Chapter 3(⁠◕⁠ᴗ⁠◕⁠✿⁠)

2304 Words
One month past... "Nasha naman bakit ka na naman umiiyak ha?" Hindi ko talaga mapigilan ang sakit na nadarama ko ngayon dahil sa nalaman ko. Buntis si ate. I can't breath na parang gusto ko nang bumigay. "Kadya, buntis si ate. Gusto nila mama na kausapin ko si Carlo para panagutan ang bata. Gusto ko nang mamatay Kadya. Sobrang sakit na eh." Ang sabi ko sa sarili ko. Kakalimutan ko na si Carlo pero bakit ang hirap pa rin tanggapin hanggang ngayon. Sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari na hindi ko magawang burahin sa isipan ko. Mababaliw na ko sa kakaisip ko kahit narito na ko sa Probinsiya. Masakit pa rin sa akin ang lahat. Kahit ilang beses akong kausapin ni Carlo na ako pa rin ang pipiliin niya pero mas higit siyang kailangan ni ate at ako ang kailangang magparaya dahil buntis si ate. "What? Buntis ang kapatid mo? Maygad Nasha, I feel your pain. Huwag kang susuko okay at huwag mong sasabihing gusto mo nang mamatay. Nakausap mo na ba si Carlo? Anong sabi niya?" "Pupunta siya ng America at doon na siya maninirahan. Pero may option siyang sinabi. I marry him at pananagutan daw niya ang bata. Pero kung hindi ko gagawin iyon, tatalikuran niya ang obligasyon niya kay ate." Malungkot na saad ko rito. "So, pumayag ka ba sa gusto niya?" "Hindi ko pa masabi sa kan'ya ang sagot ko sa ngayon. Ang sabi ko sa kan'ya, huwag muna siyang umalis hangga't hindi pa naipapanganak ni ate ang kanilang anak." "And then? Papayag kang magpakasal sa kan'ya?" Hindi ko pa masagot ang tanong ni Kadya sa akin dahil naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. "Hindi ko alam Kadya. Hindi ko alam kung ano ang plano niya." "T*nga din yang Carlo na 'yan eh. Huwag niyang sabihin na gagawin niyang mistress ang ate mo. Kaloka! Nag-iisip ba siya?" At umiyak na naman ako rito nang maalala ko rin ang nangyari sa akin nung isang gabing nag-bar kami ni Kadya. "Kadya, may sasabihin ako sayo." Natulala siya. "Oh no! Yan ba Yung nawala ka sa bar?" "Oo Kadya," sabay tango ko. "And guess what? Hulaan mo kung sino ang nakasama ko nung gabing iyon?" "OMG! Don't tell me na yung bastard na makulit ang naka-opppsss... You know na iyon. Why him?" Na halos lumaki ang mga mata niya sa gulat. Umirap ako sa kan'ya. "Not him Kadya. The man sitting with many women next to him." "Oh maygad! Totoo ba 'yan? Wow! So it really hurts and yummy. So wasak ang kepay mo sa kan'ya?" Saka ito pa-inarteng umiyak. "Sana ako na lang. Why you? Ang swerte mo girl. Ang guwapo niya eh. Super duper I like him. Di mo ba alam na siya ang pinunta ko roon?" "Kadya, ang OA mo." "Hindi ako OA noh. Kahit hindi ko siya kilala maraming nagpapapansin sa kan'ya. Minsan ko na rin yang nakita dito nung last two years pa iyon. And ngayon ko lang ulit siya nakita sa bar." "You mean ini-stalk mo siya? Ganun ba?" "Hindi, nabalitaan ko lang eh. Alam mo naman ang mga department ng mga baklang nurse ay siya ang bukang bibig nila." "So what his name?" "Hah? Hindi mo inalam ang pangalan niya? Ano ang ginawa niyong dalawa?" "Kadya, alam mo namang may hinalong drugs sa alak na ininom ko ng gabing iyon. At nasaan ka ba kasi nang gabing may nangyari sa akin?" "Nasha I'm so sorry. Nasa banyo ako at that time. Pagbalik ko sa counter bar ay wala ka na roon." Niyakap