"Alam mo napapadalas ata yung pag dikit-dikit ni sir Patrick kay Jorgina" sabi ng isang usyoserang empleyado ng kumpanya ng Don Ramon Realty. "Yes, at feeling ko may relasyon sila" sagot naman ng isa. "Pero akala ko din may relasyon si Mr. Villa Real at Jorgina. " Nagtataka naman na sabi ng isa. "Pano mo naman nasabi? Duh, never magkakagusto si sir sa katulad niya" sagot ng unang babae. "Malay mo me pagka kerengkeng pala yung babaeng yon. Gusto maka bingwit ng malalaking isda." Natatawang sagot ng isa. "Yeah sure, kaya siguro dala- dalawa ang nilalandi." Sabay tawanan ng tatlo. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa elevator at lingid sa kaalaman ng mga ito ay naroon si Jorgina sa likuran nila at sa likuran naman nito ay ang kanyang boss na si Jay! Nakakuyom ang mga kamao ng

