Nagising si Jorgina sa kakaibang amoy na iyon. Nang imulat ang mata ay bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag ng ilaw sa kisame. Pinikit niya ang mga mata at unti unting idinilat muli. Una niyang namataan ang kanyang lola na nakayuko at natutulog sa gilid ng kanyang kama. Agad naman itong nagising ng maramdaman ang pag kilos niya. "Jorgina apo!" Nagising din ang natutulog sa sofa na si Katrina. "Besh! Mabuti naman at gising ka na." Naiiyak na sabi nito pagkatapos ay lumabas upang tumawag ng nurse. "Kumusta pakiramdam mo apo?" Nag aalalang tanong ng lola niya. "Ok naman po lola " sagot niya habang sapo ang kanyang ulo. Maya maya ay pumasok si Katrina na may kasamang nurse. Chineck nito ang vital signs niya saka tinanong kung kumusta ang pakiramdam niya. "Medyo masakit lang y