niya ko. "So anong masasabi mo for him?" "He is rude Kadya." Sabay hilot ko sa aking sentido. "Ha? What do you mean?" Saka ito tumawa. "You mean wild siya sa kama?" "No Kadya hindi iyon. I mean, bastos siya magsalita." "Hmmm... Bastos siyang magsalita?" At napaisip siya. "Hmmm... Okay lang iyon. Okay lang na umungol siya kasi nasasarapan din siya sa masikip mong butas." "Kadya! Will you please shut up! Hindi ungol ang tinutukoy ko. Maygad! Nag-usap kaming dalawa at iyon nga, bastos siyang magsalita." "Ipaliwanag mo naman kasi Nasha. Nakakaloka ka naman kasi. Ano ba kasi sabi niya?" Napaisip ako dahil ako rin naman ang nauna kaya iyon, sinagot niya ko nang pabastos. Bakit ko ba kasi nasabi iyon sa kan'ya? "Nothing Kadya... Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko." Saka ako lumabas ng aming silid. Nagpunta ako sa terrace para ituloy ang ginagawa ko roon. Magchecheck ako ng aking listahan para sa mga lugar na aking pupuntahan pero dito lang din naman. May sideline job kasi ako ngayon. Kailangan kong makaipon ng pera para may maipadala ako kina mama at papa. Hindi sapat ang sweldo ko kaya naman naghanap pa ko ng pwede kong pagkakakitaan. At ito ang napili ko rito. Dahil nasa isang village kami. Maglilinis ako ng mga apartment kung sino ang may gustong magpalinis. At hindi lang paglilinis ang ginagawa ko. Nagluluto rin ako. Wala kaming pasok ngayon ni Kadya dahil holiday naman. Kaya aalis ako ngayon para maglinis sa kabilang apartment. "Tsk! May bago kang lilinisan?" "Oo eh, kailangan ko itong gawin Kadya. Marami kasi kami pinagkakagastusan sa bahay. Kailangan ko pang mabayaran yung tuition fee ni KHian." Nang maalala ko si ate. After nung nangyari sa apartment ko noon ay hindi ko na siya nakakausap. Kamusta na kaya siya at sa pinag-bubuntis niya? Kina mama lang ako nakikibalita. "Ah okay, aalis din ako ngayon eh. Magkikita kami ni bf." Kaya naman pala nakabihis siya ay aalis din siya. "Ano oras ka uuwe?" "Hmmm... Baka bukas na Nasha. Ikaw na muna ang bahala rito. Bye," saka ito nagmamadaling lumabas ng apartment. Umalis na rin ako at tinungo ang kabilang apartment doon sa pinakadulo. Pagkarating ko rito ay agad na sinalubong ako ng may-ari ng apartment. Kinausap niya ko "Nasha, mabuti at narito ka na. Umalis muna yung bagong nagrerent dito. Ang sabi niya may nakalimutan siyang bilhin. Sige na, umipsahan mo na ang maglinis sa loob. "Ate salamat sa opportunity na binigay niyo sa akin ha. Malaking bagay na ito para sa akin." "Okay lang iyon Nasha. Dito lang muna ako habang naghihintay sa kan'ya." Ngumiti muna ako kay ate Gayla bago ako pumasok sa loob ng apartment. Hindi ko natanong sa kan'ya kung lalaki o babae yung bago naming kapit-bahay. Pagkapasok ko rito sa loob ay inumpisahan ko na ang maglinis. Dapat kahapon pa ito sinabi ni ate na mag-linis ako para pagdating yung bagong lipat ay malinis na ang pagtitirahan niya. Inuna ko na munang nilinisan ang kuwarto. Konting linis lang ay okay na. Alikabok lang naman ang lilinisin ko rito. At nang matapos ko rito sa kuwarto ay sa banyo naman. Medyo amoy fresh mint. At dahil sa amoy na iyon ay inisip kong lalaki ang bago naming kapit-bahay. Lumabas na ko ng silid pagkatapos kong malinisan ang buong kuwarto. Sa kabilang kuwarto naman ako maglilinis dahil ang apartment na ito ay may dalawang kuwarto. