iba, kagaya ng Mama ko bata pa lang ako maaga na siya nawala na kung tutuusin di ba sana nakasama ko pa siya ng matagal, lumaki akong kasama niya. Malay mo ganoon na lang papel sa buhay mo si Grecko parte na lang siya ng kahapon mo na isang beses nagbalik pero di naman kayo click sa isat isa, and according sa mga kwento mo mukhang nagbago na siya," pagpapaliwang ni Gab. "Marahil nga tama ka Best, syempre sa panget kong to malamang kahit maging kaibigan niya ulit di niya maatim tanggapin ako, hayys kung bakit naman kasi paglaki ko naging ganto na itsura ko," sabay yakap ni Jace ng isang unan. "Huwag yan bigay sakin ni Samuel yan," sabay hatak ni Gab ng unan yakap ni Jace. "Sorry Best". "Best please pumayag ka na isang beses lang naman, gusto ko lang naman malaman after niya pumunta ng States kung ano na nangyari sa kanya. Yun lang naman gusto ko malaman kung ok pa rin ba ko sa kanya," malungkot ang mukha ni Jace habang sinasabati ito. "Kaya Best think a thousand times bago pumayag sa gusto mo," Payo ng Bestfriend ni Jace ********* Jace POV Mabilis namin tinatakbo ng kaibigan kong si Gab ang hagdanan ng MRT Edsa Taft station. Halos kaladkarin ko na si Gab para makahabol sa papaalis ng tren. Pagkapasok halos kapusin kami ng hininga sa pagtabok. "Grabe mauubusan ata ako ng hininga," sabay inom ng bottled water ni Gab. "Kailangan natin makasakay Best baka ma late tayo sa itinakdang oras ni Grecko," "Advance naman ng 30 mins. ang relo ko kaya di tayo mahuhuli ng oras," Ani ni Gab. "Mahirap na Best alam mo naman dito sa Manila umulan ulan lang baha na tapos niyan trapik na , mas mainam mas maaga tayo." "Ang sabihin mo sobrang excited ka lang kaya ka ganyan". "Sobra Best excited na excited talaga ko, maraming maraming salamat talaga Best". Dahil sa sobrang saya ko napayakap ako kay Gab kahit maraming tao at siksikan sa Mrt. "Ano ba yan! Wag nga kayong malikot." sabi ng isang babae na nainis sa amin. "Dito pa talaga kayo nag P.D.A, Ano ba naman yan!" Sabi ng mga taong katabi namin. "Magkaibigan lang kami, Pasensya na masaya lang kami" saad ni Gab na natatawa kakulitan namin. Pagkababa namin sa Ayala Avenue ay tinungo namin ang isang sikat na restaurant sa lugar na iyon. Bago kami pumasok sa loob tiningnan ko muna si Gab mula ulo hanggang paa at pinaikot ko pa. "Ano ba yun Best, Mahilo naman ako sa ginagawa mo?"aniya. "Okay na, Ang pogi mo talaga Gab, yun mga sinabi ko ah huwag na huwag mong kakalimutan." "Nambola ka pa Best, Oo natatandaan ko lahat ng instruction mo" sabay taas ng kamay nito at nag sign ng Ok. "Ang bait bait talaga sobra ng Best ko," Hindi talaga ko lubos na makapaniwala na pumayag ang Best ko sa kahilingan kong magpanggap bilang ako at makipag date sa dati kong ultimate crush kong si Grecko di ko maipaliwanag ang aking nadarama , tila gusto kong magsisigaw sa tuwa, pumalakpak ang aking tenga , tumambling pero nagkasya na lang ako sa pagtalon talong ng paulit ulit. "Best ano ka ba, itigil mo nga yan pagtalon talon mukha kang tanga dyan, pinagtitinginan ka na ng mga tao sa paligid" pag awat sakin ni Gab. "Masayang-masaya lang talaga ko Best, di ko mapigilan sarili ko sa saya, di ko rin alam paano kita mapapasalamatan," saad ko. "Ang sabihin mo maswerte ka at dahil kaibigan mo ko, At kung di kita kaibigan matagal ko ng ikinahiya yan mga kalokohan mo di ko na kinakaya minsan hahaha," "Grabe ka sakin Best ikahiya ba talaga, mukha ba kong baliw sa mga ikinikilos ko". "Alam mo yun teletubbies parang ganoon ka minsan," "Grabe nakakatampo na ah" Hinawakan ni Gab ang mga kamay ko at sabay sabi ng... "Alam mo ang pagiging lokaret mo minsan nagpapasaya sakin kapag malungkot ako at namimiss ko family ko na nasa canada, ikaw ang stress reliever ko sa toxic kong trabaho," "Na-touch naman ako Best hayaan mo lagi magpapaka baliw sumaya ka lang," "Talaga ba Best, O siya tama na baka magka-iyakan pa tayo dito sa labas ng restaurant," aniya. Nauna akong pumasok sa restaurant tamang-tama wala pa si Grecko kaya sinensyasan ko si Gab mula sa labas na pumasok na rin. Pagkapasok napa wow kami sa ganda ng ambience ng restaurant french na may pagka american style ang mga upuan, lamesa mga paintings at pati decoration sa wall na ito, namamayani ang pula at gold na kulay ng tema nito. "Good afternoon Sir, Do you have reservation?" Tanong samin ng host ng restaurant. "Yes kay Grecko Sandoval" sagot ko "This way Sir." inassist kami ng ng host kung saan table nagpa reserve si Grecko, pagkaupo namin ay kaagad kami binigyan ng honey lemon water ng waiter. "Thank You," ani ni Gab sa waiter. "Wow ang ganda naman dito, mapepera lang ata kumakain dito, Ang sosyal sobra". "Best ang bunganga takpan mo baka pasukan ng langaw," sabay tawa ni Gab sa akin. Agad ko naman isinara ang aking bibig dahil hindi ko maiwasan mapahanga sa mga nakikita ko. "Ang sarap naman nito" sambit ko ng inumin ko ang honey lemon water. Nasa kasarapan ako ng aking iniinom ng napasigaw ako ng makita ko sa labas si Grecko. "Best ano ka ba nakakahiya kita mo naman mga tao nandito sa loob mga alta sa siyudad". Parehas kaming nakangiwi at nakangiting nanhingi ng sorry sa mga nabulabog ko nang makita kong papasok na sa luob si Grecko agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Mabuti na lamang at mahaba itong lamesa. "Best bakit ka nagtago dyan sa ilalim?" "Nandyan na si Grecko!" bulong ko. Grecko POV I was late ng 5 minutes sa ka meet ko i hope Jc will not be angry with me baka pinaghintay ko siya ng sobra pagkapasok ko ay agad akong binati ng host. "Good Afternoon Sir Grecko," bati sakin ng host. "Dumating na ba yun ka meeting ko , Ok na ba yun pina-reserve kong table?" tanong ko. "Yes Sir 7 minutes ago, yes sir sa favorite na spot niyo." sagot nito sakin. "Thanks, yun mga request kong server ha nakaduty ba sila?" "Yes po sir ok na po lahat," Nakita kong may naka upo na nga sa paborito kong table o spot sa gilid ng restaurant because i feel comfortable whenever I see the whole venue. Ayaw ko kasi sa gitna, ayaw ko ng pinagtitinginan ako ng iba. I dont like attentions na narerecieve ko sa mga nag aadmire sakin. Yes guwapo ako at di ko naman sila masisisi na humanga sakin, I just dont really like people paying attention to me kung sa tingin ninyo suplado ako , i dont care. Pagkalapit ko sa table agad kong binati si Jc pero nakayuko ito sa lamesa at tila may ginagawa na kung ano. "H-hi, Are you Grecko Sandoval?" nagulat pa ito ng aking tawagin. "Yes, is there something wrong?" tanong ko sa kanya. "W-wala naman" uneasy niyang sagot pero sa tingin ko normal lang naman siguro na medyo kabahan ka sa ganitong blind date. "May kasama ka ba?" tanong ko napansin kong dalawang Baso ang nasa table nagtaka ako. "A-ako may kasama wa-wala, wala akong kasama" sabay tikhim niya. "Bakit dalawa yang baso kung wala kang kasama?" muli komg tanong. "Aah eh kasi nandito kanina umalis na kaya dalawang itong baso sa lamesa." nakangiti sakin si Jc pero parang mga mata nito'y parang nag aalangan sa kanyang mga sagot. "Anyway, Do you want to eat na habang nagkukuwentuhan tayo?" tanong ko. "Sure, its fine with me mas maganda yun ganoon habang naguusap tayo sabay na din ng kain." Sa wakas wala na siyang kaba ngayon. "What do you want to eat, Favorite ko kasi dito lagi kong inoorder ang tacos, quezadillas at seafood pasta," habang ibinibigay samin ng mga server ang menu. "Try ko din yan quesadilla, tapos itong country style pork belly with cilantro rice, at cucumber shake," sabay ngiti nito sakin. "Nice order masarap yan mga napili mo," saad ko. "Mahilig kasi akong magluto pero di ako masyado sa mga ganitong expensive na delicacy." sagot nito. "Wow mahilig ka pa lang magluto". "Oo lagi kong pinagluluto ang bestfriend ko," "I hope sana maipagluto mo rin ako, one time," saad ko "Sure no problem," aniya. "O nga pala san ka nagwo-work?" tanong ko. "Receptionist ako sa Crown Hyatt hotel, mag 3 years na ko pero balak ko sumunod sa family ko nasa Canada na sila ngayon lahat." "I see kailan mo naman balak" "Hindi ko pa matantya kong kelan kasi nilalakad pa ng family ko citizenship ko kaya indefinite pa kung kelan ikaw saan ka nagwowork." "I owned a magazine and ako din ang editor-in-chief," sagot ko "So how is being an editor-in-chief , wala kasi kong hilig sa pagsusulat, pero mahilig ako magbasa ng old books. Ughh contemporary versus old school sabi ko sarili ko. Nang ma-iserve na ang mga orders namin ay niyaya ko muna siya kumain, I dont know why im feeling na parang hindi itong si Jc ang kausap ko. "Nga pala do you still remember noon magka schoolmate pa tayo lagi kang binubully pero noon ipinagtanggol kita tumigil sila pambubully nila sayo," saad ko. "Yup tapos noon parati naman tayo magkasama nainis naman sayo mga nagkaka crush sayo kasi ako na palagi mo kasa kasama," that's right sa akin nainis mga nagkakacrush sakin dahil nawalan na ko ng time na makipag usap sa kanila. "So after nga pala nun nag migrate kayo sa States, ano na balita sayo noon kasi di ba sa friendster tayo nagkakamustahan dati kaso nawala na si friendster?" Naconvince ako sa tanong niya haay mabuti na lang nasabi niya yun nawala ang pagdududa kong hindi siya si Jc "hayun the saddest part of my life nagkasakit si Daddy ng cancer habang nag aaral ako sa hospital ako dumederecho minsan para bantayan siya," malungkot kong sagot kay Jc "Naku, Im sorry hindi ko intention mapaalaala sayo Daddy mo". "Its Okay ilang taon na rin nakalipas, wala na din sakit." "O nga pala bakit cucumber shake yan inorder mo di ba ayaw na ayaw mo ng pipino noon kumakain tayo ng kwek kwek pinaalis mo nga sa tindera yun pipino nakahalo sa suka." Biglang nasamid si Jc sa pagkakasabi ko at mabilis na uminom ng tubig. "Im sorry nagulat ata kita kaya ka nasamid" sabay abot ko sa kanya table cloth. Sumenyas lang ito ng ok na siya. "Excuse me may kukunin lang ako sa car may nakalimutan ako," Gab POV Sobra pagkakasamid ko dahil sa pipino na yan nang sumaglit si Grecko sa kotse niya ay lumabas mula sa ilalim ng table si Jace. "Im sorry Best pasensiya na di ko nasabi sa iyo na allergic ako sa cucumber, nakalimutan ko talaga sorry," aniya na habang himas ang aking likod. "Oo nga eh ang hirap pala magpanggap nakakaloka ka talaga bess last na to ha" "Oo Best last na talaga to" pagkasabi niya'y dinig namin dalawa ang pagtunog ng kanyang tyan. "Oh kunin mo na itong mga crepe na hugis tatsulok na may palaman na vegetable salad at small chips sa loob," Halos maubos sa plato ang quesadilla na feeling ko limang piraso ito at muling pumasok sa ilalim si Jace. Nataranta na naman ako nang ilang saglit ay nakita kong papalapit na si Grecko sa table. "For you," inabot niya sa akin ang isang rectangular shape na box at halatang relo o bracelet ang laman noon. "Para sa aking ito?" nakangiti kong tanong. "Yeah para sayo yan, friendship bracelet, akin na isuot ko". "Thank you" masayang sabi ko. Nang maisuot na niya sa akin ang bracelet ay natuwa ako natigilan ako nang sabihin niya... "Your Cute," nakatitig niyang sabi sa akin halos ikatunaw ko ang walang pagkurap ng mga mata niyang nakatitig sa akin. Hindi ko mapigilan matuwa pero nag aalala din ako sa kaibigan kong nasa ilalim ng lamesa sigurado akong narinig niya ang sinabing iyon ni Grecko. Boooogggg!!! Tunog na nang galing sa lamesa. "Are you okay?" tanong niya akma niyang sisilipin ang ilalim ng lamesa "Ahhh okay lang ako paa ko lang yun?" "Its getting late, okay lang ba ihatid kita pauwi?" si grecko habang kinawayan niya ang server para mag bill out na. "No" Mabilis kong tugon. "May pupuntahan pa kasi ako..." Napatigil ako ng tapik tapikin ako ni Jace sa binti ko at sabay ng senyas ng kamay ng okay. "I insist ihatid na kita," muling sabi ni Grecko At muling umulit na naman si Jace sa pagtapik ng binti ko buti na lamang ay sumaglit sa bar si Grecko. "Hindi kita ma-gets Best," bulong ko. "Sige na pumayag ka na" sabi ni Jace. "Eh paano iyan magkakahiwalay tayo ng pag-uwi niyan." tutol ko. Lumabas si Jace sa ilalim ng lamesa at sabay sabi ng.. "Sige na magpahatid ka na , ako na bahala sa sarili ko," Lumingon saglit si Jace nang mamataan pabalik na si Grecko. "Hayan na siya, mauna na ko umuwi basta chat mo na lang ako balitaan mo na lang ako mamaya o bukas" at mabilis na lumabas ng restaurant si Jace. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaibigan ko kanima ay narinig niya si Grecko na sinabihan ako ng cute at ngayon naman uuwi siyang mag isa. "Shall we?" alok ni Grecko kaya wala na din akong nagawa kaya lumabas na kami ng restaurant , palinga linga ako sa paligid para hanapin si Jace ngunit hindi ko siya makita. Pagkasakay namin ng kotse ni Grecko habang nasa daan pauwi ay di siya mawala sa isip ko. Mayat maya pa kong nagtititext sa kanya na halos mapansin ni Grecko na busy ako sa phone ko. Jace sumagot ka naman
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD