Napansin ni Jorgina ang pagdating ng boss ngunit hindi siya nag aksayang batiin manlang ito. Pansin din niyang hindi maganda ang mood nito dahil halos magsalubong na ang mga kilay ng binata. Nagkibit balikat na lamang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Kapwa lingid sa kaalaman na pareho nilang ninanakawan ng tingin ang isa't isa na tila may alinlangan. Naalala ni Jorgina inabot na siya ng hapon sa tabi ng binata at ng magising siya ay pansin niyang tila humupa na ang lagnat nito. Ngunit malalim ang pagkakatulog. Bumangon siya kahit pakiramdam niya ay maghi- hiwalay ang kanyang mga binti. Dahan dahan niyang dinampot ang mga damit at isinuot iyon. Maingat siyang kumilos sa kusina para hindi magising ang binata. Ipinagluto niya ito ng sinigang na hipon at itinabi sa kaserola. Nag iwan pa