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at sakto namang may narinig akong may nag-usap sa sala. So narito na pala ang bagong lipat. And wait, Hindi lang siya iisa kundi dalawang lalaki ang kausap ni Ate Gayla. Sumilip ako sa pinto at tama nga ako. Dalawang lalaki nga. Yung isa ay nakatalikod mula rito sa gawi ko at yung isa naman ay siya ang kumakausap kay ate Gayla. Parang may lenggwahe silang sinasalita na hindi ko naiintindihan. Nilock ko na lang ang pinto at inabalang maglinis dito sa silid na pinasukan ko. Hindi naman gaanong madumi kaya naman konting walis at punas lang ay tapos na agad. Palabas na ko ng pinto at nabungaran ko rito yung lalaking kanina. Ngumiti siya. "Hi," bati niya. "I'm sorry. Did I disturb you? Ahh... Naistorbo ba kita sa pag-lilinis mo?" "Hello," sagot ko. "Hindi naman, saka tapos naman na ko maglinis rito. Sa kusina na muna ako." "Okay," sagot niya at pinadaan naman niya ko. "Who are you talking to?" Tanong naman ng isa. Narito na ko sa kusina at nagliligpit ng mga kalat rito. Dinig kong nag-uusap ang mga ito ngunit hindi ko na lang sila pinansin kahit ako pa ang pinag-uusapan nilang dalawa. "So what next? At kailan ka ba uuwe sa inyo?" Tanong ng lalaking kausap ko kanina. "Hindi na muna ako uuwe sa amin. May plano pa ko sa buhay ko. You know what I'm talking about." Sagot niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nakuryos ako sa lalaking nagsalita. "Ahh...That girl? Pero saan mo siya hahanapin? Kalokohan naman yang idea mong 'yan. Kung ako sayo huwag mo na siyang hanapin." "Hahanapin ko siya Erick." "Naks! Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa mga babae? Ang alam ko, mga laruan mo lang ang mga babae. And Tito knows that. Ang dad mo na ang nagsabi niyon na marami ka pang wawasaking___ "Erick stop! Kung ano ako dati, iba na ngayon. Matapos ang maraming araw, nakita mo bang may kasama akong babae? Wala diba?!" Umiling ako rito dahil mukhang nagtatalo na ang mga ito. Kailangan ko na ring umalis rito dahil inuumpisahan na nilang uminom. Dito na lang ako sa kusina dadaan palabas. Ayaw ko naman silang istorbohin dahil taga-linis lang naman ako rito. Napabuga ako ng hangin sa aking bibig. Narito na ko sa labas at kailangan ko ng umuwe sa aking apartment. Naglalakad pa lang ako nang may tumatawag sa akin. Si ate Gayla. Sinagot ko agad ang tawag niya. Sabi niya ay nandoon siya sa apartment ko naghihintay. Pinatay ko agad ang tawag. Saktong narito na ko sa tapat ng apartment ko. Wala naman rito si Ate Gayla nang datnan ko "Nasha!" Tumingin ako sa kabilang apartment. Naroon siya kaya naman pinuntahan niya ko rito. Nakangiti siya sa akin at Hindi ko malaman kung bakit ito masaya. "Ate, ang saya natin ngayon ha. Anong meron?" "Grabe, ang laki ng binigay sayo na pera, ito oh." Inabot niya sa akin ang limang libo. Napanganga ako sa laki ng binayad nila. Natuwa ako nang makita ko ang perang nasa aking palad. Jusko! Makakabayad na ko ng tuition fee ni Khian. "Ang laki nito ate Gayla. Malaking tulong ito para sa akin. Kailangan kong bumalik doon para magpasalamat " "Naku next time na Nasha. Darating pa kasi ang iba pa nilang mga kasama. Baka pagkamalan kang bayaran eh. Huwag na at ipagpaliban mo na lang ang pagpapasalamat mo. Nasha sorry ha. Naibigay ko ang number mo sa kanila. Tatawagan ka na lang daw nila kapag magpalilinis sila." "Okay lang ate Gayla." Nakangiting sabi ko. "Halika sa loob, papameryendahin kita." Inaya ko siya sa loob kaya naman nagkwentuhan na rin kami ni ate Gayla. Wala naman yung kaibigan ko kaya si ate muna ang kachikahan ko ngayon. "Alam mo ba Nasha, ang pogi ng isa." Kinikilig na sabi ni Ate Gayla. Ngumuso ako. "Si Erick ba ate?" "Ahh... Hindi siya. Si Brion ang tinutukoy ko." Napaisip ako. Baka yung isang kausap ni Erick. Pero hindi ko naman nakita ang itsura niya dahil nakatalikod siya kanina. Hindi ko nagawang magpaalam sa kanila kanina eh dahil hindi naman ako interasadong magpakilala. "Brion, sounds like stupid." Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig ko. Natawa si ate Gayla. "Bakit mo nasabing stupid? Ang guwapo kaya ng nakatira sa dulo." "Aanhin mo naman ang guwapo ate kung mangloloko naman?" "Gusto ko sanang magtanong sayo kung bakit galit ka sa mga lalaki. Pero huwag na lang kasi personal problem mo na Yan eh. Oh siya, aalis na rin ako. Ikaw na ang bahala rito. Salamat sa meryenda Nasha." Nasa labas na kami ng apartment ni Ate Gayla. Padilim na rin ang paligid nang magpaalam ito kaya naman need ko na ring magluto. "Sige ate, ingat sa pag-uwe." "Salamat Nasha," saka ito kumaway habang nasa kalsada na siya. Pumasok na ko sa loob at inabalang magluto ng kakainin ko. Ako lang naman ang kakain kaya konti lang niluto ko. Pagkatapos kong magluto ay kakain na rin ako. Alas otso na ng gabi, katatapos ko lang maligo nang may tumatawag sa phone ko. Sinagot ko agad ang new number na tumatawag. "Hello, sino ito?" Tanong ko sa kabilang linya. "Brion," tipid niyang sagot. Kinabahan ako dahil ito yung binanggit na pangalan ni ate Gayla kanina. "Yes, anong kailangan mo sa akin?" "Pwede ka bang pumunta ngayon dito?" Umawang ang ibabang labi ko dahil gabi na rin kasi. "Ahmmm.... Bakit? Anong gagawin ko riyan? Saka gabi na eh." Mas Lalo akong kinabahan dahil sabi ni Erick kanina ay isang laruan para sa kan'ya ang mga babae. Umiling ako rito dahil iba ang kutob ko at iniisip ko. "Maglinis ka ng kalat dito sa sala. Maraming kalat. Pero kung ayaw mo, bukas na lang. Agahan mong maglinis. Nakabukas lang ang pinto para sayo. Ayaw ko lang nakakakita ng kalat rito. Naiintindihan mo ba ko?" "Sure..." Tipid na sagot ko saka niya ko pinatayan ng tawag. Sanay naman akong gumising ng maaga kaya bukas na lang ako maglilinis doon. Makakahabol pa naman ako sa duty ko bukas kaya agahan ko na lang ang magpunta doon Kinabukasan, alas singko pa lang ay nagpunta na ko sa pinakadulong apartment. Pinihit ko ang saraduhan ng pinto at bumukas naman ito. Inawang ko ang pinto at ito ang nabungaran ko rito sa loob. Sobrang dami ng kalat. Isa'-isa kong pinulot ang mga bote at can beer saka ko nilagay sa plastic bag. Nang may makita pa kong isang maliit na box doon sa sofa. "What is that?" Dinampot ko ang box at doon na lang ako napadiri ng husto. "Condom!" Nasapo ko ang aking noo at kung anu-ano na lang ang naiisip kong kalaswaan ngayon. Kaya pala pinapapunta niya ko rito kagabi ay dahil lang dito. Hindi na ko babalik pa rito at hindi na rin ako maglilinis dito. Anong tingin niya sa akin? P*kp*k! Damn you Brion!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD